"So kamusta naman yung Christmas mo dyan?" tanong ni Ejay. Kausap ko s'ya sa phone. Kung nandito lang sana s'ya eh di sana yung malamig kong Christmas, naging mainit dahil sa kanya di ba.
"Okay lang naman," sagot ko. Tandaan mo, there are some things better left unsaid Gwen. Kaya wag mo nang sabihin kay Ejay na kasama mong nag-Pasko si Alfred. Sabi ko sa isip ko. But I can't. "Actually, uhh. Christmas mo ba?"
"Malamig."
"Malamang. Nag-i-snow dyan eh." I smirked. Alam kong hindi naman ayun yung ibig n'yang sabihin.
"Well, literally, yeah. But without you here. Super coooold."
"Kelan ka ba uuwi? Sa pasukan pa?"
"Maybe. Malapit naman na yun. Ilang tulog na lang."
"Ang lungkot ng Pasko ko eh. Malamang New Year ganun din." Hindi umuwi ang mommy't daddy ko. Tapos wala pa s'ya. At talagang ang sinungaling ko na kasi hindi naman talaga ganun kalungkot yung Pasko ko.
"Malay mo, mas masaya ngayong New Year kesa sa Pasko mo."
"Sana." Bumuntong-hininga ako. Sana nga maging mas masaya. Sana may dahilan ako para mag-celebrate.
"Wait, parang may gusto kang sabihin kanina eh. Ano yun?"
"Meron ba? Parang wala naman," sabi ko. Tsk, okay na sana eh.
"Meron eh. Come on, spill it."
"Dito nag-Pasko si Alfred."
"Oh, so nothing beats your Christmas?"
"Ano? Hindeee! Bigla na nga lang s'yang dumating eh. Basta, ganun. Ehh kawawa naman walang kasama sa Christmas kaya ayun."
"At ikaw din, wala kang kasama nung Christmas kaya ayun. Naisip mong pareho kayo ng situation kaya naawa ka. You're both vulnerable and---"
"Stop! Pwede? Let's both be open-minded. We're not in a relationship now and--"
"And you can do what you want and I can do the same?"
"Ejay... Please. Let's not fight."
"I didn't call to pick up a fight with you."
"I know. I'm sorry."
Bumuntong-hininga s'ya. Alam kong mabigat din naman yung pinagdadaanan n'ya. At alam ko na hindi lang ako yung nahihirapan sa sitwasyon na toh. Kaming tatlo. Sya. Ako. Si Alfred.
"Gwen, samahan mo naman ako mag-grocery oh. Para may makain tayo bukas sa Media Noche," sabi ni Mela. Talagang hindi man lang marunong kumatok sa kwarto ko eh.
"Si Mela yun?" tanong ni Ejay.
"Sino pa? Hindi man lang marunong magpasintabi eh."
"Sige, samahan mo na s'ya. Ingat kayo ah. Magpa-pack lang--"
"Magpa-pack ng?"
"Wala. Never mind. Sige na. Ingat ha. I love you."
------------------
"Sige na, mauna ka nang umuwi. Magkikita lang kami ni Jen sandali. Susunod din ako," sabi ko kay Mela pagkatapos naming mamili. Ako pa yung nagtutulak ng push cart at this point. S'ya daw kunyari yung boss ko eh.
"Saan kayo magkikita ni Jen?"
"Sa may Goldilocks daw eh. Sige na, una na kayo."
"Sigurado kang kay Jen ka makikipagkita ah? Baka makipagtanan ka na kay--"
"Sira! Sige na kasi."
"O sige, ba-bye. Agahan mo uwi ha? Hahanap pa tayo ng mga recipe na lulutuin bukas."
BINABASA MO ANG
Class Starts When the Game Is Over
Non-FictionIt's a story about a student who seeks comfort in the arms of her Professor to fulfill the duty of her basketball player boyfriend. But what will happen if the boyfriend comes back and the professor keeps on pursuing her heart? Will she choose the o...