Ten

18.2K 498 18
                                        

Chapter Ten

Thirty minutes na kaming paikot ikot sa walang katapusang gubat bago kami nakarating sa main road.

hindi ko alam kung ganon talaga yung daan o sadyang nililigaw ako ni Xander para di ko tangkain tumakas.

i think its the latter.

mula sa Main Road ay ten minutes drive bago nya ipinarada sa tapat ng isang restaurant.

"Tara na" sabi nya saka bumaba ng sasakyan. bumaba din ako.

Tessa's Taverna.

thats what it says on the sign.

Its like a building from Santorini.

puti lang ang pintura at blue sa bandang bubong.

dumiretso sa loob si Xander kaya sumunod na din ako.

maaliwalas ang loob. may blue na lamp sa itaas ng mga mesa. halos puti ang kulay at may mga picture ng Santorini na nakaframe. yung pag lubog ng araw. yung dagat. yung lugar. yung mga bahay na sa Santorini lang makikita.

parang maliit na tour ang mga litratong yon sa lugar.

napangiti ako dahil sa isang bagay.

"Hurry up" masungit na sabi ni Xander saka dumiretso sa pinto na may nakalagay na restricted area.

Kita na ngang restricted dumiretso pa din.

sumunod ako sa kanya.

napahawak ako sa mga braso ko dahil sa lamig ng simoy ng hangin na sumalubong sakin.

ang lamig ha!

kaya naman pala nakasuot ng jacket tong taong to.

napangiwi ako saka umupo sa pang apatan na mesa na inupuan nya.

ang lamig talaga.

maganda yung restricted area ng Taverna. yung sahig ay gawa sa bato na pinatag para malakaran ng tao ng maayos. may medyo mataas na parte sa pinakadulo na nagsisilbing suporta sa pagkakatayo ng puting railings na nagsisilbing harang sa bangin saka tubig. pero hindi naging sapat ang railings para harangan ang magandang tanawin na nakikita ko ngayon.

ang asul na dagat ay parang nag iimbita sayo papalapit sa kanila.

maganda ang tanawin.

sobrang ganda.

hindi ko lang lubusang maappreciate dahil giniginaw ako ng sobra.

maaga pa at sobrang lamig ng hanging dagat na humahampas sa katawan ko.

pero nunca mag makaawa ako sa jacket ni Xander.

maninigas nalang ako sa lamig.

nakatingin sya ng menu. dinampot ko na din yung menu na nasa harap ko. nahirapan pa kong iaangat yung kamay ko sa sobrang lamig.

Leche!

kung alam ko lang nag long sleeve nalang sana ako.

tumingin ako sa waiter saka pinalapit sakin.

"Yes Ma'am?"

"I need a very hot coffee."

"and a jacket, Luis." napalingon ako sa babaeng sumabat na nasa likod nung Luis.

"Paki bigyan din sya ng jacket. pakikuha nalang yung extra jacket ko sa office" dagdag nung babae saka nginitian ako.

umalis na si Luis kaya lumapit sya sakin.

Samantha's Marriage Proposal ★Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon