ThirtyFive

15.5K 545 33
                                    

Chapter Thirty Five

Nung narealize kong nandun nga si Xander napaayos ako ng upo agad. Pinunasan ko ng tissue yung mukha ko saka tumayo.

"I'm going home" sabi ko saka hinablot yung bag ko.

Maalon na yung daan sa paningin ko pero pinilit kong maglakad ng normal.

Napamura ako ng malakas dahil sa marahas na paghablot ng braso ko.

Fvck shit! Lasing ako. Kasi bumigay yung tuhod ko agad. Napasubsob ako sa dibdib ni Xander.

"You're not going anywhere without me" seryosong sabi nya saka binuhat ako.

Napatili ako ng malakas.

Nakita ko pa ang tumatawang pigura ni Anton na katabi si Marco na tumatawa din.

"Thank you Anton, Pare. I owe you ako nang bahala kay Samantha" seryosong sabi nya saka naglakad palabas ng The Lounge sa kabila ng pagpupumiglas ko.

"Stay put, Samantha!" Sigaw nya.

Napatigil ako sa pagpupumiglas dahil sa sigaw nyang yon.

Galit sya. Sigurado yon base sa igting ng panga nya ngayon.

Natahimik ako saka dahan dahang kumapit sa balikat nya para sa suporta. Napapikit ako.

Sobrang hilong hilo ako at ang bigat na ng talukap ng mata ko. Gusto ko nang matulog.

"Xander, i'm dizzy" mahinang sabi ko.

Nag igting lalo yung panga nya.

"Yes! Of course you are. Two bottles of vodka in three hours! Really Samantha?!" Galit na utas nya.

Tumingin ako sa panga nya saka dahan dahang hinaplos yon.

"Sorry, Xander. Wag ka nang magalit" bulong ko saka yumakap sa leeg nya.

Bumuntong hininga sya saka lalong hinigpitan ang karga nya sakin.

Pumikit ako pagkasakay namin ng elevator.

Nagising lang ulit ako nung nilapag nya ko sa loob ng kotse nya.

"Please dont leave me" bulong ko saka niyakap sya sa leeg.

Napabuntong hininga sya saka umiling.

"I wont. Ihahatid kita sa tower" sagot nya.

Dahan dahan ko syang binitawan.

Mariing hinalikan nya yung noo ko bago sinara yung pinto. Umikot sya agad para sumakay sa driver seat.

Pinagsalikop ko yung kamay namin nung naka upo na sya.

"Just so i'm sure that you wont leave" bulong ko.

Lumambot ang ekspresyon nya saka hinalikan yung kamay kong nakahawak sa kanya.

"I wont" he assured me.

Nakatulog ako sa byahe. Nagising nalang ako nung nilapag nya ako sa kama ko.

Tumalikod na sya sakin kaya napabangon ako bigla.

"Aalis ka?" Nanginginig yung boses ko.

Napalingon sya. Umupo sya sa tabi ko.

"I'll be back tomorrow, Sam" sagot nya saka hinaplos yung pisngi ko.

Umiling ako. Nagsimula nanaman mangilid yung luha sa mata ko.

Napamura sya dahil don. Niyakap nya ko.

"Do you want me to sleep here?" Tanong nya.

Paulit ulit akong tumango.

Samantha's Marriage Proposal ★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon