Chapter Thirteen
"Ano? Nakaimpake na kayo?" Tanong ni Anton sakin paglabas nya ng condo nya. Nasa common room kami ni Tiffany. Si Andrea naman umuwi na sa bahay nya.
"Asshole. Pinag iimpake mo ko kita mo na ngang may hang over yung tao" sikmat ni Tiff sa kanya.
"Dont be such a baby, Tiffany. We're leaving after lunch. Kumilos ka na!" Hinila ni Anton si Tiffany pabangon.
"Fuck you Antonio!" asar na sabi ni Tiff.
"Shit ka. stop calling me Antonio!"
Narinig ko pang nagbabangayan sila hanggang makapasok sila sa condo ni Tiff.
Umirap lang ako sa kawalan.
I already packed my clothes. Three days two nights yung shoot tapos didiretso kami sa Singapore para sa shoot pa rin. Isang buong linggo naman yon.
Nasa isang van yung crew tapos kaming tatlo sa sasakyan ni Anton.
Bumangon na rin ako para maligo. Nakalimutan kong tanungin si Anton kung san nga pala kami pupunta.
Nagsuot ako ng tattered na shorts saka crop top na shirt. Alam ko beach naman yung pupuntahan so no need to cover up and besides. Tinted naman yung sasakyan ni Anton so no worries.
Pinarisan ko ito ng flip flops saka nag ayos na ng mukha at nag blower ng buhok.
Wala man akong hangover kulang naman ako sa tulog. Nagising pa ulit kasi si Tiff kagabi at nag ayang uminom nalang kami sa poolside.
Nagswimming kami hanggang ala sais ng umaga. Nag one on one pa kami ng Jack Daniels kaya ganyan nalang ang hangover nya.
Lumabas ako para mag luto nalang ng lunch namin kesa mag take out pa kami.
Nagluto ako ng soup para kay Tiff. Fried shrimp saka Chopseuy.
Nakasimangot pa rin si Tiff paglabas nya ng unit nya. Nakasunod sa kanya si Anton na kanina pa bihis.
Lumapit sila sa dining table. Umupo si Tiffany saka pumangalumbaba. si Anton naman kumuha na ng mga pinggan. Bumalik ako sa kusina para kuhanin yung niluto ko. Nilapag ko yung shrimp saka yung gulay bago binalikan yung soup.
Napangiti nalang si Tiff nung makita nya yung soup.
"Kaya gustong gusto kon nandito ka kapag nag babar tayo e. May soup lagi"
Pagkakain namin bumaba na kami sa sa parking lot. Nasa baba na rin kasi yung mga kasama namin.
Pumunta si Anton sa van para mag bigay ng instructions pero kami ni Tiffany diretso na sa ford everest ni Anton.
Sumakay na ko sa front seat si Tiffany naman sa back seat. Nirecline nya agad yung upuan para makatulog sya. May sarili kaming unan sa sasakyan ni Anton. Madalas naman kasi eto yung gamit namin kapag may mga shoot.
Inistart ko na yung sasakyan para lumamig na yung aircon. Wala man akong hangover ay kulang naman ako sa tulog kaya gusto ko pa ring magpahinga sa buong byahe. Maya maya pa ay binuksan ni Anton yung driver seat. May dala syang isang box ng pizza saka kung ano anong mga chips, soda, bottled water and juice.
Kinuha ko yung plastic ng chips saka box ng pizza at nilagay sa tabi ni Tiff.
"seatbelt mo" sabi ni Anton. Tumango lang ako saka inayos yung seatbelt.
Kinabit nya na yung seatbelt nya saka pinauna yung van.
Kinuha ko naman yung ipod ko saka kinonekta sa sasakyan.
Nagplay muna ako ng isang kanta bago ko nilagay ito sa lalagyanan.
"Nagkakaproblema ako sa isa mong tauhan" sabi ni Anton.
BINABASA MO ANG
Samantha's Marriage Proposal ★
RomanceSamantha Allison Del Rosario doesnt have anything to do with Men eversince she dropped her ambition to become a pianist. she thought she made it clear. so why the heck is Xander Miguel Montenegro pestering her about playing the piano again. too desp...