Sixty One

19.2K 729 238
                                    

Chapter Sixty One

Mabilis na sinara ni Miguel ang pintuan ng cabinet kaya hindi na ito napigilan ni Xander.

Muntik na kong sumalubsob kung di lang naging maagap si Xander na saluhin ako.

Napasandal ako sa dibdib nya at nanghihinang napaupo.

Ganyan agad ang reaksyon ko sa simpleng pagdikit ng katawan namin.

Maraming mura ang lumabas sa bibig nya bago pasalampak na umupo sa cabinet.

Umalis ako sa pagkakasandal sa dibdib nya at humarap sa kanya.

"You know they wont open right? Save your energy. Wag mo nang kalampagin" mahinang sabi ko.

Tumawa sya ng sarkastiko.

"You must be enjoying this."

Ngumisi ako.

"Maybe." Sumandal ako ng maayos saka tinignan sya. "Kamusta ka?"

"Better without you" Marahas na sagot nya. Well. That stings.

"I know. You've been a lot better." sabi ko sa kanya.

"So ikaw kamusta ka na? Still breaking hearts?"

Humalakhak ako sa sinabi nya. Breaking hearts?

"No."

Sumandal sya ng maayos saka kumatok sa labas.

"Can we get some beer? I'm chatting with an old friend"

"Ano Xander? Bar to?" Sagot ni Miguel sa kanya.

Humalakhak ang mga tao sa labas.

"Old Friend. Old friend my Ass!" Si Tiffany.

Umirap lang si Xander saka ngumisi sakin.

"How many minutes do we have left?" Tanong nya ulit.

"Five minutes" sagot nila.

"Okay. Maybe we should do what they expect us to do"

What?

Dahan dahan syang lumapit sakin.

"What are you doing?"

"I wanted to feed my curiousity"

Like what?

Dahan dahan syang lumapit at siniil ako ng halik.

Napapikit ako ng mariin sa ginawa nya. Dahan dahang umakyat ang kamay ko sa batok nya at hinila sya palapit.

Ang braso naman nya ay nakapaikot sa baywang ko para suportahan ang bigat nya.

"I missed how your lips taste like. Too bad i'm getting married. But would you like to be my fling before the wedding?"

Napaawang yung labi ko sa sinabi nya.

Pakiramdam ko sumabog ang puso ko at milyong milyong sakit ang naramdaman nila ng sabay sabay.

Tumulo nalang yung luha ko.

"Dont cry. Just say no kung ayaw mo. Wag ka nang mag paawa sakin. Besides. Hindi naman to ang unang beses na mag sesex tayo if ever di ba?"

Pinunasan ko yung luha kong walang tigil sa pagtulo. Bat ganyan!

"I love you, Xander" i gave him a kiss on the lips. " i love you. But i will never be your kept woman."

Saktong bukas nila Tiffany ng pintuan ay lumabas ako at dire diretsong naglakad papunta sa kung saan. Hindi ko alam.

Samantha's Marriage Proposal ★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon