chapter 47

278 4 0
                                    

Tinulak ko s'ya palayo. Nakakarami ka na. Nakakahalata na ko, Sir, na sinasamantala mo ang kalasingan ko. Hindi porket mas pumogi ka ngayong lasing ako, ganun-ganun na lang yun. Hindi ka man lang ba na-turn off na nasuka ako kanina?Ako kasi hiyang-hiya ako sa sarili ko eh. Tapos pagkatapos n'yang magsawa sa pagtitig sa maganda kong mukha (YES!), nagsalita na din s'ya.

"Bakit ka nag-inom?" tanong n'ya. May hint ng galit sa boses n'ya pero very, very light lang naman. Alam kong mas matimbang pa din ang love. Yes naman. Nakatingin s'ya ng matalim sa'kin. Tingin ba yan ng galit o ng pagpapantasya? Naguguluhan kasi ako.

"Do you really want me to answer that question?" tanong kong sagot sa tanong n'ya. Ano daw? Hindi ba obvious na galit ako sa kanya? Ayy, ang slow naman nito, professor ka pa naman.

"Yes," sagot n'ya with matching pagtaas pa ng kilay.

"Dahil sayo. Nakaka-badtrip ka eh," sagot ko. O ayan, gets mo na? "Hindi. Joke lang. Gusto lang namin mag-inuman. Bakit?" Sabay bawi ko. Takot eh. Tsk, kapag talaga lasing ang lakas ng loob, noh?

"I'm not going to tolerate this," sabi n'ya tapos hinawakan n'ya yung braso ko. Kung sabihin ko din kaya sa kanya na hindi ko ito-tolerate yung pagkiss n'ya sa'kin? Ano kaya reaction nito?

"So? What're you gonna do?" tanong ko sa kanya. Hindi ako natatakot kung isusumbong n'ya kami sa Dean. Alam kong hindi s'ya papayag na mapagalitan ako. Unless, hindi na ako mahalaga sa kanya.

"I'm gonna punish you," he started and grab my waist again. "Alfred-style."

Pero bago n'ya pa ako ma-kiss ulit, natulak ko na s'ya. I can't handle one kiss anymore. Baka makalimot tayo, Sir, sige ka. Porket lasing ako ginaganito mo na ako ah. Pag ikaw naman ang nalasing, akala mo dyan, babawian kita.

"Instead of harrasing me, why don't you dare to explain what I saw, we saw, a while ago?" tanong ko sa kanya. Lumayo ako ng konti, my guards up. Taray, nagde-demand na ako ng explanations ngayon. Ano ako? Girlfriend? Hindi ba pwedeng magpanggap?

"Harrasing you?" ulit n'ya sa sinabi ko. Eh, ano palang tawag mo dun? Alam ko gusto ko din yung ginawa mo pero kelangan ko lang magpakipot kaya kunyari harrassment yung tawag ko dun.

"Start explaining now, mister," utos ko sa kanya, nakataas yung isa kong kilay.  Ang taray na sana ng dating ko eh, kaso natutumba na ako sa tayo ko kasi nga nahihilo na ako. "O baka gusto mo pang mag-walk out ako dito?" Yun ay kung makakapaglakad ako ng hindi sumisemplang sa lupa.

"Wala bang bribe? Para magsabi ako ng totoo?" tanong naman n'ya. Candy?

"Hindi pa ba enough yung mga chansing mo kanina? Nauna mo na ngang ma-claim yung prize mo eh," sabi ko. Pwedeng mag-explain na lang? Wala ng madaming paligoy-ligoy? Nahihilo na kasi ako baka masukahan na naman kita.

"Iba naman yun eh--"

"Mag-e-explain ka ba o magpapalusot ka na lang forever and ever?" sabi ko. Halata namang wala s'yang balak mag-explain. Kelangan pa bang mag-walk out ako bago s'ya mag-umpisa? Kelangan pa bang jombagin ko muna s'ya para mag-explain s'ya straight to the point? Ang daming sinasabi eh.

"Hindi ako nagpapalusot--"

"Eh ano palang tawag mo sa ginagawa mo?" tanong ko. "Magpapaliwanag ka ba o magwo-walk out ako?" pangba-black mail ko tapos tinignan ko s'ya ng masama. Alam kong ninenerbyos ka sa tingin ko. Makuha ka sa tingin ah.

"Nung hinihintay kita sa diner kanina, nakita ako dun ni Sally tapos inaya n'ya na akong bumalik sa hotel to fix some stuffs for tomorrow at sumama naman ako sa kanya kasi mukhang wala ka namang balak na i-meet ako," sagot n'ya. Magpapaliwag din naman pala ang dami-dami pang sinabi kanina eh. Gusto pa bina-black mail.

Class Starts When the Game Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon