ThirtyNine

14.5K 466 23
                                    

Chapter Thirty Nine

One year na kami ni Xander.

Damn right. He stayed. We stayed.

Going strong. Maybe Lola flors right. I am meant for Xander.

I always thought that if Xanders by my side. What could possibly go wrong.

But Lala died.

Di ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas habang pauwi sa Davao pagkatapos kong matanggap ang tawag ni Manang na inatake daw si Lala at patay na.

Tulala ako habang sakay ng chopper na maghahatid sakin sa Davao.

This cant be true right? Kasi kausap ko pa sya kahapon at masayang nakikipag kwentuhan samin.

Ni hindi ko pa natatawagan si Xander. Paglapag ng chopper bumaba ako agad. Inaantay na ko ni Manong Ruben para dalhin sa hospital.

Tulala pa rin ako. Fvck no! Not Lala. Lala's the only family i got!

Sa labas palang ng hospital nakita ko na si Manang Belen na umiiyak.

"Si Lala po?" Nagmamadaling tanong ko sa kanya. Tinuro nya lang yung loob saka humagulhol ng iyak sa balikat ng isang kasambahay.

Masakit na ang mata ko kakapigil ng luha ko. Para bang nahuhulog ako sa kawalan ng paulit ulit.

Nadatnan ko sa labas ng emergency room sina Lola Flor, Lola Gloria saka si Lola Belinda na umiiyak.

"Si Lala po?" Nanginginig ang boses ko.

Tinuro nila ang loob ng emergency room. Nandun nga si Lala.

Nakahiga sa kama, wala nang buhay at nakapikit na habang buhay.

"Lala!" Nabasag na ang boses ko pagkakita sa katawan nya.

Marami pa dyan bat si Lala pa? May pumatay, may nagnakaw. May masamang loob. Bakit si Lala na walang ginawa kundi mahalin ako at ang taong nasasakupan nya.

Its too early to say goodbye to Lala. i dont know how to say goodbye!

Niyakap ko ang katawan nya habang patuloy na nahuhulog sa kawalan.

My protector has fallen. Paano na ko? How will i be without Lala?!

Di ko alam kung paano ko aayusin ang lahat.

Mula sa damit na susuotin nya hanggang sa kabaong na hihigaan nya habang buhay.

Tulala ako habang inaayos ang lahat.

Pagod na pagod ako habang nagmamaneho ng sasakyan pauwi. Ipinasabay ko na si Manong Ruben sa kina Manang dahil kailangan kong ayusin ang lahat.

Masyado nang mataas ang lipad ng kaluluwa ko na hindi ako makaiyak.

Kailangan ko pang bumalik ng funeral parlor para kuhanin si Lala.

Baka nandun na ngayon ang taga funeral service at inaayos ang burol.

Fvck is this really happening? Inaayos ko ba talaga ang burol ni Lala?

Tila tumigil ako sa mundong patuloy na gumagalaw para sa kanikanilang buhay.

Masyado akong tulala para magkaroon ng pakialam kay Manong Ruben na nagtatanong kung anong gusto kong kainin.

Dahil sa sobrang sakit na lumulukob sa buong pagkatao ko.

Bakit si Lala? Si Lala lang yung kakampi ko at nagmahal sakin ng totoo. Siya yung umintindi. Prumotekta at yumakap sakin ng buong buo sa mga panahong maski ako di ko na kayang mahalin ang sarili ko.

Samantha's Marriage Proposal ★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon