Chapter Fifty Eight
"Sam, tara na." Ani Tessa saka kumatok.
"Sunod na ko"
Kinuha ko yung camera ko saka lumabas. May photoshoot pa ng day before the wedding sa may beach. Bukas yung kasal.
Pagdating ko don tapos na mag set up sina Ian. Dumating sila kaninang madaling araw.
Nag umpisa muna sa bride and groom hanggang sa dumami na ang mga tao dahil sa kamag anak ng bride at groom.
At nandun din ang mga magulang at kapatid ni Xander.
Matalim ang mga mata ni Tita Martina na nakabaling sa akin. Malungkot ang ngiti ni Sasha.
Nag iwas ako ng tingin at pilit iniignora ang malamig na trato nila sa akin.
Hindi ko sila masisisi. Nawala nalang ako ng parang bula.
Tinapos ko ang photoshoot at lumayo na sa kumpol ng mga taong nagkakasiyahan para sa selebrasyon na gaganapin bukas.
Umupo ako sa duyan na pinakamalayo sa kanila at tumanaw sa dagat.
Ni hindi pa ako halos nagtatagal na nakaupo dito nung may magsalita sa likod ko.
"The nerve you got to show up here like nothing happened" malamig ang tinig ni Doña Martina habang matalim ang titig na pinupukol nya sa akin.
"Tita-"
"Dont call me that! You have the guts to face us after what you did! Nasaan ang delikadeza mo? Or have you lost it abroad?!" Napayuko ako.
Wala akong kayang isagot doon.
"Nagpakita ka para ano? Para makipag balikan sa anak ko? Matapos yung ginawa mo noon? Ang kapal din naman ng mukha mo!"
"Tita wala po akong balak na ganon" mahinang sabi ko.
"So anong ginagawa mo ngayon? Sila Tessa naman ang ikoclose mo para makalapit ka sa anak ko? Yan ba ang plano mo?!" Matalim ang salita ni Tita Martina.
"Wala po akong iniisip na ganyan, Tita. At tama na po. nasasaktan po ako sa mga sinasabi nyo" yumuko ako lalo para maitago ang mukha ko.
"Nasasaktan ka?! Naisip mo ba yan noong iniwan mo ang anak ko?! Na nasasaktan din sya. Gusto mong intindihin kita? Ang kapal ng mukha mo. Layuan mo ang anak ko dahil wala ka nang karapatan simula nung iniwanan mo sya. Layuan mo ang pamilya ko!" Sigaw nya bago ako tinalikuran.
Tumulo yung luha ko.
Maiintindihan kaya nila na natakot ako para kay Xander? Maiintindihan ba nila na takot din ako na ikulong ni Xander sa akin ang buhay nya?
Na mas pinili kong magsurvive si Xander na mag isa kaysa sayangin nya ang buhay nya sa taong mamamatay na?
Napahikbi ako saka tuloy tuloy na dumaloy ang luha.
But i cant go. Can i?
Hay anak. Miss na miss na kita. Sana nandito ka para pagaanin ang loob ni mommy.
"Dont go roaming around tonight, Allison. Di ka pwedeng mag mukhang puyat bukas" babala sakin ni Grace. Ngumisi ako.
"I wont. Dont worry" tinapos ko na ang pagkain ko. Ayoko nang mag abot pa kami ni Tita Martina.
Nagshower ako pagbalik sa bahay saka kinuha yung macbook ko. Tumambay ako sa lounge chair sa gilid ng bahay ni Tessa kasi abot naman ang wifi dito.
Nag video call ako sa condo.
Ilang ring lang sinagot ni Anton ang tawag
Halos masamid ako kakatawa nung makita ko si Anton na may pulbo sa mukha at nakaheadband ni Erysha.
BINABASA MO ANG
Samantha's Marriage Proposal ★
Roman d'amourSamantha Allison Del Rosario doesnt have anything to do with Men eversince she dropped her ambition to become a pianist. she thought she made it clear. so why the heck is Xander Miguel Montenegro pestering her about playing the piano again. too desp...