FiftyOne

17.5K 563 115
                                    

Chapter Fifty One

"Goodmorning, my darling!" Ngumiti agad si Erysha sa akin.

"My!" Napahalakhak ako saka hinagkan ang pisngi nya.

"Very good, my darling. Mommy!" Tumayo sya saka dinamba ako.

"My, outside?" Aniya saka hinawakan yung pisngi ko.

Tumawa ako.

"Gala ka talaga" niyakap ko sya saka pinanggigilan.

"Hoy! Nilalamog mo yang pamangkin ko!" Ani Tessa saka hinampas yung balikat ko.

"Tessa!" Sabi ko saka tinampal yung kamay nya.

Mamaya magkapasa ako.

Umirap sya saka kinuha si Erysha.

"Goodmorning, babygirl" hinalikan nya ito ng madiin kaya tinampal ko sya.

"Hoy! Di manika ang anak ko!" Kinuha ko ulit si Erysha.

"You want to go outside?" Tanong ko

"Yes!" Pagalit na sabi nya. Humalakhak ako.

"Tina!" Tawag ko sa yaya ni Erysha.

Maya maya ay sumungaw ang ulo ni Tina.

"Yes ma'am?" Tanong nya. Si Tina ay galing sa mansion nila Tessa.

"Papaliguan na si Erysha. Magready ka ng damit nya ha, mag ayos ka din. Sasama ka samin" sabi ko.

Inaabot ko si Erysha sa kanya pero ayaw bumitaw nito sa damit.

"No! My only!" Pagalit na sabi nito saka aambang iiyak.

Natawa kami sa inasal nya.

"Mommy only?" Tanong ko.

"Yes!" Galit na sabi nya saka umambang magpapabuhat sa akin.

Ngumisi ako saka kinuha sya. "Spoiled!"

Kinapa kapa nga yung mukha ko saka kiniss sa pisngi.

Napairap ako. Nagsusuhol tong batang to. Nilapag ko muna sya sa kama bago binalingan si Tina.

"Ikaw nalang mag bihis sa kanya, Tina. Sasabay ko na sya sa paliligo ko"

"Yes Ma'am" aniya saka tumalima.

"San nanaman larga nyong mag ina?" Tanong ni Tessa.

"Maglalakad lang sa labas. Di ka ba sasama?"

Umiling sya. "Madaming gagawin sa Taverna. Kayo nalang!"

Ngumisi ako. "Okay! Come my darling!"

Tumakbo payakap si Erysha sa akin.

"My, a bath?" Tanong nya.

"Yes, darling. Take a bath" binuhat ko sya at pinugpog ng halik bago binalingan si Tessa.

"Sunod ako sa taverna later"

Ngumiti sya saka lumabas.

"Lets go, my darling. Lets take a bath" hinalikan ko pa yung leeg nya bago kami pumasok sa banyo.

Pagkatapos namin maligo inabot ko si Erysha kay Tina para makapag ayos ako.

"My!" Humabol pa sya sa akin kaya kinausap ko sya.

"Get dressed first then we will go outside" sabi ko sa kanya.

Ngumiti sya. "Dressed?"

Humalakhak ako. "Yes, my darling. Get dressed"

Samantha's Marriage Proposal ★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon