Chapter Eleven
"Try this! i know this will look good on you" binato nya sa upuan na pabilog na inuupuan ko yung damit saka naghalungkat ulit sa mga damit.
nasa loob kami ng walking in closet nya sa bahay nya.
may bahay sya sa pinakadulo ng resort na sobrang tago at pribado.
ang style kasi ng hotel resort ay dalawang Five storey na building na pasquare na may indoor garden sa loob. ganun din ang blue and white ang kulay ng buong resort. may tulay sa gitna na nagdudugtong sa dalawang building.
nagpatayo si Tessa ng private space nya at nandito kami ngayon.
dinampot ko yung binigay nyang dress. maganda nga ang itsura nito. isang puting halter dress na may waist cut. bukas ang buong likod nito at kita ang pusod at ang gitna ng dibdib.
classic and sexy.
lumapit sya sakin at inabutan ako ng isang two piece na swim suit.
"bagay yan dyan" nakangiting sabi nya.
ngumiti ako. "Salamat"
pumasok ako sa banyo para magpalit ng damit. i'm like trapped here for two weeks so might as well enjoy this. this vacation is fvcking free!
paglabas ko ng banyo ay nakabihis na din si Tessa ng long dress na may print tapos bandeau na bikini top.
"i bet this fits you" nilapag nya sa harap ko ang puting slippers na may gintong bulaklak na disenyo sa gitna.
"Thanks Tessa. i owe you" nakangiting sabi ko. shes so kind.
ngumiti sya saka inaya akong bumaba. pupunta sya sa office nya kaya nagpaalam nalang ako sa kanya na mag iikot sa resort.
its a beach and i wont miss the opportunity. beach is beach. i'm a sucker for beach.
"Pag nagutom ka just look for Xander or just go straight to the taverna. tell them you're with me"
tumango ako saka naglakad lakad na.
I wish i have my camera right now.
i would love to make a blog about this place.
For sure i am going back to this place for a real vacation.
hinubad ko yung tsinelas na pinahiram sakin ni Tessa saka naglakad sa tabi ng dagat kung san maaabot ng tubig yung mga paa ko.
Damn.
THIS.IS.THE.BEST.FEELING.EVER.
Asan na kaya yung wallet ko saka yung cellphone ko.
may mangilan ngilan na nagswiswimming sa dagat.
maybe later i will take a dip too.
nung mapagod ako ay naupo ako sa isang log na nasa tabi ng dagat.
Tiffany loves the beach but hates being tan. sangkatutak na sunblock yung nilalagay non sa katawan nya e.
sana lang kahit isa sa kanila kasama ko dito.
nakuha ang atensyon ko ng mag asawang nagtatawanan sa malapit na resto. nabalitaan ko last month yung kasal nila.
isang galing sa prominenteng pamilya yung babae at yung lalaki naman ay lead vocalist ng pinakasikat na banda sa pilipinas ngayon.
sobrang sweet nila at yung lalaki laging nakayakap yung braso nya sa bewang nito.
Haaay.
That was my dream when i was in highschool. i was young and very much in love. just finish college and get married. be happy.
BINABASA MO ANG
Samantha's Marriage Proposal ★
RomanceSamantha Allison Del Rosario doesnt have anything to do with Men eversince she dropped her ambition to become a pianist. she thought she made it clear. so why the heck is Xander Miguel Montenegro pestering her about playing the piano again. too desp...