Fifteen

16.5K 476 18
                                    

Chapter Fifteen

"Ang tagal mo naman?" Nakasimangot si Anton sakin.

Tumaas lang yung kilay ko sa kanya saka umupo.

"what? Wala pa naman yung pagkain eh" ipinatong ko yung isa kong legs sa kabilang legs ko.

Nilipat ko yung tingin ko kay Tiff na nakapalumbaba at nakikinig sa live band.

Bumaling ako sa live band saka nakinig din.

So you find yourself at the subway.
With your world in a bag by your side.

A step you cant take back. That was the title of the song.

Parang ako lang nung nag alsa balutan ako noon. Nasa bag ang buong mundong durog durog.

Napangiti ako sa naisip ko saka umiling. Mga eight years na kong nag alsa balutan.

"What?" Tanong ni Anton sakin nung nakita nya yung ngiti ko.

"Wala. May naisip lang ako" inabot ko yung isang bote ng smirnoff mule. Binuksan ko ito saka nagsalin sa baso.

Nagbukas din ng dalawa si Anton. Inabot nya kay Tiffany yung isa.

Are you ready for the last act?
To take a step you cant take back.

Humarap si Tiff samin at inabot yung bote na nasa kamay ni Anton

"I like this song. Ganda. Para sa mga nag layas" tinapunan nya ko ng knowing look saka tumawa

nagsalin sya ng smirnoff sa baso saka tinaas.

"Cheers, Samantha" nakangising sabi nya.

"Gago" natatawang mura ko sa kanya. Pareho nga kami ng naisip dun sa nag layas.

Daldal pa sya ng daldal tungkol sa kanta na pinagtawanan nalang namin ni Anton. Natahimik lang sya nung mailapag sa harap nya yung mga pagkain.

"San ang rice? Ilabas nyo" Natatawa yung waiter sa sinabi ni Tiff.

Tumayo muna ako para mag hugas ng kamay.

Pagbalik ko kumakain na si Tiff. Grabe ang appetite nitong taong to.

"Yan lang kakainin mo?" Tanong nya sakin saka tingin sa plato ko na para bang nagulat.

"Eh ano?" Tanong ko pabalik bago binalingan yung plato kong may laman na dalawang hipon, isang crab at puro gulay.

"Mabubusog ka ba nyan?" Nakasimangot na sabi nya saka subo ng isang hipon.

Nginiwian ko lang sya saka kumain. Maski naghugas ako ng kamay gumamit pa rin ako ng kubyertos. Nabalatan ko pa yung hipon ng walang kahirap hirap.

"Iba talaga pagpapalaki sayo. Well mannered" sabi ni Anton saka tinapunan ng nang uuyam na tingin si Tiff.

Inirapan lang sya nito saka nagpatuloy sa pag kain.

Jusko. Hanggang sa pagkain mag aasaran tong dalawang to.

Paano di gaganda ang pagpapalaki sakin. Pagtapak ko palang ng limang taong gulang meron na kaming home class ni Suzanne tungkol sa Good Manners and right conduct, proper etiquette, Musical Instrument lesson, Voice Lesson, cooking lesson at fine dining lessons. We are raised to become a fine woman. Sucks though. Para kaming manikang binibihisan noon. And we have to be the best woman there is.

Samantha's Marriage Proposal ★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon