chapter 7

528 8 0
                                    

Wala na kong ibang choice kaya sumakay na ko. No, madami pala akong choice. Pwede ko s'yang tanggihan, ang kaso hindi ko yun ginawa. Kelangan ko din naman ng taong dadamay sa'kin. Tapos naalala ko yung sinabi ng yaya ko. Sabi n'ya kapag ang babae daw malungkot or in distress, kung sino daw yung unang lalaking lalapit sa kanya, mahuhulog daw ang loob n'ya dun. Pero hindi ako naniniwala. Kay Sir mahuhulog ang loob ko? Anu yon? Joke?

Pinunasan ko yung mga mata kong basang-basa ng luha. He handed me his handkerchief and I thought, how sweet. Pinunasan ko na din yung mukha ko. Niyakap ko yung sarili ko, ang lamig eh. Nakahalata naman si Sir, hininaan n'ya yung aircon at inabot sa'kin yung jacket n'ya na nakalagay sa back seat.

"You're wet. Inindyan ka ng ka-date mo?" tanong n'ya. You poked my sore spot, I thought.

Hindi ako sumasagot. Sinuot ko yung jacket na binigay n'ya sa'kin. Tinignan ko lang s'ya ng matalim. Makuha ka sa tingin Sir. Naalala ko tuloy na ninenerbyos daw pala s'ya kapag tinitignan ko s'ya ng ganun.

"I'm sorry," sabi n'ya lang. "Taga-saan ka ba? I'll send you home." dugtong n'ya.

Sinabi ko naman kung taga-saan ako at mukha namang desidido s'yang ihatid ako. Tinted naman yung salamin ng kotse kaya wala naman sigurong makakakita na nakasakay ako sa kotse ni Sir. Tsaka wala naman din kaming masamang ginagawa, unless, may gawin sa'kin si Sir. Rawr!

Malayo pa kami sa U-Turn para mapunta sa kabilang lane. Traffic. We're stuck in a damn traffic jam. Bumabaha na ata kaya halos hindi na umaandar yung mga sasakyan. Samantalang kanina akala ko hindi bahain tong part na toh ng Manila. Tsk, mali ang akala ko ah.

"Would you mind if I ask you what happened in your date?" tanong ni Sir. Haaay. Hindi ba kami makakabyahe ng tahimik? Kelangan ba talagang itanong pa n'ya kung ano yung nangyari? Hindi ba n'ya nakikita na fresh pa ako sa pag-iyak at ayaw kong pag-usapan yon? How insensitive of him. Damn!

"Actually, Sir," pag-uumpisa ko. Bumuntung-hininga muna ko, "I do mind." humihikbi pa ko. Nahihirapan na akong huminga kasi barado na yung ilong ko.

"I'm sorry," sabi n'ya ulit, he looks so apologetic. He looks so cute. Parang yung mga ganitong lalaki, hinding-hindi ka kayang saktan. Pero syempre, parang lang yun. Yung mga taong nagsasabi sayong hindi ka nila kayang saktan, sinungaling yung mga taong yon. Swear.

"Sir, sa sakayan n'yo na lang po ako ibaba. Nakakahiya naman sa inyo, naabala ko pa kayo," sabi ko nung kumalma na ko. Pero umiiyak pa din ako. Hindi ko talaga mapigilan yung luha na umagos palabas ng mata ko eh. Kahit na ano kasing bagay na makita ko, naaalala ko si Ejay.

"Sir? I told you to call me Alfred kapag wala na tayo sa campus, right?" sabi n'ya.  Talaga bang ipagpipilitan n'ya pa din tong mga ganitong bagay kahit na wala ako sa mood? Talaga bang aasarin n'ya ako ng aasarin kahit na ganito na yung itsura ko? Gosh, makiramdam ka naman.

Pero dahil wala ako sa mood na makipag-argue, "Okay, Alfred, sa bus stop mo na lang ako ibaba," sabi ko, humihikbi pa din. Plus nabu-bwisit na ako sa kanya. Gustong-gusto ko na talagang makauwi para makaiyak na ako ng bongga. At para magkahiwalay na kami ni Alfred. I can't handle any more minute with this guy.

"No, I'll send you home. I insist," sabi n'ya. Nakatingin na lang s'ya sa'kin this time. Finally, na-realize na ata n'ya na hindi n'ya na mababago yung mood ko kahit na tumambling pa s'ya sa harap ko. Finally, mukhang naawa na din s'ya sa kalagayan ko. Pero of all people, bakit naman s'ya pa yung kelangan kong makasama at bakit s'ya pa yung kelangang makakita sa'kin sa ganitong sitwasyon? Nakakainis lang.

Tumango na lang ako. May na-receive akong text from Ejay. Nakauwi na daw s'ya. Matutulog na daw s'ya kasi pagod s'ya. Ugh, hindi man lang itinanong kung nakauwi na ba ko o kung galit ba ko sa kanya dahil hindi kami natuloy sa date namin. How sweet. Naiyak tuloy ako lalo.

"Stop crying," sabi ni Alfred. Hinahaplos n'ya yung buhok ko. Si Ejay lang yung gumagawa nun. "Habang tinitignan kita ngayon, mas lalo lang akong nagagalit kay Ejay. So stop crying now, will you?"

Imbes na tumahan ako, lalo pa tuloy akong naiyak. Yakap na ko ni Alfred. Nakasubsob na yung mukha ko sa chest n'ya. Hmmm, so yakapable, so firm. I can feel his firm musclesbeneath my palms. Akalain mo yun? Nakapag-isip pa ko nung mga ganung bagay habang umiiyak.

"Hush now, baby," sabi n'ya. Hindi ko na muna pinansin yung pagtawag n'ya sa'kin ng baby. Some other time na lang. "Gusto mo bang malaman kung pano ko magpatahan ng babae?" tanong n'ya. Nararamdaman kong bumababa na yung mukha n'ya sa mukha ko. Aba, nananamantala ng kahinaan ang lolo mo. Wag ka, Sir, ayy, Alfred. Mahina ako ngayon.

Sukat sa sinabi n'yang yun, tinulak ko s'ya, tumalikod ako at humarap sa bintana. Nakikita ko yung nakangisi n'yang reflection sa salamin. Nakatingin s'ya sa'kin. Tumigil na ko sa kakaiyak. Nakasimangot ako. Nakanguso.

"Are you teasing?" he asked.

"What?" I snapped. Hindi pa din ako tumitingin sa kanya.

"Stop pouting. Baka matukso akong halikan ka."

Nilingon ko s'ya. Pero hindi ko sinagot yung sinabi n'ya. Instead, I said, "I wet your shirt." nakatingin ako sa damit n'ya na nabasa ko dahil sa kakaiyak.

Ngumisi lang s'ya, "It's fine." tapos dinugtong n'ya, "kelangan pala tinatakot ka muna para tumahan ka eh."

Umismid lang ako.

"Matamis palang dila mo noh? Alfred?" sabi ko. "Baka magalit ang misis mo," dugtong ko.

"I'm single and I'm certain that you know that," sabi n'ya. Hmm? He's certain? Anung akala n'ya sa'kin? Na ipina-background check ko s'ya dati dahil akala n'ya din interesado ako sa kanya kagaya ng ibang babae sa school?

Hindi ako sumagot. May lumapit na enforcer sa'min. Kumatok sa bintana.

"Sir, hindi na po makakadaan yung mga sasakyan, masyado na pong mataas yung baha. Shortcut na lang po kayo," sabi ni Manong Enforcer.

"Okay. Salamat po," sabi ni Alfred tapos sinarado na n'ya yung bintana.

Umandar na kami. Kung saan-saang kanto na kami pumasok pero lahat baha. Wala na kaming ibang madaanan.

"I guess we're going to get stranded," sabi n'ya.

Oh my. It can't be, sabi ko sa isip ko. Not with this guy. Kung si Ejay pa ang kasama ko, very much willing akong ma-stranded kahit tirik na tirik ang araw. But with Alfred? Hell no!

"Mai-stranded tayo, unless, pumayag kang mag-overnight na lang sa bahay ko," sabi n'ya. Huwaaaat???

"Taga-saan ka ba?" lakas-loob kong tanong.

Pero hindi na s'ya sumagot. Nag-drive na s'ya. Sigurado kong papunta kami sa bahay n'ya. Aba, ang manong, hindi man lang tinanong kung payag na ba ko o hindi na mag-overnight sa bahay n'ya.

Hanggang sa huminto kami sa isang pad.

"We're here," he declared.

Bumaba kami ng sasakyan. Sinara n'ya yung garage at sinusian pabukas yung pinto ng bahay. Binuksan n'ya yung pinto. Hinihintay n'yang pumasok ako pero nakatayo lang ako.

"Are you coming in?" he asked. Kung makikita mo lang yung ngiti sa labi nitong taong toh. Ngiti ng tagumpay. Maipagkakamali mo s'ya sa manyak kung hindi lang s'ya gwapong-gwapo.

Naglakad ako papasok ng bahay. Nagdadasal ako. Diyos ko po, wala pa po akong experience. Gabayan N'yo po ako baka kung anong gawin sa'kin nitong taong toh.

"Don't you worry, baby, wala akong gagawing masama sayo, unless...." pinutol n'ya yung sinabi n'ya nung lumingon ako. Sige, ituloy mo lang, tatakbo talaga ko palabas ng bahay. Promise!

Pero nung makita n'yang matalim yung tingin ko sa kanya, he raised both his hands, palms up, in mid-air. "I'm joking."

Dumiretso ako sa loob tapos lumingon ako front door. Good luck to me.

Class Starts When the Game Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon