Chapter Forty
Sinalubong ako ng yakap ni Kuya Seth nung lumapit sya samin. Mahinang tinapik ko lang ang likod nya saka kumalas.
"Are you okay, Love?" Tanong nya sakin.
I only stared at him blankly and did not respond. I dont even know what i am feeling right now.
Hinawakan ni Ate Athena yung kamay ko. Para bang sinasabi nya na nandyan lang sila. Pagod akong ngumiti.
Inikot ko ang paningin ko sa paligid.
Maraming taong taga hacienda ang nandito. Pati ang mga tao sa tatlong hacienda sa paligid ng ilog ay narito.
Nandito rin sina Lola Flor, Lola Belinda saka si Lola Gloria.
Nakaupo sa tabi ni Lola Gloria si Albert katabi ni Frances saka si Suzanne. Sa kabilang sala sa east wing ay si Senator saka si Senyora at may kausap na business associate.
Maraming nag extend ng condolence samin na pilit ko pa ring nginingitian.
Thats what Lala taught me. To be strong in times of hardship.
Lala you taught me a lot of things but you never told me how to live without you.
I blink a lot of times to stop my tears from falling.
Yes Lala, i will be strong.
Habang lumalalim ang gabi dumarami lalo ang nakikiramay. Si Xander umuwi saglit sa bahay ni Lola Flor para ihatid ang mga magulang nya at si Lola.
Umupo ako sa duyan na nakatali sa dalawang puno. Even this, Lala had it built for me. Para daw kapag magulo ang isip ko at kailangan ko ng kapayapaan hihiga lang ako dito at magpapahinga.
God! Lala, you did not ready me for this. Nangilid muli ang luha ko. Marahas ko iyong pinalis.
Lala will be disappointed if she sees me like this.
"Anak" napataas ako ng tingin sa nagsalita.
Nakatingin sakin si Senyora habang may luha sa mata.
Blangko ang tingin na ibinigay ko sa kanya.
"What do you want, Senyora? I have nothing right now. Wala akong maibibigay sa pinakamamahal mong si Suzanne" malamig na sabi ko.
"Anak i just wanna talk" basag ang boses nya.
"I dont wanna talk, Senyora. Maski oras sa pakikipag usap wala ako"
Marahan syang lumapit sakin at niyakap ako.
"I'm sorry for your Lala, Anak. I'm sorry i wasnt there for you when you're grieving for her." umiiyak na sabi nya
"You were never never there for me, Senyora" malamig na sabi ko na ikinakalas ng yakap nya.
"Anak-"
"You were just there physically out of duty. Because you're my mother. Kasi kailangan sa trabaho na makita kung gano ka kauliran but all in all. You're not there. You are physically and emotionally unavailable for me. I am the youngest, yes! But i have to be strong for myself. Thats what you did to me, Senyora. So stop saying sorry for the things that you didnt do for me. Its a damn too late for that" mahinahong sabi ko.
Nakita ko ang tuloy tuloy na pagtulo ng luha nya. "I'm sorry, Anak. you know why i did that right? Your sister was weak. Pag sumama yung loob nya she could die."
"At ako? Okay lang na masaktan ako kasi malakas ako? Ganun ba, Ma? Okay lang na ako ang mahirapan kasi mamamatay sya? What about when i was seventeen? Mamamatay pa rin ba sya non?" Tinitigan ko sya.

BINABASA MO ANG
Samantha's Marriage Proposal ★
RomanceSamantha Allison Del Rosario doesnt have anything to do with Men eversince she dropped her ambition to become a pianist. she thought she made it clear. so why the heck is Xander Miguel Montenegro pestering her about playing the piano again. too desp...