Chapter Twenty Eight
"Hija, get dressed. Dun tayo sa Amiga ko magdidinner" sabi ni Lala.
"What?" Natatawang sabi ko. Medyo tumutulo pa yung buhok ko dahil sa paliligo ko sa lake.
"Fix yourself, Hija. Por dios mio! Lumaki ka lang pero di ka pa din nagbabago. Para ka pa ding bata kapag nandito ka sa poder ko"
Ngumisi lang ako saka humalik sa pisngi ni Lala.
"Sus! Ang Lola ko. Nagdradrama" natatawang pang aasar ko saka niyakap sya.
"Stop teasing, Hija" saway nya sakin.
Humalakhak lang ako saka hinalikan sya ulit.
"I'm going to get dressed, Lala" natatawang sabi ko saka kumaway sa kanya.
"Make yourself beautiful, Hija. May ipapakilala ako sayo."
Tumigil ako sa paglalakad saka nilingon sya.
"Who?" Tanong ko.
"Remember your Lola Florentina?"
Kumunot ang noo ko.
"The owner of the hacienda after my river?" Tanong ko.
My river talaga. Minarkahan ko nang akin.
Inangkin ko na.
Tumawa ako sa naiisip ko.
"Yes, your Lola Flor." Sagot ni Lala
"Yes, what about her?" Tanong ko
"Well, his grandson just arrived this morning." Ngumisi si Lala nung nakita yung pagbabago ng mukha.
"You're not gonna set me up in another blind date, do you?" Nagdududang tanong ko.
Humalakhak lang ang matanda.
"Magpapakilala lang, Hija"
"Yeah, right. Para namang di ko kayo kilala ni Lola Flor. Tsk!" Umirap ako sa kanya saka umakyat na.
Narinig ko ang tawa nya sa likod ko.
"Mag ayos ka, Hija. He's muy gwapito. Nakakahiya kung mukha kang gusgusin"
Whatever Lala.
Tumuloy na ko sa taas para maligo.
Isang puting spaghetti strap na sando at see through na ankle length na skirt na may puting shorts sa loob. Straight cut ito na may slit sa isang side na nagpapakita ng buo kong hita.
Buti nalang iniwan ko dito yung mga damit ko nung nakaraang uwi ko.
Ipinaris ko ito sa itim na gladiator sandals na hanggang tuhod at black na quilted shoulder bag na may mahabang strap.
Wala man ako sa mood sa blind dates ni Lala ayoko pa rin namang mag mukhang tanga.
Naglagay lang ako ng manipis na make up at hinayaan ang buhok kong nakalugay.
Most of the time i really thank my Lala's genes for the pretty face. Di na mahirap sakin na mag ayos.
"Senyorita, tawag na ho kayo ng Donya" sabi ng kumatok na kasambahay.
"Sige, bababa na ko" sagot ko. Kinuha ko yung cellphone ko para sana icheck kaso lobat. Iniwan ko nalang. Naglagay ako ng pangretouch ng mukha saka yung wallet ko.
Pagbaba ko nakaupo si Lala sa tabi ng telephone nyang antique.
"Yes, Flor. Papunta na kami. I'll see you. Bye." Binaba nya na yung telepono nung makita ako.
BINABASA MO ANG
Samantha's Marriage Proposal ★
RomansaSamantha Allison Del Rosario doesnt have anything to do with Men eversince she dropped her ambition to become a pianist. she thought she made it clear. so why the heck is Xander Miguel Montenegro pestering her about playing the piano again. too desp...