Nagising ako at exactly 12 midnight because someone's calling at my phone.
Half-asleep, hindi ko na tinignan kung kaninong number yung naka-register, basta sinagot ko na lang.
"Hello?" sagot ko sa phone. Nakapikit ako. Hindi naman siguro kelangan pang dumilat kapag may kausap sa phone, right?
"Happy birthday," he said in his deep baritone voice. Yung tono ng boses na parang kagigising lang kasi nag-alarm yung cellphone n'ya, parang ganun. Nase-sense ko pa ngang parang inaantok pa s'ya eh. Pero dahil malakas ako sa kanya, talagang nag-effort s'yang gumising ng 12midnight, ha.
"Thanks," I answered then hung-up. Pero tumawag lang s'ya ulit kaya sinagot ko ulit. "What?" I snapped.
"Thanks lang?" tanong n'ya. Ano pa bang gusto nito? Kapag ganitong inaantok ako, kahit gumuguho na yung mundo, hindi ako babangon.
"Bakit? Ano bang gusto mo?" tanong ko. Inaantok pa ko, Sir Alfred. Mamaya ka na lang manggulo.
"Wala bang kiss?" sagot n'ya. Utang na loob lang! Kiss daw? Sige nga, pano kita iki-kiss eh wala ka naman dito? Aber?
"Kiss? Baliw ka ba? Eh--"
"Peek outside your window," utos n'ya. So, pinilit kong tumayo at lumapit sa bintana. He's outside, sitting at the hood of his car.
"Ano'ng ginagawa mo dyan?" tanong ko tapos sinara ko yung kurtina.
"Dito zko natulog sa kotse eh. Hinihintay ko talaga yung birthday mo," sagot n'ya.
"Oh, ngayon birthday ko na. Umuwi ka na," utos ko sa kanya.
"Hindi mo man lang ba ko papapasukin?" tanong n'ya. "Malamig dito." Matagal ako bago sumagot.
"Wag na. Umuwi ka na," sabi ko then hung-up pero huli na, pupungas-pungas na kumatok si Mela sa pintuan ng kwarto ko para sabihin sa'kin na may bisita ako sa baba. "Sino?" Buti na lang hindi umuwi ngayon si Mommy at may business trip si Dad. Kundi, patay ako. Patay talaga.
"Palagay ko ayun yung professor mo eh. Infairness, gwapo ha," sagot ni Mela.
"Ba't mo pinapasok? Hindi na ko tumatanggap ng bisita sa dis-oras ng gabi," sabi ko sa kanya.
"So ano? Pauwiin ko? Sayang yung effort nung tao. Bahala ka dyan, arborin ko yan sayo," sagot naman n'ya.
"Sige na. Sige na. Bababa na ko," sabi ko na lang sa kanya.
------------------------
Nagulat pa s'ya nung makita n'ya kong bumaba sa hagdan. Ba't s'ya magugulat? Anung ini-expect n'ya? Nagpunta s'ya dito para makita ako di ba? Pero sabagay, siguro naman na-satisfy ko na naman ang male fantasy n'ya kasi nakapantulog pa din ako.
"What?" sabi ko then sit on the couch across him.
"You didn't really bother to change clothes, huh," sagot n'ya.
"What do you expect? Mag-uniform ako kasi ikaw ang kaharap ko? Binulabog mo ko sa gitna ng pagtulog ko tapos ini-expect mo ko to jump into being your student?"
"Actually no. You're cute in your pink pajamas," sabi n'ya then wink.
"So kaya ka pumunta dito para lang makita ako na nakasuot ng pajamas? Ganun?" Ang init ng ulo ko. Wahaha. Ganun talaga kapag bagong gising... masungit.
"No, sorry," sabi n'ya tapos inabot n'ya yung bouquet of red roses sa'kin. Hindi ko napansin yun ah. "Happy birthday."
"Thanks," sagot ko ulit sa kanya. Tapos tinitigan ko lang yung inabot n'yang bouquet, tatanggapin ko ba toh? O tatanggapin ko ba? Pero tinanggap ko naman s'ya.
BINABASA MO ANG
Class Starts When the Game Is Over
Non-FictionIt's a story about a student who seeks comfort in the arms of her Professor to fulfill the duty of her basketball player boyfriend. But what will happen if the boyfriend comes back and the professor keeps on pursuing her heart? Will she choose the o...