Chapter Twelve
"Bat bigla mong iniwan?" tanong sakin ni Anton
"Sinabi nya kay Senator na nasa Santa Gracia ako" sagot ko sa kanila.
Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung umalis ako sa Santa Gracia.
Damn that Xander.
sinabi nya kay Senator kung nasan ako!
Pagkatapos naming kumain iniwan ko.sya para sana maglibot libot nung makita ko yung mga alipores ni Senator na nagkalat sa resort.
malapit ako sa parking lot kaya nakapagtago ulit ako sa kotse. kotse nanaman ni Xander. hindi ba marunong maglock ng pinto yung lalaking yon?
nakita ko yung purse ko don na naglalaman ng cellphone ko.
kinuha ko ito saka pinag igihan ang tago. nung makaalis na yung mga tauhan ni Senator saka ako lumabas at tumakbo papunta sa hagdan paakyat ng taverna. nagpakuha ako ng tricycle saka nagpahatid sa bus station. dun na rin ako bumili ng jacket para sa byahe pabalik ng maynila.
"Malay mo di naman sya nagsabi?" sabi ni Tiffany saka ininom yung tequila sa harap nya.
nasa En Suite kami nila Andrea, Anton saka Tiff para mag relax sana. sabi ni Anton magrerelax pero iniintriga naman ako.
"Sino ba nakakaalam na nagtatago ako kay Senator. sya lang naman" sagot ko.
kay Xander ko lang sinabi yun. kaya walang ibang magsasabi nun kundi si Xander.
"Kahit na ba. mapagbintang ka" ani Anton saka inirapan ako.
"Wala na rin naman magbabago. nakauwi na ko. back to normal. buti nalang di nila ako nahuli don" sagot ko. sinalinan ko yung baso ko ng tequila saka kumuha ng lemon.
nakabalik naman na sa dati. pinabayaan na ko ni Senator. binalik na rin ni Kuya Seth yung mga gamit ko sa condo. kasama pati camera ko.
"Basta! i doubt kung isumbong ka ni Xander. eh crush ka nun e" sabi ni Anton.
"Crush? nababaliw ka na ba Ton? e halos magmurahan nga kami nun nung nagkita kami" inirapan ko si Anton saka ininom yung tequila na hawak ko. sinipsip ko yung lemon bago ko binaba yung baso.
"Yan problema sayo. nung nabroken hearted ka kay he-who-must-not-be-named wala ka nang ibang lalaking nakita" Ani Anton.
"Shit, parang voldermort lang" natatawang sabi ni Andrea, "But yes. para ka kasing naghibernate sa lalaki" sabi ni Andrea.
Kumibot kibot lang yung labi ni Tiff saka nagkibit balikat.
"he means nothing to me now." malamig kong sagot.
"kahit na makita mo sya ulit?" tanong ni Tiffany.
"Kahit mamatay pa sya sa harap ko"
napaawang yung labi nila sa sagot ko. napainom naman bigla ng alak si Anton kaya inubo sya sa sobrang tapang ng vodka.
hinagod ni Tiffany yung likod nya habang nakatingin sakin. ngumisi lang ako saka tumayo.
"Sayaw tayo!" aya ko. hindi ko na inantay makasagot si Andrea. hinila ko nalang sya bigla.
pumunta kami sa baba para makihalo sa dancefloor.
sumayaw ako sa harap ni Andrea saka tumawa. eto ang isang bagay na pinagkasunduan namin ni Andrea. bars and night life. pareho kami ng sitwasyon. patay kami sa mga tatay namin kapag nadumihan ang mga leche nilang pangalan.
we couldn't care less anyway!
Parepareho lang naman sila. puro pangalan ang iniintindi.
nakita kong kumuha ng dalawang baso si Andrea sa waiter saka inabot sakin ang isa. i mouthed cheers and drink it all down.
BINABASA MO ANG
Samantha's Marriage Proposal ★
RomanceSamantha Allison Del Rosario doesnt have anything to do with Men eversince she dropped her ambition to become a pianist. she thought she made it clear. so why the heck is Xander Miguel Montenegro pestering her about playing the piano again. too desp...