Chapter Fifty Seven
"Oh? Mag isa ka lang? San na sina Tessa?" Ani Grace nung makita nya ako.
Nakatayo sya sa labas ng hotel at inaabangan ako. Nangilid agad yung luha ko saka niyakap sya.
"Huy! Bakit ka umiiyak?! Allison?!" Nagtatanong ang tinig nya. Di ako makapagsalita. Dahil baka pag nagsalita ako lalo lang bumuhos ang emosyon ko. I dont wanna rain on their parade.
"Okay ka lang ba?" Tanong nya saka hinarap ako. Tumango ako saka pilit na ngumiti sa kanya.
"Masaya lang ako na nakita kita" sabi ko saka pinunasan ang luha sa pisngi.
Sumisikip na ang dibdib ko sa sobrang pagpipigil ng emosyon. Nakakaramdam na ko ng hilo.
Kung bat ba naman kasi ngayon pa ko sinamaan ng pakiramdam.
Ngumiti sya saka niyakap ako.
"Whats a wedding without a little drama anyway?" Aniya. Tumango ako.
"Ang mag iistay lang sa hotel ay yung mga pinsan at kamag anak namin. Tayo ay sa bahay ni Tessa sa dulo" paliwanag nya.
Nagtaas ako ng kilay saka pilit na ngumiti. "Asan nga pala ang pinakahihintay na lalaki?"
Humalakhak sya. "Ayon. Inaantay yung pinsan nya sa parking lot"
Binundol ng kaba ang dibdib ko.
"Nasa parking lot?" Tanong ko.
Ngumiti sya saka tumango. "Inaantay nya yung pinsan nya na magiging bestman namin"
Nag iisa lang ang taong nakita ko sa parking lot.
Diyos ko. Wag naman sanang pahintulutan. Wag naman sana maging tama ang kutob ko.
Habang lumalakas ang kabog ng dibdib ko ay unti unti ako nahihirapang huminga.
Napapikit ako ng mariin.
"Oh ayan na pala sila eh" lumingon sya sa likod ko.
Parang napako yung paa ko sa sahig nung lumingon ako.
Nakangiti si Grace sa paparating na si Xander.
Niyakap nya ito saka ngumiti sa akin.
"Allison, si Xander. Ang-"
Napaluhod ako sa sobrang panlalambot ng tuhod ko.
"Allison!" Sigaw ni Grace ang huli kong narinig bago dumilim ang paningin ko ng tuluyan.
Nagising ako sa di pamilyar na silid. Puro puti ang paligid.
"Are you okay? What are you feeling?" Nag aalalang tanong ni Tessa saka hinaplos yung noo ko.
"She's okay. Its just a fever" balewalang sabi ni Xander. Nakasandal sya sa pader. Si Grace nasa paanan ng kama.
"Shut up! Wala kang alam!" Iritadong sabi ni Tessa saka tinuro yung pinto.
Nangilid yung luha ko saka tumalikod kay Xander.
Narinig ko ang pagbukas sara ng pinto gawa ng paglabas ni Xander.
"Huy. Wag ka nang umiyak, Allison" alo ni Grace.
Hinaplos ni Tessa ang noo ko. "Papunta na si Dra. San Diego para icheck ka"
Umiling ako kay Tessa. "Lagnat lang yan. Medyo masama din pakiramdam ko kaninang umaga. Hayaan mo na"
"But-"
"Wag na Tessa. Please" its useless anyway.
Dahan dahan syang tumango. May dinial sya sa cellphone nya bago lumabas.
BINABASA MO ANG
Samantha's Marriage Proposal ★
RomanceSamantha Allison Del Rosario doesnt have anything to do with Men eversince she dropped her ambition to become a pianist. she thought she made it clear. so why the heck is Xander Miguel Montenegro pestering her about playing the piano again. too desp...