"Are you alright? You looked bothered," sabi ni Ejay habang kumakain kami sa restaurant.
Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Hindi ko alam kung pa'no ko masasabi sa kanya na cool off muna kami. Hindi ko pa din nga alam kung susundin ko pa yung payo ni Mela eh. Bahala na lang kung anong lumabas na mga salita sa bibig ko.
"Actually," pagsisimula ko. "I'm not. I'm not okay." Tapos yumuko ako. Hindi ko pa nasasabi yung gusto kong sabihin nakokonsensya na ko.
"Why? It's your birthday today. You should be happy," he said in a cheerful voice para siguro maging elated din yung feeling ko. Kaso hindi ako nahawa sa kasayahan n'ya.
"It's not about my birthday," mahinang sagot ko. Hindi ko nga narinig na sinabi ko yun eh, nagulat pa ko na nakaabot pa pala yun sa tenga n'ya.
"Then, tungkol saan naman yan?" tanong n'ya. Hindi n'ya pa din nage-gets na makikipaghiwalay na ko. Kaya lalo tuloy akong nakonsensya.
"I guess," sabi ko bago ako bumuntong-hininga. Wish ko lang hindi amoy pizza, na kinakain namin, yung hininga ko. "I need some space."
"What?" tanong n'ya. Alam kong naintindihan n'ya naman kung ano yung ibig kong sabihin, pero halatang naguluhan pa din s'ya. Ano daw?
"I mean, mag-cool off muna tayo," pag-e-elaborate ko. Winasiwas ko pa yung kamay ko para ma-gets n'ya ko.
"Why?" tanong n'ya ulit. Titig na titig s'ya sa'kin samantalang ako, titig na titig sa pinggan ko.
"Magiging tayo pa naman ulit eh. Kelangan ko lang talagang mag-isip," sagot ko.
"Cool off? It's just another shot on how to end things right. And that means gusto mo nang matapos ang lahat sa'ting dalawa," sabi n'ya.
"Hindi. Hindi ganun," sagot ko. Ano bang sasabihin ko? Ba't ko pa kasi in-open tong subject na toh? Ayan tuloy nagsisisi ako. Pano ko ba babawiin, o dapat ko pa bang bawiin?
"What?" tanong n'ya na naman. Talaga bang puro single syllables lang ang lalabas sa bibig mo? Ha? Tumigil na kaming dalawa sa pagkain.
"Madami kasing gumugulo sa'kin eh. Madaming bagay akong gustong pag-isipan," sabi ko.
"Nandito naman ako para tulungan--"
"Ng mag-isa. Gusto kong mag-isip ng mag-isa," putol ko sa sasabihin n'ya. "Mas makakapag-isip ako kung ako lang mag-isa."
"Is this about 'that guy'?" he asked. Nagbago yung tono n'ya pagkasabi nung 'that guy.' Ayaw mo talagang sabihin pangalan ni Sir Alfred? Ha?
"It's just not about him. It's about the two of you," sagot ko. At least umamin ako ah.
"Do you love me? Still?" tanong n'ya ulit.
"Yes, but--"
"But what? But you love him, too? Kung mahal mo ko, hindi ka na maguguluhan," sabi n'ya.
"Ayun na nga eh. Sigurado akong mahal kita... dati. Ngayon parang nagda-doubt na ko. Kaya nga gusto ko munang maghiwalay tayo kasi alam kong unfair sayo."
"No. Matagal ko nang alam na unfair sa'kin at matagal mo na ding alam yan. Tapos ngayon mo lang sasabihin na gusto mong mag-isip kasi you think it's unfair for me?" tanong n'ya. Naguluhan ako lalo.
"Iba naman yung situation before compared to what's happening now," sagot ko. Nakayuko ako. Hindi ko kayang salubungin yung tingin n'ya. Alam kong pag tumigin ako sa kanya, mamamatay ako sa init ng titig n'ya.
"Yeah, it's completely different. You're going out with me, saying you love me. Then all of a sudden sasabihin mo na it's unfair in my part?"
"I love you,--"
"You love me? Thinking of another man and letting yourself like that man, ganun ba? Is that your way on how to show that you love me?" tanong n'ya with a wry smile. The irony and the sarcasm slapped my face.
"I'm sorry--"
"You always did. You always say sorry tapos kinabukasan babalik na naman tayo sa dati. Alam mo akala ko tapos na tong issue na toh eh," sabi n'ya. "Pero mukhang lumala pa pala."
"I told you, iba tong nangyayari ngayon sa nangyari dati--"
"Anong pinagkaiba? Sabihin mo nga, nagkulang pa ba ko sa pagbabantay ko sayo?" tanong n'ya.
"It's all my fault, okay? It's all my fault!" I said. Pilit kong pinipigilan na wag lumabas yung panic na unti-unting nagbi-build up sa puso ko.
"It seems that it's mine," he said. "But that's before. And now, yes, it's your fault."
"Curse me. Yell at me. Dapat lang yun sa'kin," sabi ko. Nakayuko pa din ako.
"Alam mong hindi ko yun kayang gawin sayo. Maybe telling you that I consider quitting basketball because I love you that much will make you stay up all night," sabi n'ya. Aba, nangongonsensya.
"I didn't know that you consider quitting. Hindi mo na yun dapat gawin," sagot ko. Tumingin na ko sa kanya and my eyes met his. Ganun mo ko kamahal? Iiwanan mo yung first love mo (basketball) para lang sa'kin?
"Yes. Because I love you," sabi n'ya. Pero walang kasamang warmth yung pagkakasabi n'ya nun. It was difficult to accept ice from a man who had such warmth.
"And I don't deserve that kind of love. Wala kasi akong kwenta," sabi ko. "You deserve--"
"Someone better?" pagpapatuloy n'ya sa sasabihin ko. "Ikaw ang pinili ko kasi alam ko that you're the best."
"Now you see that I'm not. I'm not the best," sabi ko. Titigan na kaming dalawa.
"You're beyond perfect actually," sabi n'ya tapos ininom n'ya yung juice n'ya.
"I can't accept compliments like that from you. Hindi na ngayon," sabi ko. Pano nga ako makikipaghiwalay sayo kung you keep on doing the sweet talking?
"Sige, makikipaghiwalay ako sayo para fair kay Mr. Professor. Let's go back to square one. Liligawan ulit kita," sabi n'ya tapos tumayo na s'ya. "But I'm telling you that I will never let you go."
-----------------------------------------------------------------------
"Ayun ang sabi n'ya?" sabi ni Mela pagkauwi ko ng bahay. Nasa kwarto ko ulit kami.
"Oo. Lalo lang akong maguguluhan nito eh. Feel ko!" sabi ko habang sinasampal-sampal ko yung mukha ko.
"Mas okay na yan. At least pantay na sila. Pareho mo na silang manliligaw, di ba," sagot ni Mela. Ganun? Ganun na lang yun?
"Hindi eh--" sabi ko tapos biglang nag-ring yung cellphone ko. Sinenyasan ko si Mela na lumabas muna. Si Sir Alfred kasi yung tumatawag eh. "What?"
"That's exactly what I wanna hear. I love it when you snapped at me like that," sabi n'ya. Ginagawa n'ya talagang compliment yung mga pagtataray ko sa kanya.
"Ba't ka ba tumawag?" tanong ko. Hindi ko papansinin yung mga pambobola n'ya -- kung kaya ko.
"How's your day?" tanong n'ya, casually.
"It's perfect... until you called!" pagsisinungaling ko. Actually, yung pagtawag n'ya lang nga yata yung magandang part ng araw ko ngayon eh. Syempre pati yung pagdalaw n'ya din kaninang madaling araw. Plus pogi points yun.
"Parang hindi naman ganun ang nase-sense ko," sabi n'ya then chuckled. Kinikilig s'ya? Utang na loob!
"Wala kang magawa?" tanong ko. Wala na kong ibang bagay na maisip na pwedeng sabihin sa kanya. Swear!
"Actually I wanna talk about 'us'," sabi n'ya bigla. Biglang sumeryoso yung boses n'ya pero sigurado kong mamaya babalik ulit yun sa pagiging maloko.
"There's no us. There never was," sabi ko. Ano ha?
"Sure there is. There's you and there's me. That makes us. That's real basic grammar," pamimilosopo n'ya.
"Perfect! Magaling ka pala sa English eh. Sana nag-major in English ka na lang," sabi ko. Asaran bang gusto mo?
"Actually, there are a lot of things na magaling ako," sabi n'ya. Wow, lumalakas ang hangin sa kwarto ko ah.
"Yabang ah," sabi ko lang tapos umupo ako sa tapat ng desk ko at nag-Facebook. Browse-browse lang. Tapos nakita ko na nag-Single na si Ejay kaya nag-Single na din ako. Inunahan pa ko.
"Eh pano yan? Perfect din ako pag kasama kita?" sabi n'ya.
"So?" lang ang nasabi ko. Pa'no ba naman? Naka-tag sa'kin yung picture ni Liezel at ni Sir Alfred. At ang nag-tag, si Liezel. So? Kelangan talaga tina-tag ako?
"So dapat palagi tayong magkasama," sabi n'ya, pero wala na ko sa mood para makipagsabayan sa mga pick up lines n'ya.
"Kung wala ka nang ibang sasabihin, ibababa ko na toh," sabi ko. Nakatingin pa din ako sa picture nilang dalawa.
"Madami pa kong gustong sabihin, actually. Kung gusto mong isa-isahin natin yun, baka hindi na tayo matapos dito," sabi n'ya.
"Ba't hindi ka na mag-umpisang magsalita ngayon?" utos ko. Hindi na ko actually nagfo-focus sa mga pinagsasabi n'ya. In-off ko yung laptop tapos nahiga ako sa kama.
"I prefer to tell everything in front of you," sagot n'ya.
"You sure? Baka matameme ka lang sa harap ko eh," sabi ko. Hindi ko talaga dapat sasabihin yun eh, pero wala na, nasabi ko na.
"Napag-practisan ko naman nang wag lunukin yung dila ko sa twing makikita kita eh," sagot n'ya. Ganun, so speechless talaga s'ya pag nakikita ako? Flattering.
"Talaga? Akala ko kasi napagpractisan mo nang mambola kapag nakikita ako," counter attack ko.
"Hindi naman ako mahilig sa bola kagaya ng boyfriend mo," sabi n'ya. Boyfriend talaga? Pero hindi ko na ico-correct yun. Papabayaan ko na s'yang isipin na kami pa din ni Ejay.
"Wala naman akong sinabing mahilig ka sa bola," sabi ko. "Alam ko naman kasing babae ang hilig mo."
"Wait. What?" sabi n'ya. Pinipigilan kong matawa.
"Bagay kayo ah. Ni Liezel, dun sa picture n'yong naka-tag sa'kin. Hindi ko nga alam kung bakit pati ako naka-tag eh," sabi ko. Wala namang himig na selos dun, pero teka, meron ba?
"Are you jealous?" he asked tapos tumawa-tawa ulit s'ya.
"Jealous your face," sabi ko. Oo kaya! Ayy, hindi pala.
"Yeah, you're jealous," sabi n'ya. "You don't have to be--"
"I'm not," sabi ko. Defensive na ba ko?
"I know you are. But don't worry, baby, you know you're the one for me--"
"Ewaaaan!" sabi ko tapos binaba ko na. Pwede? Tigilan ako?
Tapos may na-receive akong text from him, "Good night! I'll see you in my dreams."
Magre-reply ba ko? Pero nagreply ako, "Night. I wish wala ka sa panaginip ko, kundi, nightmare na toh. >:D"
-----------------------------
"Naintindihan n'yo ba tong diniscuss ko?" tanong ni Sir Alfred sa klase n'ya sa'min.
"Yes, Sir," sagot ng mga classmates ko.
"Good!" sabi naman n'ya tapos binuklat-buklat n'ya yung lesson plan n'ya. "Let's have a seatwork."
"Agad-agad? Seatwork, agad-agad?" bulong ko sa sarili ko. Wala ako sa mood. Hindi pumasok si Ejay ngayon sa klase namin. Saan naman kaya nagbulakbol yun?
"May reklamo ba?" tanong ni Sir sa buong klase although obviously, ako naman talaga yung pinapatamaan n'ya.
"Wala po," sagot ko. "Saan ilalagay, Sir?" tanong ko pa pero hindi ako tumitingin sa kanya. Nakayuko lang ako.
"1/2 sheet of paper. Lenghtwise," sagot naman n'ya. Mahina lang, halatang ako lang ang gusto n'yang makarinig sa sasabihin n'ya. Pero dahil chismoso yung mga classmates ko, narinig din nila. "Ready?"
"Yes, Sir."
--------------------------------
"Teh! Okay ka lang?" tanong ni Jen sa'kin pagka-dismiss ni Sir ng klase. Pero nasa loob pa kami ng classroom nun. Si Sir Alfred naman busyng-busy sa pag-a-accommodate ng mga classmates ko.
"Hindi nga eh," sagot ko habang nililigpit ko yung mga gamit ko.
"Whyyyy?" dramatic na tanong ni Jen. Umupo s'ya sa tabi ko.
"Hmm. Mahabang kwento eh," sagot ko. Naghe-hesitate ako kung magku-kwento ba ko sa kanya eh. Wala namang magandang maipapayo tong babaeng toh.
"Eh di umpisahan mo na ngayon pa lang!" utos n'ya sa'kin na may kasamang paghampas sa balikat. Medyo malakas yung pagkakasabi n'ya. Actually, malakas nga kaya napatingin sa'min si Sir.
"Mamaya na. Dun tayo sa bench," aya ko sa kanya sabay hatak sa braso n'ya palabas ng classroom. Nakatingin kasi sa'kin si Sir Alfred eh. Yung uri ng tingin na magmi-meltdown ka. Ganun.
Pagdating namin sa bench, nagsimula akong magkwento.
Hindi naman masyadong matanong si Jen kaya dire-diretso yung pagku-kwento ko.
Hanggang sa matapos.
"So, you mean, nakipagbreak ka kay Ejay?" tanong n'ya.
"Break? Hindi. Cool off lang," sagot ko.
"Cool off? Eh parang ganun na din yun eh!" sabi n'ya. Talagang nasa mood s'yang magsisigaw ngayong mga panahong toh.
"Sabi n'ya kaya daw s'ya pumayag kasi para fair daw kay Sir. Para their on the same grounds, ganun," sabi ko.
"Fair kay Sir. Eh sa kanya? Fair ba?" tanong ni Jen.
"Ano?" tanong ko naman.
"Halata naman kasi, teh, na si Sir ang pinapaboran ng panahon. Naawa naman daw akong bigla kay Ejay," sabi n'ya sabay pangalumbaba.
"Alam mo, naguguluhan ako sayo. Dati gustong-gusto mo si Sir para sa'kin tapos ngayon naaawa ka kay Ejay," sabi ko tapos tinulak ko s'ya sa balikat.
"Oo nga! Hindi ko naman sinabing hindi ko na gusto si Sir. Naawa lang ako kay Ejay," sabi n'ya tapos inayos n'ya yung pagkakaupo n'ya.
"Ako din eh," sagot ko.
"Akalain mo ba naman kasi, pagkatapos ng lahat ng pagpapakamartir n'ya para sayo, hihiwalayan mo lang s'ya? Astig mo p're!" sabi ni Jen.
"Kaya nga ako naaawa."
"So, parang ang ibig mong sabihin, awa na lang yang nararamdaman mo para sa kanya? Ganun?" tanong n'ya.
"Hindi ako sigurado eh," sagot ko.
"Eh, dapat siguraduhin mo, teh! Tandaan mo lang, kung awa na lang yan, wag mo na s'yang balikan. Magkaiba ang awa sa love," sabi ni Jen sabay tayo sa upuan. "Tara na, umuwi na tayo."
"Uwi? Agad-agad?" pagpo-protesta ko.
"Oo. Ayaw mo pa? O sige, mamili ka kung sinong kakausapin mo sa kanilang dalawa," sabi ni Jen. Dun lang ako napatingin sa paligid. Si Sir Alfred papalapit sa'min. Sa kabilang side naman si Ejay.
"Sige, sige. Tara na!" sabi ko sa kanya tapos naglakad na kami sa opposite direction para wala kaming makasalubong ni isa man sa kanilang dalawa.
------------------------------------
"Are you avoiding me?" tanong ni Ejay sa'kin kinagabihan pagka-uwi ko sa bahay.
"I have no reasons para iwasan ka," sagot ko. Nakahiga ako sa kama. Nakatulala sa ceiling.
"Then, kindly explain to me what happened a while ago," pagdi-demand n'ya.
"What 'a while ago'?" pagmamaang-maangan ko.
"Kanina sa bench. Nakita mo kong palapit sa inyo ni Jen pero bigla kayong umalis," sabi n'ya.
"Nag-aya na si Jen na umuwi kanina. Hindi kita napansin. Sorry," sagot ko. Pero ang totoo, napansin ko s'ya. Sa tangkad ba naman n'yang yun, sa tingin n'ya walang makakapansin sa kanya?
"Hindi mo ko napansin o---"
"Bakit pala hindi ka pumasok sa Logic class kanina?" pag-iiba ko ng usapan. Kapag kasi nagtanong pa s'ya ng isang beses tungkol dun, baka makabuo na naman ako ng kasinungalingan.
"May practice kami ng basketball," sagot n'ya. So? Meaning hindi n'ya tinuloy yung pag-alis n'ya? YES!
"May practice kayo? Hindi ka na magku-quit?" tanong ko with tone of happiness. Syempre ah.
"Hindi na siguro," sagot naman n'ya. Biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko. Si Mela. Dinner time na daw.
"Sige. Next time na lang ulit tayo mag-usap. Magdi-dinner na ko," sabi ko sa kanya.
"Okay. Bye. I love you," sabi n'ya.
"Bye," sagot ko.
"Wala ka na bang ibang sasabihin?" tanong n'ya. Anong hinihintay n'yang sabihin ko? I love you, too?
"Wala na. Bye," sabi ko tapos in-off ko na. Bumuntung-hininga ko ng malalim. Nasa pinto pa pala si Mela. Aba, nakikinig sa may usapan ng usapan, ha.
"Hirap?" tanong ni Mela. Tumango ako. "Sa umpisa lang yan."
"Siguro. Pero parang hindi ko kayang mabuhay ng wala s'ya eh," sagot ko tapos yumuko ako.
"Palagi namang ganun eh. Pakiramdam natin kapag nahiwalay tayo sa taong pinakamamahal natin, feeling natin hindi natin kaya, pero pakiramadam lang yun. Tignan mo hanggang ngayon, kaya mo naman di ba?" sabi ni Mela.
"Pero hindi ko alam kung hanggang kailan," sagot ko.
"Pakiramdam mo lang yan. Akala mo lang hindi mo kaya. Pero kapag nandun ka na sa situation na yun, mare-realize mo naman na kaya mo pala," sabi ni Mela tapos lumabas na s'ya ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Class Starts When the Game Is Over
Non-FictionIt's a story about a student who seeks comfort in the arms of her Professor to fulfill the duty of her basketball player boyfriend. But what will happen if the boyfriend comes back and the professor keeps on pursuing her heart? Will she choose the o...