TwentySix

15.6K 514 49
                                    

Chapter Twenty Six

"Bakit? Di naman kita pinagnanasaan ha?!" Bwisit na sagot ko kay Xander.

Di ko naman iniimagine mga iniimagine nya ah!

"Pero ako pinagnanasaan kita kaya wag mong sabihing friends lang tayo coz thats a bull!" Galit din na sabi nya.

"Juskoo naman! Problema ko pa ba yan? Kikis mo sa pilapil!"

Sinamaan nya ko ng tingin. Umirap lang ako sa kanya.

Haa! Akala naman nya!

Pagdating namin ng Taverna nauna na kong bumaba ng Jaguar nya. Nakasimangot pa rin sya. Ngumisi lang ako saka nagpatiunang pumasok sa Taverna.

Halos mawalan ng kulay yung mukha ko nung makita ko kung sino ang maagang kumakain sa Taverna. My whole family. Senator, Senyora, Kuya Seth's Family and Suzanne's Family.

Bago pa ko makaatras tumakbo na si Charlize para yakapin ako.

"Tita, Nandito ka!" Niyakap nya ko ng mahigpit. Di ako makaatras pabalik kay Xander.

Di ko alam kung anong itsura ko ngayon. Mamasa masa ang mata ni Senyora habang matiim na nakatingin si Senator sakin.

Nakaawang yung labi ni Suzanne. Si Albert nakatingin lang sakin, si Kuya Seth naman saka si Ate Athena yumakap agad sakin.

"Samantha" bulong nya saka yumakap sakin. Sumunod din si Kuya Seth sa pag yakap sakin.

Ilang buwan na bang nakalipas simula nung huli ko silang nakita.

"Come, join us!" Aya ni Kuya. Umiling agad ako.

"No, Aalis na ko" patalikod na ko nung makita kong pumasok si Xander sa Taverna. Humarang si Pedro saka yung isang bodyguard ni Senator.

"Miss Samantha, pinapaupo po kayo ni Senator" sabi ni Pedro. Hinila nya na ko paupo sa harap na upuan ni Senator. Sa gilid ko ay si Albert saka si Kuya Seth.

"Eat with us" utos ni Senator. Tatayo sana ako pero hinawakan ako ni Pedro sa balikat para makaupo ulit.

"Pwede ba!" Singhal ko kay Pedro saka binalingan si Senator.

"Ayokong sumabay kumain sa inyo. May kasama ako. I'm leaving okay!" Tumayo ako.

Lalapit sana si Xander kaso umiling ako sa kanya.

Shit! Xander. Dyan ka muna sa Office ni Tessa. Please.

Para namang naiintindihan nya ko. Tumango sya saka tumalikod.

Inaya ni Charlize si Frances sa tabing dagat kaya umalis din ang dalawang bata.

"No, Uuwi ka na kasama namin. Kumain ka na" mariin sabi ni Senator.

"Papa!"

"Shut up, Seth! Pinagbigyan na kita. Pagbigyan mo naman ako! Iuuwi natin sya. Anak ko parin sya!" Dumagundong ang boses nya sa buong taverna.

Tinapik ko ng malakas yung mesa kaya napatingin sila sakin.

"Ayoko! Di ako sasama sayo!" Mariin sabi ko.

Tumaas lang ang kilay nya.

"I'm tired of this game, Samantha. We will all talk."

Nagpupuyos ang kalooban ko pero tumahimik ako. Gagawa ako ng paraan.

Pinabayaan ko silang kumain. Aalis sana ako para puntahan si Xander pero hinarangan ako ni Pedro.

Tangina talaga to eh!

Samantha's Marriage Proposal ★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon