SixtyTwo

18.7K 840 298
                                        

Chapter Sixty Two

Ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko ang nagpagising sa akin.

Wala na si Xander pag gising ko..

Hungkag na damdamin ang naiwan sakin pagkakita ko ng bakanteng higaan nya.

Bumangon ako at sumilip sa nagkakaingay nang mga tao sa baba.

Nagkakasayahan na sila sa baba..

Naliligo rin ang mga bata sa dagat.

Tumayo ako para maghilamos at magayos. Gusto ko ring maligo sa dagat.

Nagsuot ako ng puting two piece na pinaloob ko sa dress kong puti na hanggang paa.

Paglabas ko sinalubong agad ako ni Alexis saka ni Tiffany.

"Ikaw ha? Tinanghali ka na. Katabi mo lang si Daddy Xander eh!" Nanunudyong sabi ni Tiffany.

"Shh! Marinig ka!" Saway ko sa kanya. Tumalim ang mata ko nung may maalala. "Kaninong plano ang mag share kami ng kwarto?"

Humalakhak si Alexis. "Hindi ako"

"Ang alin?" Tanong ni Venice nung lumapit sya kasama si Anton saka si Andrea.

"Sino nagplano sa inyo para magstay kami sa isang kwarto ni Xander?" Humalukipkip ako saka tinignan sila ng masama.

"Tulog na ko ha! Hindi ako. Maaga kaming natulog ni Lance" ani Venice.

"Lalo naman ako. Nauna pa kong pumasok sa inyong lahat." Nag ngising aso sya saka bumaling kay Anton.

"Umamin ka na. Ikaw ang may pakana" panunukol ni Tiff sa kanya.

Sinamaan nya ng tingin si Tiff.

"Anton!" Mariing sabi ko.

"Fvcker. Lahat kayo nilaglag ako!" Palatak nya saka bumaling sakin.

"Oo na. I just thought its time to tell him the secret" mahinang sabi nya.

Para kong binuhusan ng tubig sa sinabi nya.

Napabaling ako kay Xander na kausap sina Edward. Napatingin sya sa direksyon ko kaya nag iwas ako ng tingin.

"Its not yet the time, Anton" sabi ko saka kumuha ng juice na nasa mesa.

Hindi pa naman talaga ito ang panahon di ba? I dont wanna rain on Tiffany's parade. Nadelay na nga ito dahil sakin hindi ba?

Lumapit ako sa buffet table para kumuha ng breakfast burritto

"Yan lang kakainin mo? No wonder ang gaan mo nung binuhat kita when you passed out" ani Xander. umirap sya bago kumuha sya ng plato saka naglagay ng pagkain dito.

Tahimik ko lang sya tinignan. Nang matapos sya humarap sakin at pinagpalit ang plato namin. "Finish that" umismid sya saka tinalikuran ako.

Nanunudyo akong siniko ni Anton na nasa tabi ko pala.

"Hayy. Sarap talagang magmahal ni Papa Xander"

Pinandilatan ko sya ng mata..

Lalong lumapad ang ngisi nya.

"Ubusin mo na yan. Magalit pa asawa mo"

"ANTON!"

nagtaas sya ng kamay bilang pagsuko.

"Kain na tayo, Sweetheart" natatawang sabi nya saka inakbayan ako.

Inirapan ko sya pero nagpatianod na.

Kumakain kami nung lumapit samin si Jake.

"Ganda mo pa rin" nakangising sabi nya. Humalakhak ako.

Samantha's Marriage Proposal ★Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon