Kinabukasan sa klase ni Sir, ang awkward. Ang awkward lang. Hindi ko alam kung anung mukhang ihaharap ko sa kanya. Ewan ko, imbes na s'ya yung mahiya sa'kin ako na yung nahiya para sa kanya. Kung wala s'yang hiya, pwes, ako meron.
Pagpasok ni Sir ng room, as usual, kilig-kiligan ang mga classmates kong babae including na nga si Jen. Pero teka, hindi yata kinikilig si Jen ngayon? Aba, mukhang wala yata sa mood ang friend ko ah. O baka naman seasonal lang toh kung kiligin?
"Aba, himala, hindi ka yata kinikilig kay Sir ah? May lagnat ka?" tanong ko sa kanya sabay hawak sa noo n'ya.
"Gaga!" hampas n'ya sa kamay ko. "Eh pano ba naman kasi? Taken na s'ya at heart by you, wala na kong pag-asa. Pinapaubaya ko na s'ya sayo." sabi n'ya. Akala mo totoo eh.
"Sus. Itchuserang froglet." Nginusuan ko s'ya.
"Ms. Samson? Absent?" tawag ni Sir sa pangalan ko.
"Present Sir!" sabi ko with matching pagtaas ng kamay.
Nakatingin sa'kin si Sir. Makahulugang tingin. Naku patay! Checking palang ng attendance hindi na ko nakikinig. Haaay. Naku. Focus na nga! Focus. Hindi ako papayag na ipaiwan na naman ako ni Sir. Baka mamaya kung anu nang ipagawa at gawin sa'kin nito.
Tingin ng tingin sa'kin si Sir habang nagche-check ng attendance. Sa bawat pangalan ng classmates ko na tinatawag n'ya sa'kin s'ya tumitingin. Ako ba sila, Sir? Ako ba?
Nagsimula nang magdiscuss si Sir pagkatapos n'yang mag-check ng attendace. Tahimik lang ako. Nagfo-focus. Hanggang sa matapos s'yang magdiscuss hindi pa din ako nakikinig sa mga pinagsasabi ni Jen nung dinadaldal n'ya ako. Busy ako kay Sir. Busy akong makinig.
"Okay, so, do you have any questions?" tanong ni Sir.
"Wala po," sabi ng mga classmates ko.
"Wala po," sabi ko din. Pahabol. Baka mapansin na naman ako eh. Ang hirap pala maging maganda, laging napapansin eh.
"Okay. Good. So, tomorrow we're going to have a quiz. Prepare for a quiz tomorrow," sabi n'ya habang nililigpit n'ya yung mga gamit n'ya. Paulit-ulit. Unli.
"Okay, Sir." sabi namin ng mga kaklase ko.
Lumabas na si Sir ng classroom. Salamat naman sa Diyos at wala naman akong nakitang bakas ng kahapon. Balik professional na ulit s'ya ngayon. Dahil si Sir ang huling klase namin, inaya ko na lang si Jen na tumambay muna sandali sa quadrangle.
"Bakit? Hindi ka ihahatid pauwi ni Ejay?" tanong n'ya sa'kin.
"Hindi eh. Busy. May practice sila ngayon, baka abutin s'ya ng gabi," sabi ko. "Pero may date kami bukas!"
"Talaga? Gano ka naman kasiguradong sisiputin ka n'ya bukas?"Nakataas yung isang kilay n'ya. Nang-aasar pa toh. Alam kong sisiputin n'ya ako bukas.
"Sigurado ko. Basta. Wag ka nga! Napaka-nega mo!" sabi ko.
"Nagtatanong lang naman ako, teh, di ba? Naninigurado lang. Concern lang naman ako sayo. Baka mamaya, indyanin ka na naman kasi n'yan."
Binalewala ko yung sinabi n'ya. "Ayy, may iku-kwento pala ko sayo." At kinwento ko naman sa kanya yung ginawang pagtawag ni Sir sa'kin kagabi.
And as usual, kinikilig s'ya. Hindi ko alam kung anong nakakakilig sa kinwento ko. Meron ba?
"Kinikilig naman ako para sayo, teh," sabi n'ya. Balik na s'ya sa normal mode n'ya. Kanina kase parang nanlalata s'ya eh.
"Talaga lang ah?" sabi ko. "Ano sa tingin mo? Dapat bang sabihin ko kay Ejay toh?" tanong ko.
"Aba malay ko sayo. Pero kung ako sayo wag na lang. Baka masapak lang nun si Sir eh."
"Sabagay." sabi ko.
"Nakita mo naman, ang laki-laki ng boyfriend mo kung iko-compare kay Sir, di ba? Kawawa naman si Sir." sabi pa ulit n'ya. Talagang kinu-convince n'ya ako na wag ikwento kay Ejay yung mga ginagawang ka-abnormalan ni Sir.
"Oo na nga di ba? Hindi ko na nga isusumbong di ba?" sabi ko.
Inaya ko na s'yang umuwi since wala naman na kaming magawa. Pagkauwi ko tinext ko si Ejay. Ni-remind ko sa kanya yung about sa date namin bukas. Nakatulog na ko sa kakahintay ng reply n'ya.
Paggising ko kinabukasan may text galing kay Ejay. Okay daw. Magkita daw kami sa parking lot ng school. Eh di ang saya ko na nun. Buong-buo na yung araw ko di ba.
Papasok na ko sa school nung biglang umulan. Ang lakas. Wagas. Parang wala nang bukas. Parang hindi na pwedeng umulan bukas. When it rains, it pours. Literally.
"Tsk. Mukhang may bagyo ah," sabi nung mga kasabay kong maglakad. Kapag ba malakas na yung ulan may bagyo na kaagad? Napaka-negative naman nitong taong toh. Inismiran ko s'ya. Nakakainis ang mga negative na tao. Pero hindi kung anumang bagyo ang magpapatigil sa date namin ni Ejay. Come rain or high water. Char.
-----------
Three subjects down, one more to go. At subject na lang ni Sir yun. Kung pwede lang na magcutting ako sa klase n'ya, ginawa ko na sana. Ang kaso lang mamaya pang konti yung date namin ni Ejay so kahit na magcutting pa ako, maghihintay din ako ng matagal. So, nagdecide ako na um-attend na lang sa class ni Sir para pampalipas oras.
"So, tuloy na tuloy na talaga yung date n'yo ni Ejay kahit bumabagyo?" tanong ni Jen habang naglalakad kami sa hallway papunta sa classroom.
"Yep! And I'm so ecstatic!" sabi ko. Talagang kelangan description nila sa malakas na ulan, bagyo?
"Dapat pag-aaral muna ang inaatupag hindi puro date," sabi nung lalaki sa likod ko. Eh ba't ka ba nakikialam? Sabi ng utak ko.
Paglingon ko... Oh my...
Si Sir Alfred.
Haaay. Bat ba ang hilig-hilig mo na lang sumulpot nang sumulpot kahit hindi ka naman imbitado, Sir?
![](https://img.wattpad.com/cover/468999-288-k595193.jpg)
BINABASA MO ANG
Class Starts When the Game Is Over
Non-FictionIt's a story about a student who seeks comfort in the arms of her Professor to fulfill the duty of her basketball player boyfriend. But what will happen if the boyfriend comes back and the professor keeps on pursuing her heart? Will she choose the o...