Pagadating namin sa resort dumiretso kami ni Jen sa kwarto namin. May tatlo pa kaming roommates. So bali, five kami sa isang room. Pagkatapos naming ayusin yung mga gamit namin sa kwarto, naglakad-lakad muna kami sa labas.
"Teka lang, teh," sabi ko kay Jen. Huminto muna ako sa paglalakad kaya huminto din si Jen. Naglalakad kami sa garden ng hotel nun. Naka-short shorts ako tsaka fitted na tshirt.
"Bakit?" tanong ni Jen. Suot n'ya pa din yung suot n'ya kaninang byahe. Naka-pants tsaka yung P.E. tshirt namin.
"Tatawag lang ako kay Ejay," sabi ko tapos dinayal ko na yung number n'ya.
"Bakit? Anong sasabihin mo?" tanong ni Jen, naglakad na ulit kami.
"Sasabihin ko nakadating na tayo tapos itatanong ko kung nakadating na din sila," sagot ko. Hindi pa din sinasagot ni Ejay, ring lang ng ring yung phone n'ya.
"Bakit? Ano ka ba? Girlfriend ka ba? Break na kayo di ba?" sabi pa ni Jen. It's more of a statement than a question though parang medyo patanong din.
"Kelangan talaga pinu-point out?" sabi ko tapos binaba ko na yung phone. Tama naman si Jen, wala na kami so we don't owe each other anything. Hindi na kelangang sabihin ko pa sa kanya kung nasaan ako at hindi ko din kelangang malaman kung nasaan s'ya.
"Bakit? Masakit bang marinig ang katotohanan?" sabi ni Jen. Talagang kelangan puro 'bakit' ang start ng sentence n'ya?
"Medyo," sarcastic kong sagot.
"O, ayusin mo yung sarili mo. Padating si Sir," sabi ni Jen. Palapit sa'min si Sir. Tapos halata ko na iiwanan ako nitong babaing toh.
"Teka, saan ka pupunta?" hatak ko sa braso n'ya nung medyo malapit na si Sir at iiwanan n'ya na ako.
"Kelangan n'yong magkasarilinan, teh. Dumiskarte ka na," sabi ni Jen tapos nag-grand exit na s'ya.
"Hi, Sir!" bati ko kay Sir paglapit n'ya sa'kin. Pero iba yung itsura n'ya ngayon eh. Parang may hint of irritation sa mukha n'ya.
"What are you wearing?" tanong n'ya thru gritted teeth.
At dahil mukhang hindi naman professional ang pagkakatanong n'ya at hindi professional yung gusto n'yang pag-usapin namin, sabi ko, "Damit. Anu pa?"
"We're in a cold place, for God's sake! And you're just wearing a shorts and a tshirt?" sabi n'ya. Eh ano ngayon sayo? Tsaka, naiinitan ako eh.
"What's wrong with you?" tanong ko.
"Magbihis ka--"
"You can't tell me what to wear, what I need to do or what I don't," sabi ko. Hindi naman ako magmumukhang alien siguro sa uri ng pananamit ko.
"Can you just wear a little bit longer than that?" sabi n'ya. Referring to my short shorts. "And please wear a jacket. I don't want you to get cold," sabi n'ya. May hint of concern naman sa last sentence.
"Naiwan ko yung jacket ko eh," sabi ko. Tinext ko nga si Mela. Tsk, yung babaing yun. Sabi n'ya ayos na daw lahat ng gamit ko tapos kung ano pa yung kelangang-kelangan ko, yun pa yung hindi n'ya inilagay sa bag ko.
"What? Ayun nga dapat yung kauna-unahan mong inilagay sa bag mo since alam mo namang sa Tagaytay--"
"Okay, stop now. Will you?" utos ko tapos nakita ko sa likod n'ya na pa-approach si Liezel. Panira talaga ng moment eh.
"I'll drop by at your room to give you my jacket, okay?" sabi n'ya.
"Okay," sabi ko. Maybe this tour, even without Ejay, is going to be exciting. "Look who's coming," sabi ko tapos lumingon si Alfred sa direction ni Liezel.
BINABASA MO ANG
Class Starts When the Game Is Over
SachbücherIt's a story about a student who seeks comfort in the arms of her Professor to fulfill the duty of her basketball player boyfriend. But what will happen if the boyfriend comes back and the professor keeps on pursuing her heart? Will she choose the o...