chapter 37

376 5 3
                                    

"Alam mo, teh, may pagkasiraulo ka din noh?" sabi ni Jen habang kumakain kami sa McDo kinabukasan. Lilibre ko s'ya ngayon eh. "Ba't mo naman kasi inaway yung tao? Wala namang alam yun."

"Hindi ko naman s'ya inaway eh. Nairita lang ako kahapon. Di ko alam kung bakit," sabi ko tapos bumulong ako sa kanya. "Meron nga kasi ako kahapon."

"Ganun? Excuse ba yun? Sa tingin mo? O eh di LQ kayo ngayon?" tanong n'ya. Makasermon naman toh.

"Tingin ko. Hindi n'ya kasi ako ni-replyan kanina nung nagtext ako eh," sabi ko.

"Dapat lang yan sayo. Moody ka kase." Sunud-sunod n'yang isinubo yung fries. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Ito naman! Ngayon lang naman nangyari yun. Nagkataon lang naman na meron ako kahapon. Yun lang yun," sabi ko. Kelangan ko ng sympathy n'ya. Kelangan ko ng kakampi.

"Whatever," sabi n'ya tapos uminom s'ya pero binalik n'ya din yung nainom n'ya kaya nag-react ako.

"Ang baboy ah!"

"Late na tayo, bruha! Tara na!" yaya n'ya sa'kin sabay tayo. Hindi ko na nailigpit yung mga libro ko na nagkalat sa mesa kaya tumakbo na din ako.

Hindi naman masyadong malayo yung McDo sa labas ng school pero dahil ten minutes late na kami kanina, kelangan naming tumakbo. At sigurado kong yari ako nito pag dating ko sa classroom.

Nauna na si Jen. Ang bilis tumakbo eh. Paliko na ko nung may makabangga ako. Sa sobrang lakas ng pagkakabanggaan namin nung nakabangga ko, nahulog yung mga books ko. At pwede na nga akong makakita ng mga stars eh.

Nakayuko kong pinulot yung mga books ko.

"Sorry. Sorry," sabi ko pero hindi ko tinitignan kung sino yung nakabangga ko. Nagmamadali kong pinulot yung mga libro.

"Relax," sabi nung boses sabay hawak sa kamay ko na nagmamadaling pumulot ng mga libro. Si Sir Alfred pala.

"Sir. Kayo pala. Sorry," sabi ko sabay tayo. Sa sobrang pagkaka-focus n'ya sa mukha ko, hindi n'ya na ko tinulungang magpulot ng mga libro. Ang gentleman mo naman!

"Ba't ka kasi nagmamadali?" tanong n'ya.

"Late na ko sa class mo, di ba?" sabi ko. Hindi naman siguro sobrang advance ng orasan sa McDo.

"Sort of. But we can fix that naman. Pwede naman kitang kausapin mamaya pagkatapos ng uwian----"

"Ngee. Ayoko nga!" sabi ko sabay lakad paalis pero nahawakan n'ya yung braso ko.

"Gwen!" sabi naman ni Ejay. Huli na naman ako. Ano ba naman yan! Hindi pa nga kami nagkakabati, mag-aaway na naman kami. Bitawan mo na kasi yung braso ko, Sir.

"Ejay," sabi ko sabay tanggal nung kamay ni Sir sa braso ko.

"Ba't late ka?" tanong n'ya pero kay Sir nakatingin. Hinatak ko s'ya papunta sa classroom. Sa itsura n'yang yun parang masasapak n'ya na si Sir. Si Sir naman sinasalubong pa yung tingin ni Ejay.

"Kumain kasi kami ni Jen sa McDo eh. Napasarap kain namin," sabi ko sa kanya habang hatak-hatak s'ya papasok ng classroom. Hindi n'ya man lang ako tinulungang magbuhat ng libro. Jeez, bakit ang ge-gentleman ng mga tao today?

Nung makaupo na ako sa upuan ko, pumasok na din si Sir ng classroom, si Ejay naman bumalik na sa upuan n'ya. Kinalabit ako ni Jen. "Huli ka na naman?" sabi n'ya na halatang nang-aasar.

"Gagu ka," sabi ko lang. Pinagtatawanan pa ako nitong babaing toh.

--------------------

"Copy this first. After that idi-discuss ko," utos sa'min ni Sir pagkatapos n'yang magsulat sa board. As usual, nakataas na naman yung sleeves n'ya. Naka-white s'yang polo, medyo manipis kaya nakita ko na may tattoo pala s'ya sa right arm. Angas! Sir, sabihin mo nga sa'kin, saang parte pa ng katawan mo ikaw may tattoo? O, gusto mo ako na lang ang humanap? Haha!

Class Starts When the Game Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon