chapter 22

417 7 1
                                    

Kinabukasan hindi ako pumasok sa klase ni Sir Alfred. Nag-cutting ako, wala lang, tinatamad akong pumasok tsaka wala ako sa mood na makakita ng poging lalaking salita ng salita sa harap ko. Ayoko ng poging madaldal ngayon, baka hindi ako makapag-pigil e, patahimikin ko s'ya... in my own way >:P

Tsaka may laban din ngayon si Ejay, kaya manunuod ako. Hindi ko na pinilit na wag na lang ding pumasok si Jen sa klase kasi alam ko namang hindi s'ya magpapapilit. Hindi daw mabubuo ang araw n'ya kapag hindi n'ya nakita si Sir. What the heck?

Eh, basta ako, hindi ako papasok. Ngayon lang naman eh. Bukas papasok na ko. Parang isang araw lang akong hindi papasok eh, hindi naman siguro malaking kasalanan yun? Tsaka hindi naman siguro ako mami-miss kaagad ni Sir? O, mali na naman ba ko?

Nakaupo ako sa third row ng bleachers at nasa fourth quarter na yung laro nung makita ko si Jen na papalapit sa'kin. Ohh, ang aga mag-dismiss ni Sir ngayon ah. Samantalang dati rati halos ayaw nga yata kaming pauwiin nun. Wagas maka-overtime, porket alam lang n'yang hindi kami papalag kapag nag-overtime s'ya. Hmp! Pero worth it naman ang every seconds sa klase n'ya.

"Bruha!" sigaw ni Jen papalapit sa'kin. Medyo madaming nanunuod ngayon... so please, Jen, wag mo kong tawaging bruha! Baka maniwala sila sayo. Kakaiba ang convincing powers mo eh.

"Oh? Ang aga yatang nag-dismiss ni Sir?" sabi ko kay Jen na ang focus ko eh sa paglalaro ni Ejay. Hindi na ko nagcomment sa way ng pagtawag n'ya sa'kin. Hindi naman kasi ako bruha!

"Eh pano ba naman kasi, wala ka dun. Wala siguro sa mood magturo. Walang inspirasyon eh," sabi ni Jen sa'kin. Wehh? How corny. So, hindi mabubuo ang araw ni Sir kapag hindi n'ya ko nakikita?

"Oh? Talaga lang ah?" sabi ko naman. Hindi pa din ako tumitingin. Kahit nung bigla n'ya kong siniko-siko, hindi ko pa din s'ya tinitignan. Pwede naman kasi s'yang magsalita kung may sasabihin s'ya, hindi n'ya na ko kelangan sikuhin, noh.

"Ms. Samson? Come to my office, I need to talk to you," sabi nung malalim at puno ng authority na boses sa medyo gilid ko. Nagtaas ako ng tingin, si Sir.

"Po?" tanong ko. Tapos binalik ko yung tingin ko sa laro, wala lang, iinisin ko lang. Kahit mas maliwanag pa sa sikat ng araw na narinig ko yung sinabi n'ya. Oh well, usapang 'araw' tayo ngayon.

"You're not paying attention. Go to my office. NOW!" sabi n'ya. Makautos toh. Nanghahalik ako ng bossy, Sir, baka lang hindi mo alam.

"Jen, pag tinanong ni Ejay kung nasaan ako sabihin mo pinatawag ako ni Sir sa office n'ya kasi nag-cutting ako, ha?" utos ko kay Jen. Mukha naman akong nagmamakaawa pero hindi ko pa din makuha ang sympathy ng babaeng toh!

"At sino namang may sabi sayong panunuodin kong mag-isa ang laro ng boyfriend mo? Ayoko nga!" sabi ni Jen sabay tayo sa bleachers.

Umismid ako kay Jen tapos tumingin ako kay Ejay. Busy naman s'ya sa paglalaro eh. Kanina pa nga ako dito pero hindi naman s'ya tumitingin sa'kin. Pero baka nga naman akala n'ya hindi ako manunuod kasi may klase kami ngayon.

Naglakad na ko. Mauuna na namang umuwi si Jen sa'kin at wala na naman akong kasabay umuwi. Ang lakas pa naman ng ulan ngayon. Mahirap sumakay mag-isa. Unless magpakabayani na naman si Sir na ihatid ako.

Pero hindi, hindi na ulit ako sasakay sa passenger seat ng kotse n'ya. So? Sa backseat pwede? O baka naman pwede n'ya kong kandungin? Ganun?

--------------------------------------

"So, why did you cut your classes?" bungad ni Sir sa'kin pagpasok ko ng pinto. Wait lang ah? Wait lang, hindi ko pa nga nasasara yung pinto nanenermon na kaagad toh.

"Manunuod po kasi ako ng laro ni --- " naputol yung sinabi ko. Nakayuko ako.

"Ejay? Again?" putol ni Sir sa sasabihin ko. Malamang, wala naman akong ibang boyfriend na varsity player eh. "So, that's your top priority and not your studies, huh?" tanong pa n'ya sa'kin. Eh, ba't ba nakikialam ka? Buhay ko naman toh ah. Ganyan ka ba ka-concern sa'kin? Ganyan ka talaga ka-concern sa future ko?

Class Starts When the Game Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon