Chapter Fifty Nine
"Masyado kang tahimik. Ganyan ka simula umuwi ng batangas ah?" Puna ni Anton sakin. Inayos ko si Erysha na nakaupo sa legs ko bago sya sinagot.
"Hindi. Ganito na talaga ako" ngumiti ako sa kanya para ipakitang okay lang.
"Kilala kita. May gumugulo nanaman sa isip mo. Ano ba yon?"
Umiling ako at nginitian sya.
"Wala lang to."
Bumuntong hininga sya saka sumandal sa sofa
"Ay nakoo! Samantha ha! Ayoko ng layas layas ulit ha! Palalayasin kita dito!" umirap sya.
Humalakhak ako saka tumango.
"Two weddings just before the year ends. Next month its gonna be Tiffany and Miguel for real" excited na sabi nya.
Unlike their previous wedding. This one is simple and real. With all those stag parties and bridal shower.
It would have taken place a long time ago if i was here.
Ayaw ni Tiffany na ikasal ng wala ako.
Four days in Bantayan. Sa Island kung san lumaki si Summer saka si Rain.
"I've always love weddings. Kelan ko kaya maitatahi yung wedding gown mo?" Nangangarap na sabi ni Anton.
Ngumiti ako. "Palagay ko hindi na"
"Ang bitter huh?!" Irap nya. Ngumisi lang ako.
"Magbibihis lang ako. Pupunta kami ni Erysha kina Kuya Seth"
Tumango sya saka inabot ang bata mula sa akin.
Pumasok na ko sa kwarto para makapag bihis.
Paglabas ko nakaayos na rin si Erysha.
"My, To Seth?" Tanong ni Erysha. Nakaupo sya sa car seat nya katabi ni Tina.
"Yes baby. We're going to Tito Seth" sagot ko sa kanya.
Pano nga ba ako nakauwi mula sa batangas.
Halos lutang ako sa buong kasal.
Ganon siguro talaga pag nakakaranas ka ng sobrang sakit. Para kang namanhid.
Siguro kailangan ko nang mag move on sa feelings ko para kay Xander. At ayusin ang dapat kong ayusin.
Napalingon ako kay Erysha mula sa rear view mirror.
Anak pano kita iiwan?
Pumikit pikit ako para maiwasan ang pamamasa ng mata ko.
Bumusina ako pagdating sa gate nina Kuya Seth. Nakangiti si Charlize na nagbukas non para samin.
"Tita!" Kaway nya. Ngumisi ako pabalik.
What i did not expect is the person going towards Charlize while looking at me.
He looks old. He is old anyway. But the line under his eyes and cheeks told me how much time has gone by.
Pinark ko ng maayos ang sasakyan saka bumaba. Lalapit na sana si Papa sakin pero umikot ako para kuhanin si Erysha.
Nahulog ang panga nya nung makita ang paslit pero naglahad parin sya ng kamay para mayakap ako.
Dahan dahan akong lumapit.
"Samantha, Anak" naiiyak na anas nya habang tinitignan ang mukha ko.
Sya na mismo ang nagsara ng espasyo sa pagitan namin. Niyakap nya kaming dalawa ni Erysha.
BINABASA MO ANG
Samantha's Marriage Proposal ★
RomanceSamantha Allison Del Rosario doesnt have anything to do with Men eversince she dropped her ambition to become a pianist. she thought she made it clear. so why the heck is Xander Miguel Montenegro pestering her about playing the piano again. too desp...