Chapter Twenty Nine
"Hello, Lola Flor" bati ko nung maabutan ko sila ni Lala na nag uusap sa sala ng bahay nila Lola Flor.
Parehong istilo ang bahay namin sa bahay nila. Yung grand staircase saka yung sofa. Sobrang grande ng bahay.
"Hello, Hija. You look really good. Muy gwapa." Puri nya saka bumeso sa magkabilang pisngi ko. "You've grown to be a fine woman. I'm impressed. Your beauty is impeccable."
Pinigilan ko ang sarili kong umismid.
Juskoo. Narinig ko na yong linya na yan kay Lala ah?
Magkaibigan nga sila.
Ngumiti nalang ako.
"Thank you, Lola. Kayo po? Kamusta kayo?" Tanong ko.
"Naku hija! Never been better. Your Lolas keep me company after your Lolo Greggy died" lumambong yung mata ni Lola Flor.
Lolo Greggy was her husband, he died last year. Nagpadrive pa sakin si Lala noon. Nagpunta kami sa wake nya. Di lang ako umabot sa libing kasi may commitments ako sa trabaho.
My Lolo died five years ago. Matagal nang balo si Lala. Lola Gloria's husband died ten years ago and Lola Linda's husband died even before i was born. Kwento dati ni Lola Linda na namatay sa engkwentro si Lolo Frank. Sundalo kasi si Lolo Frank.
The owner of the haciendas around the lake are these ladies.
Esmeralda Del Rosario, Florentina Sandoval, Gloria Illustre and Belinda Ortega. They were bestfriends since toddler. Actually. The lands were already theirs even before they married our Lolos. Magkakaibigan din kasi ang mga magulang nila then eventually. Naging magkakaibigan ang mga asawa nila. Lucky for them they are all ladies. Kasi kung hindi ipapakasal sila sa isat isa kung may naging lalaki man sa kanila.
Buti nalang wala.
"Its okay, Lola. Nandito naman sila Lala and sila Lola. They managed. You will too." Sabi ko sa kanya. Umupo ako sa pang isahang upuan habang si Lola Flor ay bumalik sa tabi ni Lala.
Saktong pagpasok ni Xander at ni Tessa sa bahay. Napalingon si Lola Flor sa kanila.
"So you met my Grandson Xander, hija?" Tanong nya sakin habang sinesenyasan si Xander na lumapit samin. Nakangisi lang si Tessa sa tabi nya.
"Opo, Lola" sagot ko saka inirapan ang nakangising si Xander.
"How do you find him, hija?" Tanong ni Lala.
Ngumisi ako.
"He's arrogant, Lala. And he's full of himself. Masyadong presko at mayabang. Nakakairita." Diretsong sagot ko.
Napanganga si Lala saka si Lola Flor sa sinabi ko.
"Samantha Allison!" Napataas ang boses ni Lala.
Sobrang sama ng tingin sakin ni Xander. I can only smile sweetly. Angas ka ha?
Humalakhak si Tessa sa tabi ko.
"Its true, Lola. Mayabang kasi yang hambog na yan" natatawang sabi nito.
Sinamaan ito ng tingin ni Xander.
"Bakit hija? Anong ginawa sayo ng apo ko? Your manners, Xander Miguel. Hindi sa lahat ng bagay paiiralin mo yang kahambugan mo!" Kastigo ni Lola Flor kay Xander.
"Lola, i didnt do anything to her. I've been a gentleman. In denial lang yan sa feelings nya sakin" maangas na sagot nito.
"See, Lala. He's full of himself. Akala nya hulog sya ng langit sa kababaihan." Umirap ako.
BINABASA MO ANG
Samantha's Marriage Proposal ★
RomanceSamantha Allison Del Rosario doesnt have anything to do with Men eversince she dropped her ambition to become a pianist. she thought she made it clear. so why the heck is Xander Miguel Montenegro pestering her about playing the piano again. too desp...
