chapter 17

410 5 2
                                    

Sinundo ako ni Ejay nung umagang yun para sabay kaming pumasok sa school. Kahit papano naman, bumabalik na s'ya sa dati, nagiging sweet na s'ya ulit.

Pababa na ko ng sasakyan nung makita kong pababa na din ng sasakyan si Sir. Sir ko s'ya ngayon, nasa school kami.

"Hey! Good morning Ms. Samson," sabi n'ya. Good! Formalities, I mused. Gusto kong palakpakan si Sir sa sobrang galing n'yang umarte. First minute lalandiin n'ya ako then magiging super formal s'ya the next. What the heck, such a good actor, huh.

"Good morning, Sir Alfred!" bati ko naman sa kanya. Talagang diniinan ko yung pagkakasabi ko ng 'Sir.' I-snob-in ko sana s'ya kaso baka ma-bad mood eh, baka pag-trip-an ako mamaya sa klase. Tsaka, ayoko din namang sirain yung araw ko. Sinimulan ni Ejay nang maganda, kaya dapat i-maintain ko yon.

"Good morning Sir," bati din ni Ejay galing sa likod ko sabay akbay sa'kin. Napansin kong napakunot yung noo ni Sir na nakatingin sa nakaakbay na kamay ni Ejay sa balikat ko.

Tinignan ko si Sir habang nasa isip ko yung sinabi ko sa kanyang, "He has control, you know."

"Mauuna na kami, Sir. Bye!" Sabi ko sabay lakad na kami palayo ni Ejay. Lumingon ako. Nakita kong nakayuko s'ya. Oh why? Defeated?

-----------------------

Calculus Time...

"So, ano nang nangyari? Sinabi mo ba kay Ejay?" tanong ni Jen sa'kin habang hinihintay namin si Sir.

"Ano ko? Bale? Ba't ko naman sasabihin yun sa kanya noh," sabi ko naman. Hindi pa ako nababaliw at nasisiraan nang bait para gawin yon. Pero kapag wala na talagang ibang choice, malamang umamin din ako.

"Sabagay, wag mo talagang sasabihin dahil baka mapatay ni Ejay si Sir," sabi n'ya. Sana nga si Sir na lang patayin ni Ejay in case na malaman n'ya, wag ako :P

"Speaking of which, binigyan nga pala ako ng ticket ni Ejay para sa opening ng Basketball League sa Wednesday. Front row," sabi ko. Inabot ko sa kanya yung ticket n'ya.

"Really? My gosh! Front row, first time teh! Ito talagang advantage ng may boyfriend na varsity eh. So, may access din ba tayo sa quarters nila? Alam mo na, para makapasok tayo kapag magbibihis na sila," malanding sabi ni Jen. Sira-ulo. Kung anu-ano talagang tumatakbo sa isip nito. Bilib ako sayo, teh! Ako nga hindi ko pa nakikita yung katawan ni Ejay nang nakahubad, s'ya naman gustung-gusto n'ya? Ayy jusko, kakaiba talaga toh.

Paglingon ko, nakita kong nagkikislutan na yung mga pwet ng mga makekeme kong classmates na babae. Isa lang ang ibig sabihin nun, parating na si Alfred, este si Sir pala.

"Good afternoon, Sir!" greet ng mga classmates ko.

"Good afternoon din," greet back n'ya. Hindi man lang ngumingiti. Naks! Serious. "Okay. So after I check your attendance, we will have an activity." Seryoso pa din s'ya nung sinabi n'ya yon.

"Sir? Eh, kakaquiz lang po natin last time ah," reklamo nung classmate ko sa likod. Halatang hindi nakapag-aral.

"Bad mood ako ngayon. Kapag bad mood ako sumunod na lang kayo sa gusto ko, okay? Wag na kayong dumagdag sa sakit ng ulo ko," sabi n'ya. Yes, bad mood. For the first time, ngayon ko lang nakita si Sir na badtrip ah. Bakit? Dahil kanina? Sa parking lot?

"Sir, saan po isusulat?" tanong ko. Kunyari wala akong pakialam kung magku-quiz kami or kung anumang activities ang gagawin nami ngayon pero ang totoo, hindi okay sa'kin. Hindi kaya ako nakapag-review.

"One whole sheet of yellow paper will do," sabi n'ya. Makatitig wagas, tagos hanggang buto. Oo na, alam ko na, galit ka sa'kin.

"Sir, mahirap?" tanong ko. Sige nga, kung love mo talaga ko hindi ka maiinis sa'kin kahit sobrang dami ng tanong ko.

Class Starts When the Game Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon