Chapter Thirty Two
Iritado ako pagbangon ko palang.
Di pa nga ako nakatulog ng ayos. Alas dose na nga nakaalis si Xander.
Inis na sinipat ko yung bedside clock.
Five thirty palang ng umaga. Alas tres na ko nakatulog.
At nagising lang ako dahil sa ingay na nagmumula sa bintana ko.
Bwisit!
Sinong walang puso ang babato sa bintana ko at gigising sakin.
Bumangon ako. Handang handa na kong bulyawan ang nag iingay sa bintana pagbukas ko dito. Para lang mabati ng pamilyar na boses.
"Good Morning, Sweetheart!" Malambing na sabi ni Xander.
Umirap.
"Naman, Xander. Five thirty palang." Nakasimangot na reklamo ko sa kanya. Napapalatak pa ko.
"Sorry, Sweetheart" natatawang sabi nya saka tinuro yung pinto. Lumapit ako don saka binuksan para makalabas sa balcony.
"Wait there!" He mouthed. Luminga linga sya bago lumapit sa pader at nagsimulang umakyat.
Tangina!
"Fvck, Xander. Nababaliw ka na ba?! Bumaba ka nga dyan!" Mariing sabi ko. Juskoo!
"Shh, sweetheart. Let me concentrate" humalakhak sya bago inabot yung isang brick.
Fvcker!
Parang nasa dulo ng bangin yung puso ko sa ginagawa nya.
Nung nakahawak na sya sa barandilya ng balcony ay hinawakan ko yung katawan nya para di sya malaglag.
Nung nakatayo na sya ng ayos sa balcony pinagsasapak ko yung braso nya.
"Nababaliw ka na ba? Di ba may hagdan! Anong pakulo yon?! Eh kung nalaglag ka?!" Di ko tinantanan yung braso nya.
Humalakhak lang sya habang umiiwas sa kamay ko.
"Ano ba? Sweetheart. I did not fall and die earlier for you to kill me now?" Tumawa sya saka hinawakan yung magkabilang kamay ko.
"Bwisit ka! Bwisit!" Iritadong angil ko sa kanya. Tumawa lang ito saka hinila ako papalapit sa katawan nya at niyakap.
"Blame it on Sasha for watching too many chickflix. Napagaya tuloy ako" nakangising sabi nya saka hinalikan ako sa noo.
"Anong palabas aber?" Nakasimangot na tanong ko.
Tumawa sya.
"I'm Romeo and you're my juliet."
"Gago!" Nakasimangot na sabi ko.
Humalakhak ng malakas saka paulit ulit akong hinalikan sa noo.
"Ikaw ang pinakamagandang babae na nakilala ko sa buong buhay ko. Kahit bagong gising ka pa ngayon" nag sway sway sya ng konti habang yakap ako.
Umirap ako saka tinulak sya.
"Tumahimik ka nga! Ano bang ginagawa mo dito?"
Humalakhak sya saka sumandal sa railings.
Oh fvck! Spare me of this feeling!
Inis na hinaltak ko sya paalis sa delikadong railing at pasandal sa dingding malapit sa pintuan.
"Uy! Concern sya. Ayaw nyang malaglag ang gwapong katulad ko" pang iinis nya.
"Umuwi ka na nga!" Sigaw ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Samantha's Marriage Proposal ★
RomanceSamantha Allison Del Rosario doesnt have anything to do with Men eversince she dropped her ambition to become a pianist. she thought she made it clear. so why the heck is Xander Miguel Montenegro pestering her about playing the piano again. too desp...