TwentySeven

14.5K 435 6
                                    

Chapter Twenty Seven

"Magpahinga ka na, Hija. We will talk tomorrow. Okay?"

Tumango lang ako kay Lala saka dumiretso na sa kwarto ko sa Ancestral House sa Davao.

I immediately slide inside the covers when i reached my room.

Gahd! That was exhausting.

Pumikit ako ng mariin.

Tangina, Samantha! Walang iiyak! Sasapakin ko mukha mo pag umiyak ka!

Binaon ko nalang yung mukha ko sa unan.

Fvck that shit! I am in pain again.

Pakiramdam ko ako ulit yung sixteen years old na si Samantha.

Yung Samantha na nagtago sa Davao kasi dun lang safe.

Yung Samantha na sobrang nasaktan.

Yung batang Samantha na isinakripisyo.

Niyakap ko yung unan ko saka lalong umiyak.

Fvck! I dont think i really got over it.

Kasi akala ko nakamove on na ko sa sakit. Natapalan lang pala ng band aid.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa makatulog ako.

Pag gising ko kinabukasan sobrang sakit ng ulo ko dahil sa pag iyak. Kumuha ako ng tuwalya para maligo.

Pinuno ko yung bathtub ng tubig saka nagbabad don.

Tulala pa rin ako. Yun ang pakiramdam ko.

Kasi kung hindi. Bat di ko namalayan na dalawang oras na kong nakababad dito?

Kulubot na ang mga daliri ko sa paa at sa kamay. Napahilamos nalang ako saka tuluyang naligo.

Wala akong nadalang damit. Buti nalang may mga damit ako dito.

Kumuha ako ng puting summer dress saka yung cowboy boots ko.

Buti nalang kasya pa sakin.

Ngumisi ako saka inikot yung mata ko sa kwarto ko.

Matagal din akong nandito eh.

Di pa rin nagbabago ang ayos ng kwarto ko.

Puro kahoy ang gamit sa loob ng bahay na to. Kasama na don ang kwarto ko. Ang kama ko ay isang kahoy na may curve design na headboard. Ang bed sheet na nilagay ni Lala ay nakaluma din. May mga lace details ang gilid ng comforter at ng mga pillow covers. Kulay puti ito na may print na pulang rosas.

May divan sa paanan ng kama na may nakalagay na maliliit na unan na may kaparehong print ng covers. May maliit na balkonahe na may kahoy na pinto. Puting bintana at kurtina.

The usual farm mansion. May dalawang porch. East and west wing.

Sobrang ganda dito. No wonder dito talaga ako nagpunta noon.

Lumabas ako ng kwarto. Naglilinis ang mga kasambahay ni Lala.

"Goodmorning, Senyorita" bati nung nakasalubong kong kasambahay. Nakauniporme sila.

Tumawa ako. Si Lala hilig sa uniform.

Mga anak din sila ng magsasaka na pinapaaral ni Lala. Ngumisi lang ako saka tuluyan nang bumaba.

"Goodmorning, Senyorita" bati sakin ni Manang Belen. Ngumisi ako sa kanya.

"Goodmorning, Manang! Kamusta po?" Tanong ko sa kanya. Siya yung mayordoma ni Lala. Tumanda na rin sya. Nanay ni Manang Belen ang nagsilbi noon sa mga magulang ni Lala.

Samantha's Marriage Proposal ★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon