SixtyFour

40.2K 1.1K 708
                                    

Chapter Sixty Four

Umingit si Erysha saka dumilat.

First thing she did is to smile at Xander..

Nakita ko kung pano nangilid ang luha ni Xander bago inangat ni Erysha ang ulo nya para makita ako.

Ngumiti rin sya sakin bago sumiksik sa dibdib ko ulit.

Hinalikan ko ang noo nya.

Kinusot nya muli ang mata nya bago iniangat ang ulo nya saka tumigin sakin.

Hinawakan nya yung pisngi ko.

"Ab you, hm" ngumiti sya saka humiga ulit.

"Love you, sweetheart" mahinang bulong ko saka hinalikan muli ang noo nya.

Binalingan ko si Xander saka ngumiti ng malungkot.

"I'm sorry" tumulo yung luha ko.

I'm sorry baby, you missed a lot. I'm sorry i hid your daughter from you for soo long.

Umiling sya saka suminghap para mapigilan yung luha nya.

Sumikip yung dibdib ko sa nakikita ko sa kanya.

"How old is she?" Mahinang tanong nya saka hinaplos yung pisngi ng batang tulog ulit.

Marahan nyang kinuha yung kamay ni Erysha saka hinalikan ito.

"She's turning two. One year and ten months"

"Birthday?"

"October 12, 2015" sagot ko.

Hinalikan nya ulit ang kamay ni Erysha bago tumingin sakin.

Alam kong basa na rin ng luha yung pisngi ko.

"Was is difficult raising her?" Lalo akong naiyak sa tanong nya. Nanginginig ang labi ko saka umiling.

"She kept me alive" sagot ko saka pinunasan yung pisngi ko.

"Normal delivery?" Tanong ulit nya. Hinaplos nya ang maumbok na pisngi ni Erysha.

Tumango ako.

"How was it?"

Natawa ako ng mahina "it was hell. I was in labor for twelve hours"

"I wasnt there. I'm sorry" pinunasan nya yung luha nya.

Humikbi ako. Sobrang tindi ng emosyon na bumabalot sa amin ngayon.

"I'm sorry i didnt give you a chance to be there" umiiyak kong sabi.

Umiling sya. "Your sorry will never be enough, Samantha"

Napaawang yung labi ko. Bago pa ako makasagot umingit na ulit si Erysha saka tuluyan nang inangat ang ulo nya.

Pinunasan ko yung pisngi ko saka ngumiti sa paslit.

"Goodmorning baby!"

Humikab sya saka ngumiti.

"Ning, mmy" sagot nya saka binalingan si Xander na nasa gilid lang at nakamasid samin.

Binuhat ko sya saka inupo ng maayos.

"Baby this is Daddy" sabi ko sa paslit.

Kumunot ang noo nya.

"Ddy" ulit nya saka tumingin kay Xander.

Tumingin sya sa akin na para bang nanghihingi ng permiso.

Tumayo ako at inilipat si Erysha sa bisig nya.

Samantha's Marriage Proposal ★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon