ThirtyOne

15.6K 492 32
                                    

Chapter Thirty One

"Thank you sa dinner, Flor. Its delicious. I'm full" nakangiting sabi ni Lala saka tinapik yung braso ni Lola Flor. Nakaabrisyete kasi si Lola Flor sa kanya.

"Sus. Para namang bago ng bago. I'm glad to see you and Samantha. I hope you visit us often while shes on vacation. Xander here is on vacation too. Maybe we could spend time together. Uuwi na si Tessa ko sa isang araw" ani Lola Flor.

Nilingon ko si Tessa na nasa bandang likuran ko lang.

"Bat ang bilis mo namang uuwi?" Tanong ko.

"Well. Kaya lang naman ako napauwi ng biglaan kasi nagpasama tong si loverboy dito. Sinabi daw kasi ng kuya mo na dinala ka ni Lola Esme sa Davao." Paliwanag nya.

"Stalker much? Hanggang Davao talaga?" Tudyo ko kay Xander. Umirap lang sya sakin.

"Di mapakali yan. Hay jusko. Inlababo" dagdag pa ni Tessa.

Ngumisi lang ako.

"Samantha, Hija. Drive safely. Are you sure di ko kayo ipapahatid kay Lito?" Si Lito ay ang driver ni Lola Flor.

Umiling ako saka ngumisi.

"Kaya ko na po to, Lola." Sagot ko saka humalik sa pisngi ni Tessa saka ni Lola

"Ako na po, Lola." Lumapit si Xander sakin saka kinuha yung susi sa kamay ko. "Ihahatid ko sila. Ipasunod nyo sakin si Lito para may sasakyan po ako"

"Xander-" pinutol agad ni Lala ang angal ko.

"Mabuti pa nga, Hijo. Wala akong tiwala masyado sa pagmamaneho ng apo ko. May pagkakaskasera pa naman ito. Mabuti pang ikaw nalang ang magmaneho. Yun ay kung hindi kami makakaabala sayo ha?"

Umirap ako sa ngising pinapakita sakin ni Xander.

"Kelan ba kayo nakaabala sakin?" Nakangiting sabi nya saka pinagbukas ng pinto si Lala sa likod.

Sipsip.

Di naman ako makakakontra lalo na nakaharap si Lola Flor at nandito na si Manong Lito.

Umirap nalang ako. Sasakay na sana ako sa likod para tumabi kay Lala nung hinila ako ni Xander pabalik sa tabi nya.

"Apo pa rin ako ni Lola Flor, Miss. Wag naman literal na driver" aniya.

Umakbay sya sakin saka inakay ako sa Passenger seat. Binuksan nya ang pinto para sakin. Umirap ako at sumakay.

Pagsakay nya inabot nya yung seatbelt para sya mismo magkabit sakin.

Sobrang natural na talaga sa kanya ang pagiging gentleman. Aminin ko man o hindi. Sa kilos nya palang alam mo nang di sya nagpapa impress.

Masarap mahalin ang katulad ni Xander. Sayang lang. Sayang talaga.

Di ako nagsalita sa buong byahe. Pagdating namin sa bahay bumaba na agad ako. Inalalayan naman nya si Lala.

"Thank you, Hijo. You've been an angel. Please tell your Lola Flor thank you for me. Mauuna na ko sa loob. Napagod ako sa maghapon. Tumatanda na talaga ang mga Lola nyo" tumawa sya bago bumaling sakin.

"Hija, please. Entertain Xander while he's here. Magpapahinga na ko. Goodnight, Hija" sabi nya saka humalik sakin. Binalingan nya ulit si Xander. "Take care, Hijo."

Tumango si Xander saka ngumiti. Tumalikod na si Lala at pumasok sa bahay.

Umupo ako sa hagdanan ng porch.

"Tagal naman ni Manong Lito" nakasimangot na sabi ko.

Tumawa sya saka umupo sa tabi ko.

"Pabor nga yon sayo eh. At least makakasama mo pa ko ng matagal"

Samantha's Marriage Proposal ★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon