Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

FortySeven

16.9K 536 66
                                        

Chapter Forty Seven

Dalawang buwan na ang nakalipas simula ng gabing yon.

Sa kauna unahang pagkakataon pinabayaan na ako ni Papa kahit minsan nakikita ko syang nakatanaw sa akin kapag nagkakataong nagkakasabay kaming kumain sa iisang restaurant.

Although it saddens me. I kept my decisions firm.

Ian became my business partner. Everything went back to normal.

Or so i thought.

Dahil isang araw nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko.

Napapikit ako ng mariin.

Di ako pwedeng magkasakit ngayon dahil madami akong gagawin sa studio.

Pinilit kong maligo pero sumuka lang ako sa toilet bowl.

Fvck.

Napahawak ako sa lababo dahil sa sobrang sakit ng ulo.

Fvck.

Sumuka ulit ako kaya bumalik ako sa kama para matulog ulit.

Nagtipa ako ng text para kay Ian na di ako makakarating at sya muna ang bahala.

Pumikit ako para matulog ulit.

Nung magising ako bumuti buti na ang pakiramdam ko.

Ilang ulit pang nangyari ang ganito ng hindi ko naipapaalam kay Xander.

Sa ikalimang beses na naulit ito pumunta na ko ng ospital para magpacheck up.

Ilang test ang ginawa nila.

Bukas pa daw ang labas ng resulta.

Fvck. Bukas din ang birthday namin ni Xander.

This would be the second time we will celebrate our birthday.

How come i didnt know that we were born the same day, September twenty six.

Di nya sinabi sa akin noon nung nagcelebrate kami. Nun lang sa mismong araw kaya wala akong regalo sa kanya noon.

Bukas ng umaga din ipipick up yung regalo ko sa kanya kaya dadaanan ko muna yon bago ako pumunta sa hospital para sa resulta.

Maaga palang kinabukasan naligo na ko at nag ayos.

Napangiti ako nung makita ko yung regalo ko kay Xander. Isang Jaeger LeCoultre na relo. Hinaplos ko ito bago nagpasalamat sa lalaking nag abot sa akin nito.

Dumiretso na ako sa hospital.

Praning na kung praning pero kahit simpleng ubo nagpapacheck up ako.

Dumiretso ako sa doktor para sa resulta.

Fvck shit.

Tulala lang ako nung marinig sa doctor kung bakit ako nagsusuka at sumasakit ang ulo.

Hanggang sa paglabas ng hospital tulala ako.

Bumalik lang ako sa ulirat nung magring yung phone ko dahil sa text na galing kay Xander.

From: Xander

Sunshine, sa Monte Martina okay! 7pm! Iloveyou!

Napapikit ako ng mariin at nanlalamig ang kamay ko habang nagmamaneho.

Paano ko sasabihin kay Xander to?

Kinagat ko ng mariin ang labi ko. Hindi ko alam ang magiging reaksyon nya.

Hanggang makarating ako sa Monte Martina eto pa rin ang iniisip ko.

Sinalubong lang ako ng usherette at iginaya ako sa garden place kung san kita ang manila bay at ang mga barkong may ilaw.

Samantha's Marriage Proposal ★Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon