Chapter Thirty Three
"Call me, okay?" Nakangiting sabi ni Xander saka hinalikan ako sa pisngi.
Tumango ako saka lumabas sa sasakyan niya.
Buti nalang di sya nangulit na umakyat sa floor namin.
Pagod din ako sa byahe syempre at gusto ko nang magpahinga.
After a month of staying in Davao ngayon lang kami umuwi. Sobrang nagpapasalamat pa ko kay Lala kasi di na nya inungkat yung nangyari sa Batangas. I had a great vacation.
Malapit na rin ang kasal ni Tiff kaya kailangan ko nang umuwi para magpasukat ng damit.
My phone's dead the whole time i'm in Davao. Sa email lang ako nakikipag communicate sa office.
Nung nasa tamang floor na ko lumabas na ko ng elevator. Dinatnan kong nasa sala silang lahat at nanunuod. Napanganga pa nga sila nung mapansin ako.
"Sammy!" Naunang tumayo si Alexis saka niyakap ako.
Niyakap ko sya pabalik. Tumayo din sina Andrea, Venice at Tiffany para yakapin ako. Si Anton lang ang di yumakap. Nakamasid lang sya sakin.
"San ka ba nanggaling?! Di ka man lang nagpaalam samin ah." Ani Alexis.
"Oo nga. After ng shoot di ka na nagpakita. Isang buwan kang nawala!" Ani Tiffany.
Isa isa silang kumalas sakin. Si Anton nakatingin parin sakin.
"Stop staring, Antonio. Yumakap ka kung gusto mo" inirapan ko pa sya.
Umirap pa sya sakin bago ako niyakap.
"Leche ka. Nag alala ako" aniya nung yumakap sakin. "I'm sorry about last time" sincere na hingi nya ng tawad.
Tumango ako. See? Okay na ulit. Haha
"May gusto ka ba? Ipagluluto kita" sabi ni Andrea. Ngumisi ako.
"Wow naman. Ang sweet!" Panunuya ko.
"Bwisit. Wag na nga!" Inis na sabi nito. Humalakhak ako.
Its good to be back.
"Sira ulo ka. Bigla ka nalang nawala ng parang bula." Ani Venice.
Ngumiti ako saka umiling.
"Biglaan eh. Anong meron at kumpleto tayo? Asan mga asawa nyo?" Turo ko kay Venice saka kay Tiff.
"Pwede ba? Di ko pa asawa yon!" Umirap si Tiff.
Bumaling ako kay Venice. Tumawa sya.
"Well i dont know where's Lance. I dont even care" nagkibit balikat sya.
"Very responsible nyo naman pala" panunuya ko.
Hinampas tuloy ni Andrea braso ko.
"Wag ka nga dyan. Bagay lang sa kanilang manloloko yon" aniya.
Nagkibit balikat ako.
Wala ka namang aasahan kay Andrea. Bitter yan eh.
Iniwan ko muna sila para magbihis at mag shower. Imbes magpapahinga ako napilitan akong tumambay sa common room para makipag chismisan sa kanila.
"Oh? Anong nangyari sa Davao? Kamusta si Lala?" Tanong ni Tiffany sakin.
"Well, she's doing very well. Di ko alam si Xander pala ay apo ni Lola Flor" kwento ko sa kanila.
"Small world" nakangising sabi ni Alexis.
Tinaasan ko sya ng kilay.
"Kung ano man yang iniisip mo. Stop it" malamig na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Samantha's Marriage Proposal ★
RomanceSamantha Allison Del Rosario doesnt have anything to do with Men eversince she dropped her ambition to become a pianist. she thought she made it clear. so why the heck is Xander Miguel Montenegro pestering her about playing the piano again. too desp...