Chapter Nineteen
"Huy!" Siko ni Anton ang nagpabalik sakin sa realidad. Tumingin ako sa kanya "Di ka naimik dyan!"
Umayos ako ng upo saka umiling.
"Wala" sagot ko saka dineretso yung tatlong shot ng tequila ng walang lemon.
"Nagpapakalasing ka ba?" Tanong ni Tiff.
Umiling ako saka tumingin sa live band. Nakaupo si Charlie sa tabi ko habang si Georgie naman may katext sa cellphone nya. Si Tiffany naman na katabi ni Anton ay nakatingin din sakin.
"Kanina ka pa di naimik dyan. Pag ahon mo sa tubig ganyan ka na" ani Anton.
Ganyan ba kaobvious na may gumugulo isip ko.
"Wala Anton"
Sinusuri nya yung reaksyon ko kaya tinaasan ko sya ng kilay.
Umirap sya saka ipinilig yung ulo nya.
Binalingan ko nalang si Charlie na tahimik lang sa tabi ko.
"Ano Charlie?" Natatawang sabi ko sa kanya kasi tulala din sya.
Ngumiti lang sya saka umiling.
"Was it really that hard?" Bulong ko.
"What?"
"Was it really that hard to get over Nate?" Bulong ko.
Natameme sya sa sinabi ko. At parang on cue, biglang nangilid yung luha nya.
Tumikhim sya at lumunok ng ilang beses. Humugot pa sya ng malalim na hininga bago sumagot.
"Sobra. Sobrang hirap na akala ko di na ko makakabangon pa" ngumiti sya ng mapait.
Kaming dalawa lang ang nag uusap dahil busy yung tatlo sa pag uusap at di kami pinapansin.
"Nakabangon ka ba?" Tanong ko.
Ngumiti sya ulit. "Kailangan eh. Kasi wala akong choice kundi maging okay"
Totoo. Walang choice kundi maging okay nalang kasi yun lang naman ang choice na meron kami. Maging okay.
"Masyado naman kayong deep dyan!" Biro ni Tiffany.
Ngumisi lang si Charlie saka tinaas yung baso nyang may laman na tequila.
"Bottoms up, Tiff?" Hamon nya. Bago pa man tumango si Tiff nilagok na nya yung laman ng baso nya.
Nagsalin pa sya ng isa saka inubos ulit
Tumawa si Anton.
"Tangina! Anong meron bat kayo naglalasing?!" Ani Anton.
Nakangiti si Charlie at umiling. Nakamasid lang si George sa kanya.
"Kakanta ako!" Humalakhak si Charlie bago tumayo.
Inalalayan pa sya ni George pero hinawi nya lang yung kamay nito.
"Hooooo!" Sigaw ni Tiff saka pinalakpakan si Charlie.
Mangilan ngilan lang naman kami sa bar kaya okay lang.
Pumikit pa si Charlie habang kumakanta.
Si Georgie tahimik lang na nagmamasid sa kanya.
Nagpapasalamat nalang ako na di ko nakita si Xander pagtapos ng sinabi ko.
Alam ko sa sarili kong tama yung ginawa ko. Kawawa lang sya sakin kapag naisipan nya pa kong gustuhin ng sobra. Kaya habang di pa sya lunod sakin kailangan iahon ko na sya.
BINABASA MO ANG
Samantha's Marriage Proposal ★
RomanceSamantha Allison Del Rosario doesnt have anything to do with Men eversince she dropped her ambition to become a pianist. she thought she made it clear. so why the heck is Xander Miguel Montenegro pestering her about playing the piano again. too desp...