Anung uri ka ba ng hero sa DOTA, Sir, at nakaka-stun ka?
Tinulak ko s'ya ng konti nung mahimasmasan ako.
"Infairness, masakit. Akin na nga yang mga damit ko!" Sabi ko sabay hatak sa damit kong hawak n'ya.
"Ikaw naman kasi, ki-niss lang kita masyado ka nang nataranta," sabi n'ya. Ano ba? Hindi ka ba talaga titigil? Ha? "O baka naman kaya ka lang tumakbo palayo kasi alam mong ganito yung mangyayari at alam mo iki-kiss kita ulit?"
Tumingin lang ako sa kanya nun. Tapos nginitian ko na lang s'ya bago ko isara yung pinto.
Pagkatapos kong magbihis lumabas na ko ng kwarto. Nakaupo s'ya sa sofa, hinihintay ako.
"Lalabhan ko muna tong long-sleeves mo bago isoli sayo," sabi ko. Nilagay ko sa paper bag. Nakakahiya naman kasi na pagkatapos kong gamitin, iiwan ko lang bigla, di ba.
"Kung gusto mo sayo na lang yan eh. Remembrance," sabi n'ya. Remembrance ng ano? Err.
"Hindi. Lalabhan ko lang tapos isosoli ko sayo."
"Ikaw bahala," sabi n'ya. "Ano? Ready to go?" tanong n'ya pa. Tumango lang ako.
Sa loob ng sasakyan, hindi ako nagsasalita. Una't-huling beses na toh ng pagpunta ko sa bahay mo, Sir. Hinding-hindi na talaga toh mauulit kahit na anong mangyari. Hindi na toh pwedeng maulit. Yun lang pagsakay ko sa kotse n'ya, sobra-sobrang pagtataksil na. Eh yun pa kayang nakitulog ako sa bahay n'ya?
"So, kelan ka ulit bibisita?" tanong n'ya. Nababasa ba talaga nito isip ko? For real?
"Bibisita? Saan?" maang-maangan kong tanong sa kanya.
"Sa'kin. Kelan mo ulit ako bibisitahin?" tanong n'ya ulit. Ano ka? May sakit? Kelangan binibisita?
"Bakit naman kita bibisitahin? Wala ka namang sakit. Tsaka nagkikita naman tayo sa school." sabi ko sa kanya.
"Hindi naman may sakit lang ang binibisita."
"Basta. Baka masanay ka."
"Well, I guess I'm getting used to see a beautiful face in my passenger seat." Wehh? Eh, pangalawang beses pa nga lang akong nakakasakay sa kotse mo tapos sanay ka na kaagad? Bolero.
"Well, I guess, hindi naman ako yung unang magandang babaeng naisakay mo dito," sabi ko naman. Siguro ako lang yung pinakamaganda, but I doubt na ako yung nauna.
"Yeah. Not the first one but the most beautiful of them all," sabi n'ya. Mirror, mirror on the wall ba ito? Tama na! Tama na, pwede? Lumalaki nang ulo ko.
Hindi na ko sumagot. Alam ko namang nambobola ka lang para bumisita ulit ako sa bahay mo eh. Pero kahit na lumuhod pa s'ya sa harapan ko, hindi na ako babalik dun. Ayaw ko na. Nadala na ako eh. Baka kapag pumunta kasi ulit ako dun, baka hindi na lang kiss ang gawin nito sa'kin.
Malapit na kami kila Jen. Buti na lang nai-text ko na si Jen kanina. Alam n'ya kung saan ako natulog. Pero next time ko na lang iku-kwento sa kanya ng buo. Huminto kami sa tapat ng gate nila Jen nung magsalita s'ya.
"I'm gonna miss you," sabi n'ya. Serious? Serious. Akala mo naman sa airport n'ya ako inihatid at mami-miss n'ya daw ako. Parang ang layo naman nang pupuntahan ko. Ang pagkakaalam ko kase uuwi lang ako sa bahay namin, hindi ako mangingibang-bansa.
"Miss me? Wag ka nga, para namang hindi tayo nagkikita sa school."
"That's different." Parang ang lungkot-lungkot ng maganda n'yang mata. Seryoso s'ya? Mami-miss n'ya talaga ako?
Nakita ko nang lumabas ng gate si Jen kaya hindi na ko nagsalita.
"Ikamusta mo na lang ako sa kay Jen," sabi ni Alfred.
BINABASA MO ANG
Class Starts When the Game Is Over
Non-FictionIt's a story about a student who seeks comfort in the arms of her Professor to fulfill the duty of her basketball player boyfriend. But what will happen if the boyfriend comes back and the professor keeps on pursuing her heart? Will she choose the o...