Chapter Forty Three
"Funny, how a man like you, offer his shoulder for me to cry on when you made me cry a river and drown me there" malamig na sabi ko.
He fell silent with what i said. Di ba totoo naman. His promises are all lies, Us was a lie.
"Why are you here, Albert? Bumalik ka na kay Suzanne. Hindi kita kailangan dito"
"I'm sorry" mahinang sabi nya.
"I'm being used to that word already" mapait na sabi ko.
"Sorry for causing you so much pain"
"Ngayon ka pa ba mag sisisi? May anak ka na. Bumalik ka na sa pamilya mo" uminom ako ng beer.
"Mahal pa rin kita, Sam. Mula noon hanggang ngayon ikaw pa rin ang may hawak ng puso ko" tumulo yung luha nya pagkasabi non.
Tumingala ako saka umiling.
"Albert, Binigay ko sayo lahat. Buong puso ko at buong pagkatao ko. Lahat ginawa ko para sayo. Lahat ng gusto mo sinunod ko. Pero lahat yan sinayang mo. Sinayang mo ko, Albert" tumulo yung luha ko sa pait na nararamdaman ko.
"Alam kong walang kabayaran yung ginawa ko noon, Sam. Habang buhay kong pagbabayaran ang sakit na dinulot ko sayo" napaiyak na sya ng tuluyan.
"Wag mong gawing kaawa awa yang sarili mo, Albert. You made your decision. Live with it the way i lived with yours. Pinili mo si Suzanne noon kaya buong buhay mo piliin mo sya. Hindi ako kasama sa pagpipilian mo. Umalis ka na, Albert. Hindi kita kailangan sa buhay ko"
"Pero ako kailangan kita, Samantha! Kahit di na ako makasama mo basta makita lang kita mabubuhay ako" tumulo yung luha nya.
"Hindi kita kailangan" mariin sabi ko saka tumayo.
Tumayo rin sya at niyakap ako bago pa ko makalabas.
"Samantha, patawarin mo ko. Matagal na rin akong nagbabayad sa kasalanan ko. Mahal na mahal kita at hindi ko na kayang malayo sayo. Nagmamakaawa ako, Sam. Please take me back. Simula nung mawala ka parang impyerno na ang buhay ko. Di ko na kayang mabuhay ng wala ka" lumuhod sya at umiyak.
"Let me go, Albert" tinanggal ko braso nya na nakayakap sa baywang ko at lumayo.
"You've done it years ago. I know you can do it again" ngumiti ako sa kanya at inabutan sya ng tissue na mula sa bag ko.
"I wont be there anymore, Albert. Learn how to wipe your tears. i'm tired wiping mine and i'm done wiping yours"
I always knew what pain it would bring me being this close to my estranged family. Now finally i had the chance to shove it to their face.
All the pain they caused me.
But it did not made me happy, instead. It pains me.
Ilang oras na kong nakahiga sa kama nung tumunog ang cellphone ko.
Nung makita ko ang picture namin ni Xander sinagot ko iyon.
"Hi Sweetheart" masayang bungad nya sakin.
Tumulo yung luha ko pagkarinig ko palang ng boses nya.
"I miss you" mahinang bulong ko.
Matagal syang natahimik sa kabilang linya.
"Are you okay, Sunshine?" Nag aalalang tanong nya.
Pinunasan ko yung luha ko. "I'm okay, Xander. I just wish you're here"
"Okay. I'll be there tomorrow. I wont go to this conference" aniya.
"No! Dont! Tumuloy ka sa conference. I'll wait for you to come home" humiga ako sa kama at niyakap ang unan.
BINABASA MO ANG
Samantha's Marriage Proposal ★
RomanceSamantha Allison Del Rosario doesnt have anything to do with Men eversince she dropped her ambition to become a pianist. she thought she made it clear. so why the heck is Xander Miguel Montenegro pestering her about playing the piano again. too desp...