"One for you, one for me." Sabay abot ni Jen sa'kin ng ticket. Tumabi s'ya sa'kin habang nagre-review ako ng notes. Nasa classroom kami nun. Medyo maagang nagdismiss yung prof namin ng previous class bago yung klase ni Sir so may time pa naman kami ni Jen na magkwentuhan. Pero hindi ako nakipagkwentuhan sa kanya nun kasi may exam kami kaya nagre-review lang ako. So, nasa kanya lahat ng privilege na magsalita. "Two tickets pala for you. Kay Ejay yung isa."
"Ticket para saan toh?" tanong ko habang nakayuko. Wala na akong alam sa mga events na nangyayari sa school these past few days. Busy sa sariling buhay eh? Pero kung ticket pa toh ng concert ni Katy Perry, siguro mas magiging excited ako at baka ihagis ko pa yung notes ko sa loob ng bag. Ang kaso hindi eh.
"College ball, saan pa? Grad ball na din yata yun eh." Nagkibit-balikat lang ako. Wala akong balak pumunta sa college ball pero dahil ayun na din yung grad ball namin, baka pumunta na din ako. "Grabe! Ga-graduate na tayo. Parang ayaw ko pa. Ganito na talaga tayo katanda? Anyways, kahit na hindi natin sure kung makakaabot pa si Ejay ng grad ball, ibigay mo na din sa kanya yang isang ticket, huh? Nagbabakasakali lang. At tsaka di ba last time libre yung ticket natin nung Basketball League? Kaya ayan, libre ko na kayo sa ticket para sa grad ball."
Napahinto ako sa pagre-review dahil sa sinabi n'ya. Hindi namin sure kung makakaabot pa si Ejay sa grad ball. Tama hindi namin sigurado kung kelan s'ya aalis. Hindi ko alam kung dahil ba hindi n'ya pa alam kung kelan o ayaw n'ya lang talagang sabihin sa'kin kung kelan ang alis n'ya. But either way, I need to cherish all the remaining moments na makakasama ko s'ya. Pinili kong wag pansinin yung tungkol kay Ejay na sinabi ni Jen. "Hindi ka makaka-graduate kung babagsak ka sa majors. Kaya kung ako sayo magre-review na din ako. Inuuna mo pa yang grad ball na yan. Para namang sure kang ga-graduate ka eh?"
"Yabang nito. Hmp," tapos tinago n'ya sa wallet n'ya yung ticket. "Anyway, alam mo ba, balitang-balita na sa buong school yung pagpunta dito ni Chelle last week?"
"So?" Binalik ko na yung tingin ko sa notes ko but my mind is flying. Hindi kay Chelle o sa rumors pero sa pag-alis ni Ejay.
"Wala kang pakialam? Kahit na akala ng lahat na magjowa si Sir at Chelle?"
"Wala," syempre kunyari wala. Ipapakita ko ba sa kanyang meron? Eh di inasar naman ako nito. Pero sa ngayon nga siguro, wala. Kasi hindi pa masyadong nagsi-sink in sa'kin kasi si Ejay pa ang iniisip ko. Mamayang konti siguro si Sir Alfred naman. One at a time lang. Pwede?
"Wehh? Pero kahit wala kang pakialam, iku-kwento ko pa din sayo. To feed your curiosity." Binaba n'ya yung notes ko nung iharang ko yun sa mukha ko kasi tinititigan n'ya ako sa mukha. Alam kong nababasa n'ya yung laman ng isip ko. Ganun na n'ya ako kakilala eh.
"Sino may sabi sayong curious ako? Duhh," pero curious naman talaga ako. Kunyari lang ngang hindi. Pabagsak kong nilapag yung notes ko sa arm chair ko. Tapos tinignan ko s'ya.
"Bali-balita na jowa daw ni Sir si Chelle kasi nga napapadalas na yung pagpunta dito ni Chelle di ba? Kahit hindi s'ya inaaya ni Ejay na pumunta dito, pumupunta pa din s'ya. At si Sir pa talaga yung pinupuntahan n'ya."
"Mas okay na nga yung kay Sir s'ya ma-link eh. Wag lang kay Ejay." Pero ewan ko. Siguro kahit na kanino kay Sir at kay Ejay ma-link si Chelle, hindi okay sa'kin. Feeling ko pag-aari ko sila pareho eh, kaya wag s'yang makikialam.
"Wehh? Eh ba't parang kabaligtaran yata ng mukha mo yung sinasabi mo?" ano daw? Kabaliktaran ng mukha???
"Hindi ahh--" Tinulak ko yung mukha n'ya palayo pero lumapit ulit s'ya. Hindi pa pala s'ya tapos magkwento.
"Tapos. May nakakita pa sa kanilang dalawa sa mall kahapon. Alam mo ba yon?"
"Hindi," sagot ko. Tapos bigla akong may naalala.
BINABASA MO ANG
Class Starts When the Game Is Over
Non-FictionIt's a story about a student who seeks comfort in the arms of her Professor to fulfill the duty of her basketball player boyfriend. But what will happen if the boyfriend comes back and the professor keeps on pursuing her heart? Will she choose the o...