Chapter Sixteen
I have every intention to sleep through it. Kalimutan nalang saka itulog yung nangyari sa resto. Yung pagkakita ni Xander ng pag iyak ako. Yung mata nyang nakatingin sa akin na di mawala sa isip ko.
Alas kwatro na ng madaling araw. At isang oras palang ang tulog ko. May shoot pa kami mamaya. Paano nalang ang itsura ko.
Pumikit pa ko ng sampung minuto bago sumuko. Di na talaga ako makakatulog. Bumango na ko saka nagpalit ng short shorts saka sports bra at jacket.
Di rin lang ako makakatulog ijojogging ko nalang.
Madilim pagbaba ko. May mga poste lang na nakalaan para magbigay ng konting ilaw.
Nag inat inat ako bago nag umpisang tumakbo. Daily routine ko naman talaga ang mag jogging sa umaga. Di ko lang nagawa nung nagpakidnap ako kay Xander.
Nagpakidnap kasi kusa naman akong sumakay sa kotse nya.
Nakakainis kasi di ko pa rin matanggal sa isip ko yung tingin nya. And the fvcking urge i felt to cry on his shoulder. Dammit!
Ilang beses akong nagpabalik balik sa dalampasigan nung paakyat na yung araw pumunta ako sa Taverna.
Wala pang tao sa loob pero bukas na ang taverna.
Sinalubong ako ng pamilyar na mukha ni Luis.
"Hello Ma'am. Nice to see you again"
Ngumiti ako sa kanya ng matamis.
"Hello Luis. Isang hot chocolate"
"Yes Ma'am hatid ko nalang po sa restricted section" tumalikod na sya.
Dumiretso ako sa restricted section. Di naman siguro magagalit si Tessa.
Dumiretso ako sa mababang edge ng restricted section at humugot ng malalim na hininga. Fvck those eyes. Dapat masarap yung tulog ko kung di ko nakita yung mata nyang yon!
Nilapag ni Luis yung tasa sa mesang malapit sakin. Nginitian ko sya bago binalik yung tingin sa dagat.
Maya maya umupo ako saka inikot ikot yung hintuturo sa rim ng tasa.
Ilang beses ko yung ginawa.
Para bang sa paraang yon mawawala sa isip ko yung mata nya.
Lecheng mata! Sarap tusukin para di na magulo yung isip ko.
Pinilig ko yung ulo saka inangat yung tasa para mainom ko yung tsokolate.
"Maaga ka." Napaso ako sa gulat dahil sa nagsalita. Binaba ko yung tasa.
Napamura ako ng mariin sa utak ko saka nilingon ito.
Simpleng nakasandal si Xander sa mesa habang nakatingin sakin. Shit ka! Di mo na nga ako pinatulog papasuin mo pa ko!
Sinamaan ko sya ng tingin.
"Was that necessary?"
"What?" Inosenteng tanong nya. Napairap nalang ako.
Tumingin ako sa tasa.
Hindi ko sya kayang tignan sa mata. Gusto ko lanh murahin yung sarili ko kapag nakikita ko yung mata nya.
Asar na asar ako sa sarili ko kasi alam kong nakita nya akong mahina.
At kahit kelan wala akong balak ipakita sa kahit sino ang kahinaan ko.
Humingi sya ng kape kay Luis bago inokupa ang upuan sa harap ko.
"Maluwag ang taverna, Montenegro. Kailangan bang nandyan ka?" Iritadong sabi ko.
BINABASA MO ANG
Samantha's Marriage Proposal ★
RomanceSamantha Allison Del Rosario doesnt have anything to do with Men eversince she dropped her ambition to become a pianist. she thought she made it clear. so why the heck is Xander Miguel Montenegro pestering her about playing the piano again. too desp...