"Uyy, hindi s'ya makatulog," sabi ni Mela. Nakasilip ako sa may bintana ng kwarto ko. Counting the stars in the sky. Lately, I've been doing a lot of countings. I've been counting the days kung gaano na katagal na magkalayo kami and the day's finally here! He's back. Kapag tumatawag s'ya sa'kin, pareho kaming nakatingala sa langit, we're million miles away from each other pero kapag pareho kaming nakatingin sa stars, parang sobrang magkalapit lang kami. Hindi ko alam kung pareho kami ng nakikitang stars or something pero isa lang ang sigurado ko... Pareho kami ng feelings para sa isa't-isa.
"Excited eh." Humarap ako sa kanya nung makaupo s'ya sa kama ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa magkikita na kami ulit bukas o dahil graduation ko bukas kaya ako hindi makatulog at excited. Ngayon alam ko na yung pakiramdam at naramdaman ko na yung you-know-you-made-it-when-you feeling.
"Dapat nga matulog ka na nang maaga. Graduation n'yo na bukas, gusto mo bang puro eyebags yung picture mo bukas?"
"Kahit naman may eyebags ako, maganda pa din ako eh. Di ba?" Pagjo-joke ko. Ganito na talaga ako ka-desperate eh, ako na mismo yung pumupuri sa sarili ko kasi wala naman s'ya sa tabi ko para s'ya yung magbigay ng compliment.
"Eh teka, saan ka ba talaga excited? Sa graduation n'yo o dahil may date kayo bukas?" Nang-aasar yung tone ng boses n'ya.
"BOTH!" sabi ko. Yeah, may date kami bukas. At excited na ako dun.
"Alam mo girl, I'm happy for you. Finally, nakapag-decide ka na din. At sana hindi ka magsisi dyan sa napagdesisyunan mo na yan, ha?" Alam ko, alam kong hinding-hindi ako magsisisi. He's worth it. I know he is.
"Matagal na akong nakapag-decide eh. Pinag-iisipan ko lang talaga. At pinatagal ko lang."
Tapos biglang may nag-door bell kaya natigil yung usapan naming dalawa.
"May tao? Sino yun? Gabing-gabi na ah," sabi ni Mela. Tumayo s'ya sa pagkakaupo n'ya sa kama ko. Pero bago s'ya tuluyang lumabas ng kwarto ko, huminto muna s'ya at humarap sa'kin one more time.
"S'ya na yun. Bilis na, buksan mo na," tinutulak-tulak ko pa s'ya palabas ng pinto. Bago pala kami magdate bukas, mag-i-star gazing muna kami. I'm very much willing to spend this night with him kahit pa abutin kami bukas ng umaga. Kaya kong i-sacrifice yung itsura ko sa mga graduation pictures ko tomorrow para lang sa kanya.
"Sige, eh dun mo na s'ya hintayin sa baba?"
"Papuntahin mo na lang s'ya dito sa kwarto."
"Oyy, ano ka? Babae ka, lalaki s'ya. Tapos graduation mo pa bukas. Baka mamaya kung ano pang gawin n'yo dito. Ano? Ang aga namang graduation gift nun. Bumaba ka na lang dun."
"Paakyatin mo na nga lang s'ya dito. Dali na." Tapos sinarado ko na yung pinto. Tinignan ko muna yung sarili ko sa full-length mirror. Tsk, ganda ko talaga eh.
Tapos may kumatok na sa kwarto ko. S'ya na yun eh.
"Hi!" sabi ko. Tapos niyakap ko s'ya. Na-miss ko s'ya ng sobra. As in sobra talaga. Sa ilang bwan nga naming hindi pagkikita, hindi ko alam kung anong unang gagawin ko kapag nagkita na ulit kami eh. But here I am, standing in front of the man that I so much love. I know, the first minute I saw him na s'ya na talaga eh. Siguro medyo naguluhan lang ako ng konti pero every time na ipinipikit ko yung mga mata ko, s'ya lang talaga yung palagi kong nakikita.
"Na-miss mo ako?" tanong n'ya. Tumango ako tapos ki-niss n'ya yung noo ko. Weee. "Ahh, flowers for you."
"Thanks!"
Tapos hinawakan n'ya yung magkabilang pisngi ko. "Happy graduation!" Then he did the sweetest thing.
--------------
HIS POV
After a few months na napalayo ako sa kanya, nakabalik na ulit ako. At sa palagay ko mas lalo ko pa s'yang minahal ngayon kesa dati. As the saying goes, 'Absence makes the heart grow fonder,' and in our case... That's true. Akala ko talaga wala na kaming pag-asa dati. Akala ko hindi ako yung pipiliin n'ya but everytime na nawawalan ako ng pag-asa at kumpyansa na magkakatuluyan kaming dalawa, titingin lang ako sa kanya tapos mabubuhayan na naman ulit ako ng loob.
I thought she'd let go of me. I thought that she's gonna choose him over me nung makita ko silang dalawa together bago ako umalis pero nung sinubukan n'ya akong pigilan sa airport, sinabi n'ya na she talked to him to say goodbye and to tell that guy that no matter how hard they try, it's really not going to work for them.
And anyways, it's her graduation tomorrow. I'm glad that I'm going back to that school to relive the memories we've shared. That school is the witness of our never-ending love for each other. And tomorrow night when the whole world is sleeping, I'm going to propose to her and I'm ready to hear her say the word YES!
BINABASA MO ANG
Class Starts When the Game Is Over
Non-FictionIt's a story about a student who seeks comfort in the arms of her Professor to fulfill the duty of her basketball player boyfriend. But what will happen if the boyfriend comes back and the professor keeps on pursuing her heart? Will she choose the o...