Chapter Twenty One
Pumasok ako sa maliit na kwarto ko dito sa opisina. Naligo ako saka nagsuot ng black bandage skirt saka red lacey spaghetti strap top na may zipper sa harap.
Kinuha ko din yung black na YSL T-strap heels na nakatabi dito. Nagsimula na kong mag make up.
Saktong isang oras dumating si kasama si Tiff.
"Dalian mo Sam! Kanina pa nandun si Andrea saka si Alexis!" Nag mamadali si Anton. Inirapan ko sya saka kinuha yung black na clutch bag ko.
Continuation ata yung ngayon yung bitin naming bar nung nakaraan.
"Ditch your car. Sakin ka na sumakay. Intindihin pa yan" nakasimangot nyang talak.
"If i know! Gagawin mo lang naman akong driver kapag nalasing kayo. Intindihin ka pa dyan!" Inirapan ko sya. Inirapan nya din ako pabalik saka kinaladkad ako sa sasakyan. Ako na pinasakay ni Tiff sa harap.
"You're awfully quite today Tiffany Charmaine." Puna ko sa kanya. Simula dumating sila sa office ko.
Umiling lang sya sakin. Somethings off. I'm sure. Di pa nga lang magsasalita to.
Nagkibit balikat nalang ako saka kinulit si Anton.
"You're awfully ugly today, Antonio" seryosong sabi ko.
Nanlaki yung mata nya saka napaawang yung labi sa sinabi ko. Di sya agad nakapagreact sa gulat.
"Maldita kang babae ka! Akala mo kung sino kang maganda! Halika't makikita mo kung anong hinahanap mo!" Pilit nya akong inaabot pero di sya makadukwang ng maayos kasi nagmamaneho sya.
Humalakhak lang ako habang umiiwas sa kalmot nya. Nung pumarada kami sa tapat ng The Core binuksan ko agad yung pinto para makalabas. Siguradong hahabulin ako nyan. Nagmamadali ngang lumabas si Anton.
"Halika babae ka't ng makatikim ka sakin!" Hinabol nya ko. Natatawang tumakbo ako. Hindi nakaapekto ang suot kong five inches na heels para di ako makatakbo ng mabilis. Tatawa tawa akong pumasok ng The Core. Tinawagan ko si Andrea.
"San kayo?" Tanong ko pagkasagot nya nito.
"Dito sa bar counter. Si Jace yung bartender"
"Okay! Papunta na ko!" Binaba ko na yung tawag agad.
Jace is a friend of ours. Yung bagong nirereto ni Anton kay Alexis. Nung nagbar nga kami paguwi ni Alexis.
Si Jace din yung may ari nitong place na to. He's just the same age as ours pero successful na ng sobra.
dumiretso ako sa bar counter nung makita kong pumasok sina Anton sa bar at luminga linga.
Kailangan mauna ako.
Papalapit na ko sa bar nung may humila sakin saka yumakap.
Si Marie.
"Hi Couz!" Nakangiting sabi nya saka humalik sa pisngi ko. Nginitian ko sya pabalik. We used to be so close before she left for states.
Kasama nya si Raffy Fortalejo, yung pinsan ni Venice na babae. May mangila ngilan akong namumukhaan sa tablr nila kasi schoolmate namin nung highschool saka college.
Bumeso din sakin si Raffy saka ngumiti.
"Kamusta?" Tanong nya. Ngumisi lang ako.
"Sinong kasama mo? Join us!" Ani Marie.
"No, i'm with the girls. Maybe next time" nginitian ko sya. Tumango nalang sya saka pinakawalan ako.
Nandun na sina Anton tuloy pagdatinv ko. Masama yung tingin na pinupukol nya sakin kaya ngumisi na ko saka nagpeace sign. Inirapan nya lang ako.
BINABASA MO ANG
Samantha's Marriage Proposal ★
RomanceSamantha Allison Del Rosario doesnt have anything to do with Men eversince she dropped her ambition to become a pianist. she thought she made it clear. so why the heck is Xander Miguel Montenegro pestering her about playing the piano again. too desp...