chapter 40

319 6 0
                                    

Kinabukasan hindi ulit pumasok si Ejay sa klase ni Sir Alfred. So, wala ako sa mood. Feeling ko kasi ako yung dahilan kung bakit hindi s'ya pumapasok. Although sinabi n'ya naman sa'kin na dahil lang talaga sa nagpapractice s'ya ng basketball. Still, dahil feeler ako, nagi-guilty pa din ako.

"Mr. Roxas?" pagtatawag ni Sir sa attendance. Lumingon ako sa upuan ni Ejay tapos ako na yung sumagot. "Absent."

"Ms. Samson?" tawag naman sa'kin ni Sir. Magkasunod lang kami ni Ejay eh, so kung alphabetical order ang arrangement ng upuan namin, katabi ko si Ejay.

"Present," sagot ko. Joker ka, Sir? Nasa harapan mo lang ako tapos hinihintay mo pa kong sumagot. Tsk, gusto mo lang marinig boses ko eh. Ang dami mong hidden agenda ah.

Discuss ng discuss si Sir pero dahil wala naman ako sa mood na makinig sa kanya, nakatunganga lang ako sa gwapong-gwapo n'yang mukha. Dahil nga medyo may pagkapapansin toh si Sir, palagi s'yang humihinto sa harap ko habang nagdi-discuss at palagi din s'yang tumitingin sa'kin. Aba, sinasamantala mo talaga, Sir, yung mga pagkakataong absent si Ejay ha.

Nakahawak si Sir sa likod ng upuan ko, parang casual lang na wala namang malisya, kunyari kasi busy s'ya sa pagdi-discuss n'ya eh. Habang ganun yung position n'ya at medyo nakalingon ako sa likod n'ya, naaamoy ko yung manly scent n'ya. Amoy aftershave ah.

"Understand?" tanong ni Sir sabay alis sa pagkakahawak sa sandalan ng upuan ko. Ano ba yan? Hindi naman sana nakita ng mga classmates ko yung pagsinghot-singhot ko sa amoy ni Sir. Hahaha!

"Yes, Sir," sagot nung mga classmates ko.

"Understand?" ulit n'ya pero mahina lang at para sa'kin talaga yung tanong n'yang yun. Tumango lang ako. "Good," tumango din s'ya tapos nagsalita ulit. "I'll dismiss you early. Goodbye, class."

"Bye, Sir!" sabi nung mga classmates ko. Tumango lang si Sir.

Si Liezel naman lumapit pa talaga sa table ni Sir para maggoodbye, personally. "Bye-bye, Sir."

"Good bye. Ingat Ms. Madrigal," sagot naman ni Sir na kung makangiti wagas. Ma-flirt ka din eh, noh?

Lumapit sa'kin si Jen, "Teh, una na ko ah? Makikipag-meet ako kay jowa eh. Ingat ka!" sabi n'ya sabay beso. Tumango lang ako.

Dahil nga sa mabagal akong kumilos nung mga panahong yun, naiwan ako sa classroom at si Sir. Ewan ko ba, mabilis naman ako kumilos minsan, pero dahil siguro wala ako sa mood kaya nasa bagal-bagalan mode ako today.

"Gwen?" tawag sa'kin ni Sir Alfred. Nakayuko kasi ako nun at base sa pagkakatingin n'ya sa'kin, halatang wala ako sa sarili.

"Yes, Sir?" sagot ko tapos tumingin ako sa kanya. Nasa heaven na ba ko? Kasi parang anghel na bumaba sa lupa kung makangiti si Sir eh.

"I need to talk to you," sabi n'ya. Hindi pa din kasi ako lumalapit sa table n'ya. Good thing walang taong dumadaan sa hallway para makita kaming dalawa.

"We're already talking," sagot ko sabay yuko. Nakakalimot yata ako, nasa school pa kami at professor ko pa din s'ya. So sa ayaw at sa gusto ko dapat akong sumagot ng matino.

"I'm talking about talking to you... Professionally," sagot n'ya. Okay, fine! Ako na'ng pahiya.

"Sorry," sagot ko tapos sinukbit ko na yung shoulder bag ko at lumapit sa table n'ya. "About what?"

"About Ejay," pagsisimula n'ya. Nakita n'yang medyo sumimangot ulit ako kaya nagsalita s'ya. "Why? Palaging mo s'yang sinisingit sa usapan natin whenever we're talking, right? Ba't ngayon parang ayaw mo s'yang pag-usapan?"

"Wala naman akong sinabing ayaw ko s'yang pag-usapan," sabi ko. Defensive na ba ko?

"Fine," he said, shrugging his shoulders. "He's absent for two consecutive meetings. What's his problem?"

Class Starts When the Game Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon