"So, you mean hindi mo talaga ko isasama sa celebration ng birthday mo? Ganon?" tanong ni Jen sa'kin kinabukasan habang nagla-lunch. Nasa cafeteria kami.
"Ba't kita isasama? Eh, date namin yun eh. Alam mo yung date?" sagot ko sa kanya. "Wag ka nang magtampo, bukas kita ililibre. Promise."
"Oh sige. Promise yan ah," sabi naman n'ya naman. Umaasa sa libre tong batang toh.
"Oo. Promise yun."
"Uy, teka. Alam ba ni Sir na birthday mo sa Saturday?" tanong n'ya sa'kin bago namin sabay ubusin yung meals namin.
"Malay ko. Tsaka ano naman sa kanya kung birthday ko, di ba?" sagot ko naman.
"Etchos ka teh! Baka naman isu-surprise ka n'ya?"
"Ikaw ang etchos! Wag ka ngang maingay dyan. Mamaya may makarinig sa'tin eh," sabi ko sabay hampas sa balikat n'ya.
"Makarinig ng? Bakit? Ano bang pinag-uusapan n'yo?" si Sir. As usual, bigla-biglang sumusulpot. Humatak s'ya ng upuan para maki-share sa table namin. Tumabi s'ya kay Jen, para maiba naman. Para hindi naman s'ya masyadong halata. Uyy, takot masuntok.
"Wala yun, Sir. Pinag-uusapan lang namin yung tungkol sa birthday n'ya sa Saturday," sabi ni Jen. Kung makapagsalita tong babaeng toh, parang wala ako eh.
"Talaga? Gwen? Birthday mo sa Saturday?" tanong ni Sir. Ganun, hindi mo alam? Akala ko mahal mo ko? Ba't hindi mo alam kung kelan ang birthday ko? Isa ka pa palang etchosero eh!
"Opo," sagot ko lang na nakatingin sa pinggan. Ba't ko s'ya titignan? Ano s'ya sinuswerte? Tsaka kamukha n'ya naman yung isadang ulam ko eh, so dito na lang ako tititig. Para na din akong nakatingin sa kanya kahit papano ;)
"Anong plan mo?" tanong pa n'ya. Ba't ba lahat na lang ng tao tinatanong kung anong plano ko sa birthday ko? Eh wala nga akong plano eh!
"Wala naman. Magdi-date lang po kami ni Ejay," sagot ko. Tutal naman gusto n'yang marinig yung sagot ko eh, eh di sumagot ako, bakit?
"Oh," sabi lang n'ya sabay tayo na sa upuan. Nawala sa mood? "Mauuna na ko ha. Mag-review kayo para sa quiz mamaya."
"Opo, Sir," sagot ni Jen sabay harap sa'kin. "Ba't mo naman ginanun yung tao?"
"Anong 'ginanun'? Wala naman akong ginagawa ah," depensa ko sa sarili ko.
"Wala? Eh halatang nawala sa mood yun. Bahala ka baka mamaya mag-sungit na naman yun sa klase natin tapos mahirap na naman yung quiz," sabi n'ya sabay tayo na din. Ba't ba parang si Sir na lang palagi yung kinakampihan n'ya? Ako yung kaibigan n'ya, tsk, dapat ko yatang ipaalala sa kanya yun.
"Eh ano ngayon?" sabi ko lang sabay kibit-balikat. "Pabayaan mong sumakit ulit yung ulo n'ya." Tumayo na ko para sundan s'ya. Papasok na kami sa next class.
--------------------
LOGIC
"Nag-review ka?" tanong ko kay Ejay. Tumabi muna s'ya sa upuan ko, wala pa naman si Sir tsaka wala pa naman yung seatmate ko.
"Uhm. Onti," sagot n'ya.
"Bakit konti lang? Baka hindi ka nag-review ha? Inuna mo na naman yata yang pagba-basketball mo," sabi ko. Sermon? Nanay ako? Nanay?
"Hindi po, Nay," sabi n'ya. Tumatawa.
"O, dali. Magreview ka na muna habang wala pa si Al---, si Sir," sabi ko, babbling. Inabot ko sa kanya yung notebook ko tapos tinatanung-tanong ko s'ya para makapag-review s'ya. Sakto namang dumating si Sir.
"Sir, review muna. 10 minutes," sabi nung classmates ko.
"Sige," sagot ni Sir. Eyeing Ejay.
"Balik ka na sa upuan mo," utos ko naman sa kanya. Hindi pa naman dumadating yung katabi ko sa upuan.
BINABASA MO ANG
Class Starts When the Game Is Over
No FicciónIt's a story about a student who seeks comfort in the arms of her Professor to fulfill the duty of her basketball player boyfriend. But what will happen if the boyfriend comes back and the professor keeps on pursuing her heart? Will she choose the o...