Chapter Fifty Three
"Mahal kita" mahinang bulong ko.
Marahas na singhap ang narinig ko bago sya nagpakawala ng tawang punong puno ng pait.
"Mahal, Sam? Nagpapatawa ka ba? Anong bang alam mo sa pagmamahal huh?" Mapait na sabi nya.
"Lagi mo nalang sinasabi na walang nagmamahal sayo. Nandun ako, Sam. Minahal kita. Minahal kita ng totoo. Lahat ng kulang sayo pinunan ko. Lahat ginawa ko wag mo lang maramdaman na walang nagmamahal sayo. Minahal kita ng buong buo pero sinayang mo lang lahat. Sinayang mo lahat pati ako."
Wala akong magawa kundi maiyak. Dahil lahat ng sinasabi nya totoo.
Punong puno ng sakit ang nararamdaman nya.
"Hindi ka marunong magmahal, Samantha. Wala kang ibang mahal kundi ang sarili mo. Kaya kahit ako na nagmahal ng totoo sayo binalewala mo at iniwan. Ganyang klase kang tao"
Gusto kong kontrahin yung sinasabi nya. Gusto kong sabihing mahal na mahal ko sya at ginagawa ko ito para sa kanya.
Pero para saan pa?
"And i dont care if the gods will punish me for this. But i hope you die old, bitter and lonely. I hope you rot here forever"
Yan ang huling sinabi nya sa akin bago nya ako tinalikuran.
Napaiyak nalang ako.
Dalawang araw din akong di pumasok ng Taverna dahil don.
"Hoy. Hanggang kelan ka magmumukmok dito? Nakaalis na sya" tinampal ni Tessa ang braso ko habang nakahiga sa dibdib ko si Erysha.
Nagulat si Erysha sa ginawa niya kaya hinaplos ko ang ulo ng bata.
"What?" Tanong ko sa kanya habang marahang hinahaplos ang pisngi ng paslit.
"Nag kausap kami kinabukasan dahil bumalik sya sa Taverna kasama ni Zeke. I told him i've been keeping you here all along"
"Pati ba sayo nagalit sya?" Tanong ko.
Kasi hindi kakayanin ng kunsensya ko kung pati silang magpinsan mapag aaway ko pa.
"Syempre. Pero masisisi ko ba sya. Galit na galit sya sayo"
Binaling ko ang tingin ko sa paslit na natutulog sa dibdib ko.
"Bakit di mo sabihin sa kanyang may sakit ka?"
Malungkot akong ngumiti.
"Para saan pa?" Tanong ko.
Di ko masisisi si Xander kung magagalit sya.
Iniwan ko sya.
Nangilid ang luha ko habang binabasa yung resulta ng lab test.
"We can try chemotherapy, Sam. But i cant guarantee its success. I cant promise you your life" malungkot na sabi ni Marianne.
Pinsan ko na kapatid ni Marie.
Napapikit ako kaya tuloy tuloy na tumulo ang luha ko.
BINABASA MO ANG
Samantha's Marriage Proposal ★
RomansSamantha Allison Del Rosario doesnt have anything to do with Men eversince she dropped her ambition to become a pianist. she thought she made it clear. so why the heck is Xander Miguel Montenegro pestering her about playing the piano again. too desp...