Chapter Seventeen
"Charlie, your head to the right. Idikit mo ng konti sa balikat mo. Yeah. perfect!" Sabi ko saka kinuhanan sya ng litrato.
Kumikislap yung balat nya sa tama ng araw na lalong nagdepina ng mga facial features nya.
Nakapwesto sya sa isang malaking bathtub na pabilog na mukhang mangkok na punong puno ng mga kung ano anong pang salad.
"Tilt your head a little, Yes Charlie. Perfect!" Ilang shots ulit ang kinuha ko sa ganung angulo.
Si Charlie na mismo ang gumawa ng sarili nyang pose. Bawat galaw nya ay kinukuhanan ko ng litrato.
She's really natural. Simula palang noon magaling na talaga sya. Lalo lang syang gumaling.
"Beautiful, Charlie! Just perfect" puri ko sa kanya saka take pa ng shots.
Nung sinenyasan ko sya ng okay saka lang sya tumigil kakapose saka ngumisi.
"Thanks Sammy!" Sabi nya habang inaalalayan sya ng staff ni Anton.
Ngumiti ako saka bumaba sa hagdanan kung saan ako nakapwesto para makuhanan sya ng pictures.
Inabutan agad ako ni Anton ng tubig pagpunta ko sa tent para sumilong.
Sinenyasan ko si Georgie na sandali lang. Uminom ako ng tubig.
Tinignan ko sya habang inaayos ng staff ni Tiff yung suot nya two piece swimsuit.
Swimsuit kasi ang minomodel nitong dalawa.
Charlene Irish Leviste or Charlie is Alexis's cousin and Georgina Kristin Yulo or Georgie is Andrea's cousin. The two were bestfriends.
Sumunod lang sila kaninang umaga kaya di namin sila kasabay bumyahe kahapon. Kinawayan ko si Nate na nakatayo sa malayo kasama si Ian. Si Nate ay kapatid ni Georgie. Ngumisi naman ito saka sumaludo sakin.
"Namumula na yung balat mo." Puna ni Georgie.
Ngumiti ako sa kanya.
"Lika na"
Pumwesto na sya kung san kanina si Charlie. Ako naman umakyat na ulit sa hagdan. Umakyat din yung staff ko na nagpapayong sakin kanina pa.
"Ready Georgie?"
Tumango sya kaya nag umpisa na kong mag click ng photos nya.
"Your hands near your face, Georgie. Yeah. Perfect!" Ilang shots pa ang kinuha ko bago ko sya pinagbihis ulit.
Puro two piece naman yung minomodel nila. Bukas pa yung gown collections ni Anton. Breakimg dawn ang theme ng collection bukas kaya madaling araw magshoshoot.
Sobrang init na kaya si Tiffany di na magkandaugaga kakapahid ng sunblock sa katawan nya. Inirapan ko sya. Ang oa eh!
Kumuha ako ng Avocado shake mula sa iniikot ng waiter. Ang susunod naman kasi na kukuhanan namin ay yung nakahiga sila sa buhangin.
Pagkalipat na pagkalipat nila ng hagdanan tinawag ko na yung dalawa para makapag umpisa na. Umakyat ako ulit sa hagdanan habang pumwepwesto yung dalawa.
Hinayaan ko lang yung dalawa na gumawa ng sarili nilang pose. Alam naman na nila yan.
Bawat angulo ay kinuhanan ko.
Napangiti ako sa dami ng frame na pagpipilian.
"Sammy! Break muna!" Ani Anton. Tinignan ko muna yung mga huling shots na nakuha ko.
"Mamaya na yan. Mainit na" napapihit ako bigla sa pagkarinig ng boses na yon.
Na out balance ako kaya pumikit nalang ako at inantay yung pagbagsak ko sa buhangin.
BINABASA MO ANG
Samantha's Marriage Proposal ★
RomanceSamantha Allison Del Rosario doesnt have anything to do with Men eversince she dropped her ambition to become a pianist. she thought she made it clear. so why the heck is Xander Miguel Montenegro pestering her about playing the piano again. too desp...