Fourteen

15.6K 441 23
                                    

Chapter Fourteen

Nawala lahat ng galit ko kay Ian kasi nalipat yon lahat kay Xander.

Matalim na tinitigan ko sya.

Sila. Silang dalawa ang tinititigan ko ng masama.

Ngumiti si Xander sakin.

Paglapit ko kanila humarap ako kay Xander.

"Samantha-" sinapak ko sya ng malakas kaya napatigil siya sa sasabihin nya.

Natumba sya saka napaupo.

"ASSHOLE!" Puno ng galit na sabi ko sa kanya saka lumabas ulit.

Nanginginig ako sa galit sa kanya na nakalimutan ko kung sino talaga ang pinunta ko don.

"What-" pinutol ko na agad yung sasabihin ni Anton.

"I'm taking a walk, Anton. Dont follow me! I'm so mad right now i could kill!" Nangigigil na sabi ko saka umalis na.

Kapal ng mukha! Pagkatapos nya kong isumbong kay Senator ngingitian pa ko ng animal!

Tumakbo ako ng mabilis palayo sa Tessa's. Binilisan kong tumakbo hanggang sa mapagod ako. Napaluhod ako sa buhangin saka humiga.

Now i just need to calm my breathing.

No wonder i have trust issues. Those people i trust tend to be the same person who betrayed me.

To think that i almost trusted the guy! Fvck.

Umayos ako ng higa at inilatag ang sarili ko sa buhangin

Now, i really should go to a psychiatrist for anger management.

I could kill when i'm too angry.

I've been thinking of getting myself a doctor before i could kill Xander. Thats funny though. I'm still sane enough to think about his welfare.

Natawa ako saka umiling.

Dammit Samantha. You're bipolar.

Tumawa nalang ako ng tumawa.

Matigas ang mukha ng animal pero wala akong paki. Gusto kong makaganti kahit papano.

Kasi aminin ko man o hindi. Nagtiwala ako sa kanya. Naniwala ako na di nya gagawin yun sakin kasi nagmakaawa ako non.

At para mag makaawa ako dahil sa isang bagay ay ibig sabihin lang ay ganun kaimportante saakin yon.

Mga trenta minutos pa kong nakahiga bago ako umupo. Palubog na ang araw.

Siguro naman pauwi na yon sa maynila.

Tumayo ako. Pinagpag ko ang buhok ko yung tshirt saka yung shorts ko.

Kailangan ko pang hanapin ngayon sina Anton at ayusin yung issue ni Ian.

Napairap nalang ako sa kawalan. Puro kabwisitan talaga dulot ng mga lalaki.

Sa tabing dagat ako naglakad habang bitbit yung tsinelas ko.

Kailangan ko nang makalma kasi may trabaho ako bukas. Kapag humaba pa yung sentimyento ko baka pati ang baklang Anton eh kung ano anong ireklamo sakin.

Pinagpag ko ang paa ko bago ko sinuot muli yung tsinelas ko.

Lumapit ako sa front desk para magtanong.

"Anong room ang kay Anton Ferriera? The one with two queen sized bed?"

"Sorry Ma'am we dont disclose those information for our guest's privacy" magalang na sabi nung receptionist.

Samantha's Marriage Proposal ★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon