Chapter Thirty Six
"Ang kulit mo!" Natatawang sabi ko saka iniwas yung mukha ko sa sinusubo nya saking pasta.
"Sige na kasi! Isa nalang!" Pangungulit nya. Tumawa nalang ako saka pinagbigyan sya.
Back to normal kaming dalawa. Lagi pa rin syang naglulunch sa office ko. Isang buwan na mula nung nangyari sa The Lounge.
Sulit na sulit yung isang buwan na nasayang ko noon sa nakalipas na isang buwan.
"Bumalik ka na sa office!" Natatawang sabi ko. Pano nakapangalumbaba sa mesa ko.
"Ang ganda ganda talaga ng babylove ko" may paghangang sabi nya.
Umirap ako saka tumawa.
Ewan ko dito sa baliw na to. Babylove naman ngayon. Nung nakaraan sweetheart. Nababaliw na to.
"Oo na! Basta bumalik ka na sa office" pagtataboy ko sa kanya.
"Yes, babylove!" Ngumisi sya saka tumayo.
Lumapit sya sakin saka hinawakan yung mukha ko.
"I love you, Sunshine." Malambing na sabi nya saka hinalikan ng magaan yung labi ko.
Napapikit ako sa ginawa nyang yon.
Damn. Ilang beses ko nang naririnig yan at ilang beses ko na rin naramdaman ang labi nyang nakadampi sa labi ko. Pero tuwing mangyayari yon parang bago pa rin sa pakiramdam ko.
It always feel like the first time.
"See you later, Sunshine!" Nakangising sabi nya. Humalik sya ng tatlong beses sa ulo ko bago tumalikod.
Bago sya tuluyang lumabas at humarap ulit sya sakin.
"I love you, Sweetheart!"
Tumawa ako ng malakas.
"Baliw!" Natatawang sabi ko. "Sige na! Mamaya na ulit. See you later!"
Ngumisi sya saka sumaludo.
"Bye Baby Boss!"
Napailing nalang ako nung naisara nya yung pinto. Natatawa ko.
Simula nung na maging kami officially ganyan na sya. Kung ano anong tinatawag sakin. Mas madalas nga lang yung Sunshine na tawag nya sakin.
Nakangiti pa ko nung pumasok si Ian.
"Di ko talaga kayang kumpitensyahin si Montenegro. Pati office nililigawan." Reklamo nya.
Tumawa ako saka kinuha yung inaabot nyang developed pictures. Eto yung sa Pre nup ng artista na pinasa ko sa kanya.
"So this is serious huh?" Tanong nya.
Alanganing tumango ako. Ian's my friend. Ayoko pa ring masaktan sya.
"Ian-"
"Dont worry, Samantha. Okay lang. I know you're worth it and so i tried. But i can see the happiness in your eyes when he came into your life. Thats good enough for me" ngumiti sya sakin. Ngumiti din ako pabalik.
"Thank you." Sinserong sabi ko. "I hope this isnt your way to tell me that you're resigning"
Humalakhak sya saka umiling.
"Its not. Dont worry. I love working here"
Ngumiti ako saka chineck yung picture.
Saktong alasingko nandito na agad si Xander.
"Seriously, Xander. Di ka dapat pinapasweldo ng tama sa dami ng leave at half day mo" nakasimangot na sabi ko sa kanya.
Tumawa sya bago ako hinalikan ng magaan sa noo ng tatlong beses.
BINABASA MO ANG
Samantha's Marriage Proposal ★
RomansaSamantha Allison Del Rosario doesnt have anything to do with Men eversince she dropped her ambition to become a pianist. she thought she made it clear. so why the heck is Xander Miguel Montenegro pestering her about playing the piano again. too desp...