Chapter Fifty Six
"Mauna na ko. I have to buy groceries" paalam ko kina Ian at Ellina.
"Bye Sam! We'll see you in Grace's wedding" bumeso si Ellina sakin. Kinawayan ko si Ian bago umalis.
Dumiretso ako isang supermarket para mamili.
Erysha isnt a picky eater.
Marami akong pinamili. Nung matapos ako umuwi na ako sa tower. Erysha must be awake and she'll look for me.
Hindi ko lang naexpect na may bibisita sa akin.
"Kuya?" Nakakunot noong sabi ko.
Pagbukas kasi ng elevator sina Kuya Seth at Ate Athena ang bumungad sa akin. With Charlize
"Samantha!" Sinugod nya ako ng yakap. Nabitawan ko yung grocery bags.
"Kuya" niyakap ko din sya pabalik.
"Sinabi ni Charlize samin. Sinabi daw ni Leila sa kanya" ani Kuya bago humiwalay sa akin.
"Welcome home" nakangiting sabi ni Ate Athena at yumakap sa akin.
"I missed you" bulong ko. Sobrang namiss ko naman talaga sila.
Yumakap din si Charlize sa akin. She's fifteen and a big girl at that. For sure pinapasakit na niya yung ulo ni kuya sa sobrang stress sa mga lalaki.
"Ang laki mo na" sabi ko sa kanya. Ngumiti sya sa akin
"I missed you, Tita. Leila told me about it kaya sinabi ko agad kina Mommy" nakangiting sabi nya.
Nangilid yung luha ko saka niyakap ult sila.
Sobrang namiss ko sila.
"Come! I'd like you to meet someone" aya ko sa kanila saka inaya sila sa unit ko.
Erysha's toys are scattered in the living room.
"Hala kang bata ka. Mapapagalitan ako ng Mommy mo pag nakita tong kalat mo" narinig kong sabi ni Tina. Kumunot ang noo ni Kuya.
Ngumiti lang ako saka pumasok sa kwarto ni Erysha.
Tatlong kwarto ang meron sa isang unit. Ginagamit ko ang isa. Yung isa kay Erysha at yung isa ay kay Tessa. Si Tina ay sa maids quarter sa common room nag iistay.
Hindi pa naiaayos ang kwarto ni Erysha dahil di naman alam nila Anton ang tungkol dito noon.
Ipaaayos ko iyon sa susunod na mga araw kahit sa tabi ko pa rin natutulog ang paslit.
Bukas ang pinto ng banyo ni Erysha.
Dumiretso ako don saka sinilip sila.
Naliligo ang paslit at kalat kalat ang laruan nya sa banyo.
"My!" Nakangiting sabi nya nung makita ako. Napalingon din si Tina.
"Ay! Ma'am! Sorry po sa kalat" pag hingi nya ng dispensa. Umiling lang ako saka nginitian muli ang paslit.
"Hi Love!" Masayang sabi ko saka tinanggal ang slippers ko para tapusin ang paliligo nya.
"Ako na dito, Tins. Pakiayos nalang sa sala. May bisita tayo"
"Opo Ma'am, sorry po ulit" tumayo na sya saka lumabas.
Narinig ko pa ang pagbati nya kina Kuya.
"Samantha?" Tawag ni Kuya saka sumilip sa banyo.
May pagtataka sa mukha ni Kuya habang nakatingin sya samin ni Erysha. Ngumiti ako.
"Wait lang Kuya. Iaayos ko lang to"
BINABASA MO ANG
Samantha's Marriage Proposal ★
RomansaSamantha Allison Del Rosario doesnt have anything to do with Men eversince she dropped her ambition to become a pianist. she thought she made it clear. so why the heck is Xander Miguel Montenegro pestering her about playing the piano again. too desp...