Chapter Thirty Four
"Sorry po, Sir Xander. Wala po si Ma'am eh" narinig kong sabi ni Ellina.
"Where did she go this time?" Tiim bagang na sabi ni Xander.
"Wala pong sinabi eh. May message po ba kayo sa kanya?" Tanong ni Ellina.
"None. Thank you Ellina. Babalik nalang ako" Tumalikod na si Xander.
Marahas na nagbuga ng hangin si Ellina saka nagmartsa papunta sa office ko.
Agad akong umupo sa swivel chair saka tumutok ang mata sa desktop.
"Ikaw ha? Napapagod na kong magdahilan kay Xander. Alam mo namang ayokong nagsisinungaling" nakasimangot na sabi ni Ellina.
Tipid akong ngumiti sa kanya saka binalik yung mata ko dun sa ineedit kong picture.
"Bat ba iniiwasan mo si Mr.Right?" Tanong nya saka pumalumbaba sakin.
Mr.Right ang tawag nya kay Xander. Ewan ko sa loka lokang to.
"You're too nosy, Ellina" seryosong sabi ko.
"Si Miss Samantha naman. Ginagamitan pa ko ng ganyang boses" tumawa sya.
Kinunot ko lang ang noo ko sa kanya.
"Nakakaawa si Xander. Kung nakikita mo lang sya" puno ng simpatya ang boses nya para kay Xander.
And there goes that punch in the gut feeling again everytime i remember his face.
"I'm just outside if you need anything, Sam" paalam nya saka lumabas.
Binitiwan ko na ang pagpapanggap. Sumandal ako sa swivel chair saka pumikit.
Mag dadalawang linggo ko nang iniiwasan si Xander.
Di ko alam kung anong mas mahirap. Yung iwasan sya o iwasan yung nararamdaman ko.
Hinilot ko ang pagitan ng mata ko.
Bat ang lungkot lungkot ng araw na dumadaan?
Ayokong isipin pero alam kong iisa lang ang dahilan.
Si Xander.
Pero di ba mas maganda naman na ganito kesa paasahin ko ang sarili ko at si Xander sa mga bagay na wala namang kasiguraduhan?
Kailangan ko munang makasigurado.
Lumipas ang araw na yon na wala akong nagawang productive.
had i known na huling beses ko na palang makikita si Xander eh di sana hinabol ko nalang sya.
Dahil lumipas ang dalawang linggo na di sya nagpakita sa studio.
Mas okay noon na pumupunta sya pero ngayon totally wala.
Ako naman may gusto nito pero bakit ang sikip sikip ng pakiramdam sa dibdib.
Dalawang linggo rin akong tuliro at abang ng abang sa pagdating nya.
Fvck shit! Di ko na kaya to!
Bumuntong hininga ako saka dinial ang number ni Anton.
"Bakit?" Yan agad ang bungad nya. Wala man lang hello.
"May ginagawa ka ba?"
"Nothing that need urgent attention. Bakit?" Tanong niya.
"I need a drink" malungkot na sabi ko.
Natahimik sya. Matagal syang di nagsalita na akala ko namatay na ang tawag.
"May problema ba?" Tanong nya.
BINABASA MO ANG
Samantha's Marriage Proposal ★
RomanceSamantha Allison Del Rosario doesnt have anything to do with Men eversince she dropped her ambition to become a pianist. she thought she made it clear. so why the heck is Xander Miguel Montenegro pestering her about playing the piano again. too desp...