TwentyThree

15.9K 504 31
                                    

Chapter Twenty Three

"What the hell are you doing here?!" Gulat na sabi ko.

"Alexis was right. Yan nga ang first sentence na lalabas sa bibig mo kapag nakita mo ko" ngumisi sya saka inakay ako papunta sa SUV nyang itim na Jaguar.

Nagpatianod lang ako kasi shit. Natulala talaga ako.

Pagsakay nya sa sasakyan kinastigo ko agad sya.

"What are you doing here?!"

"Sinusundo ka. Tinawagan ako ni Alexis eh" sagot nya saka ngumiti. "San tayo, Ma'am?" Kumindat pa sya.

"And what do you think you're doing?" Tanong ko sa kanya. "Whats with the flowers and why are you following Alexis's order?"

Seryoso syang humarap sakin.

"I offered you a deal last night remember?"

Tumaas ang kilay ko.

"So, is this about the deal then? Kaya mo ko sinundo?"

"No, this is not about the deal. I wont force you to play on my Mom's birthday if you dont want that" seryoso pa ring sabi nya.

"Then whats this?" Tanong ko.

"Manliligaw ako, Samantha"

Napaawang yung labi ko saka humagalpak ng tawa! Shiit.

Anong manliligaw?!

Sira ba ulo ng taong to?

Natigil lang ako sa pagtawa nung lumapit sya sakin saka nilagay yung kamay nya sa bintana ng sasakyan. Parang kinukulong nya ko sa upuan.

"Whats funny, Samantha?" Matiim ang tingin nya sakin. Napalunok ako ng ilang beses sa kaseryosohan ng mukha nya.

Leche ha! Lagi nalang akong ganito pag sya ang kaharap!

"What the hell are you doing?" Seryosong sabi ko rin.

"One more curse, Samantha. You'll regret it" aniya saka hinawakan yung pisngi ko.

"What the fvck, Xander?!" Tinabig ko yung kamay nya. Ngumisi sya sa ginawa ko.

Then He claimed my lips.

I swear my eyes almost popped out of its socket from shock.

Gumalaw yung labi nya na parang ninanamnam yung pang ibabang labi ko. Nakapikit sya kaya napapikit na rin ako.

Inangat ko yung kamay ko dibdib nya paakyat sa batok saka mas hinila pa sya papalapit sakin.

Tumawa sya sa ginawa ko.

I swear hindi ako magtataka kung magkasing pula kami ng sili ngayon.

Tumawa sya ng tumawa saka sinandal yung mukha nya sa gilid ng leeg ko.

"You were more than i expected you would be, Sweetheart." Nilayo nya yung mukha nya sakin.

"Now, sweetheart. San tayo? Sa studio?"

Dahan dahan akong tumango.

Ngumisi lang sya saka nagmaneho.

Pagkapark nya ng sasakyan nya bumaba agad sya para ipagbukas ako ng pinto.

"Wala ka bang pasok sa office?" Tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat lang sya. Nauna nang lumapit sa glass door ng studio para buksan ito para sakin.

Didn't know he's a gentleman.

Pagpasok ko binati ako ng receptionist ko na si Jane. Ngumiti lang ako saka dumiretso na sana sa elevator nung tumili ito.

Samantha's Marriage Proposal ★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon