Eighteen

16K 502 26
                                        

Chapter Eighteen

"Huy!" nag snap ako sa mukha ni Tiff nung nakita ko syang tulala. Tapos na ang shoot at hapon na.

sinamaan nya ko ng tingin.

"Pakyu ka talaga." mahinang sabi nya. tumawa lang ako saka umupo sa tabi nya.

"Anu ba't tulala ka nanaman?" Untag ko. "Ang ganda ng sunset tapos ganyan itsura mo!" Lumabi ako saka inirapan sya. Ngumiti lang sya saka inilagay yung dalawa nyang kamay sa magkabilang gilid para suportahan yung bigat nya.

"tawag ka ni Anton oh!" sabi nya saka nginuso si Anton. inirapan ko ulit sya saka tumayo.

Lumapit ako kay Anton na busy sa pagtingin ng mga shots ko.

Nag aayos na ng gamit yung ibang staff. Si Anton ay nakatanghod sa ginagawang pag eedit ni Ian.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Ang galing mo talaga kumuha. Buhay na buhay ang itsura" ngumisi ako sa papuri nya saka nag flip ng buhok. Sinimangutan tuloy nya ko.

"Konting enhance pa yan noh!" Sabi ko sa kanya saka niyakap sya sa bewang.

Iritadong tinanggal nya yung braso ko.

"Nakakainis ka! Kaya walang nanliligaw sakin akala nila straight ako! Stop being so clingy!"

Nagmake face ako habang nagsasalita sya. Nakakairita. Ang landi ng baklang to!

"Ang arte nito!" Hinampas ko yung balikat nya.

"Sheesh! Fezz off!" Binelatan ko sya. Ang arte talaga. May fezz off pang nalalaman.

"You're no fun, Antonio!" Tumakbo ako ng mabili para maiwasan ang flying slippers niya.

Korni mo Anton.

"Hoy! Inom tayo!" Sigaw ni Tiff sakin. There goes that eyes again. That sad pair of eyes.

"Inom nanaman? lasing ka kagabi tapos inom ulit?!" Sagot ko saka inirapan sya. "Lasingera mo"

Nagmake face lang sya sakin saka binalingan si Anton.

"Last night na natin sa Batangas! Inom na tayo!" sabi ni Anton saka nakipag appear kay Tiff.

"duuh! Kasi nga dalawang gabi lang tayo dito. Tss"

Pero wala din akong nagawa. Syempre sila ang panalong dalawa.

Binaba ko yung romper ko para makapag swimming ako. Naka two piece naman ako sa loob non.

Si Tiffany kanina pa nakahubad yan. Lol!

Nilagay ko yung damit ko sa isang folding chair kasama ng gamit ni Tiff saka tumakbo sa dagat. Lumangoy agad ako sa pinakamalayong balsa na nagsisilbing floater na nakikita ko saka humiga don.

Ang sarap ng tubig dagat sa balat.

Kaya pareho kami ni Tiffany na beach baby eh! Actually even Andrea, Alexis and Venice. We are suckers for beach.

Sumandal ako sa malaking plastic pillow na nandun. 

"You swim so well" tumikhim si Xander.

Napabangon ako bigla sa gulat sa kanya. Napamura ako ng mariin.

"Seriously Xander?" Inis na sabi ko sa kanya.

"What?" Natatawang sabi nya saka sumampa sa balsa.

"Badtrip ka, lam mo yun? Hilig mong manggulat" hinampas ko pa yung braso nya sa sobrang inis ko.

"Aray naman, Sam!" Tumawa lang sya saka humiga sa tabi ko at nakiunan sakin.

"Akala ko peaceful dito sa resort na to. Mali ata yung reviews" sabi ko saka inirapan sya.

Samantha's Marriage Proposal ★Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon